X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Batang nagsisinungaling: Pagtuturo ng katapatan sa bata

6 min read
Batang nagsisinungaling: Pagtuturo ng katapatan sa bataBatang nagsisinungaling: Pagtuturo ng katapatan sa bata

Nagsisinungaling ba ang iyong anak? Narito ang maaaring dahilan at tips para sa mga magulang upang maturuan ang iyong anak sa pagiging matapat na bata.

Paano ba turuan ang iyong anak sa pagiging matapat na bata?

May punto talaga sa buhay ng isang bata na natututo siyang magsinungaling, normal lamang ito parents. Kasama ito sa child development ng iyong anak. Katulad na lamang ng pagsisinungaling dahil may gusto silang i-cover up, dahil mayroon silang nagawa o gusto nila ng isang bagay.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Dahilan ng pagsisinungaling mga bata
  • Paano dapat i-deal ng mga magulang ang pagsisinungaling ng anak
  • Tips para sa magulang para sa pagiging matapat na bata ng kanilang anak

Ang pagsisinungaling sa murang edad ay hindi dapat maging malaking problema, basta tinuturuan ninyo ang inyong mga anak kung ano ang kahalagan ng pagiging matapat na bata. Ang pagsisinungaling ng mga bata’y sinabing nagsisimula kadalsan sa edad na 3 taong gulang.

Maaari mong mapansin na mas madalas pa silang magsinungaling pagsapit ng edad na 4 hanggang 6 na taong gulang. Habang lumalaki ang bata, asahan na ng magulang na mas gumagaling na ang kanilang mga anak na magsinungaling. Lalo na kapag naintindihan na nila ang konsepto sa likod nito at kung paano baguhin ang kanilang mga expression kapag sila’y nasisinungaling.

 

Bakit nasisinungaling ang mga bata?

Ayon sa Ministry of Social and Family Development (MSF) kapag nasisinungaling ang bata pagsapit ng edad na 8 taong gulang mas nagiging matagumpay na sila sa pagsisinungaling at maaaring mas complicated na ito kaysa noong mas bata sila.

pagiging matapat na bata

Larawan mula sa iStock

Narito ang ilang mga rason at maaaring senaryo na maaaring magdulot sa ating mga anak na magsinungaling, upang mauunawaan natin kung bakit sila hindi nagigig matapat na bata.

  • Upang maiiwasan ang trouble

Maaari ninyong mapansin na ang inyong anak ang nasisinungaling para makatakas sa responsibilidad o parusa sa unang bahagi ng kanilang school years. Kung ang iyong anak ang may ginawang mali, gagawa sila ng mga kwento upang ma-cover up ang kanilang ginawa. Upang maiiwasang mapagalitan.

  • Gumawa ng mga kwento

Ang mga bata ay mayroong malawak na imagination at sa kanilang murang edad nag-e-enjoy sila na nagpe-pretend sila na kalaro ang mga character na nakikita nila sa telebisyon o libro. Sa ganitong kaso, hindi dapat sila maging accountable dahil lamang gusto nilang gumawa ng kanilang sariling version ng kwento para mas maging exciting ito.

Ayon kay Richard Gallagher, PhD,

“They’re not purposely distorting the truth. They love to exaggerate and make up tall tales, but these stories are expressions of their rich imagination, not lies.”

  • Upang makakuha ng atensyon

Minsan kahit alam ng mga bata na alam naman ng kanilang magulang ang totoo. Maaaring mag-respond pa rin sila ng kasinungalingan upang makakuha ng atensyon mula sa iyo at tignan kung paano ka magre-react sa kanilang pagsisinungaling. Maaari ring magsinungaling sila sa kanilang mga peers o kaibigan upang ma-impress niya ang mga ito.

  • Para makatakas sa kanilang nagawa

Natuklasan ng mga eksperto na ang mga batang may anxiety at depresyon ay maaaring magsinungaling. Upang makapokus sa kanilang sarili at kung paano nila maitatago ang kanilang tunay na nararamdaman. Kadalsan, ang sanhi nito’y ayaw ka nilang mag-aalala sa kanila.

  • Upang makuha ang kanilang gusto

Maaari ring magsinungaling ang mga bata kapag mayroon silang gusto. Halimbawa, “Nanay, bigyan mo po ako ng lollies bago mag-dinner.” Pwede rin silang magsinungaling dahil sa takot na ma-disappoint ka sa kaniya. Katulad na lamang ng mababang grade na kanilang nakuha o nawala nilang laruan.

BASAHIN:

STUDY: Ugali ng bata, nakakaapekto sa kanilang romantikong relasyon paglaki

5 cartoon shows na dapat iwasan dahil nagtuturo ng hindi mabuting asal

Nagsisinungaling ka ba sa anak mo para mapasunod siya? Ito ang epekto nito sa kaniya

 

Paano i-deal ang batang nagsisinungaling?

pagiging matapat na bata

Larawan mula sa iStock

Hindi talaga natin alam kung kailan magsisinungaling ang ating mga anak. Pero kapag nahuli natin silang magsisinungaling, huwag mag-freak out agad. Maraming mga paraan na epektibo upang ma-handle ang kanilang pagsisinungaling.

  • Huwag mag-overreact. Hindi maganda para sa iyong anak na magagalit ka agad kapag sila’y nagsinungaling. Maaari kasing mas magsinungaling pa sila. Kaya naman manatiling kalmado at kausapin sila patungkol sa kanilang behavior.
  • Iwasang tawaging ‘sinungaling’ ang iyong anak. Kaysa tawagin silang sinungaling o nagsisinguling, sabihin sa kanila na hindi okay ang pagsisinungaling. Ang pagiging matapat na bata ay mas mainam kaysa sa sinungaling na bata. Manatiling kalmado habang pinagsasabihan ang iyong anak. Magmungkahi rin sa kanila kung paano nila maaayos ang kanilang nasira o nagulo.
  • Itanong sa kanila ng diretso kung ano talaga ang nangyari. Kausapin ang iyong anak ng mahinahon at itanong sa kaniya ang totoong nangyari. Maaari mong pagaanin ang sitwasyon sa pagtatanong ng, “Ano ba talagang nangyari anak? Pwede mo ba sa akin sabihin?”

Paano turuan ng pagiging matapat na bata ang iyong anak?

I-encourage ang iyong anak na magsabi ng totoo kung maaari, narito ang ilang tips para sa mga magulang.

  1. Maging matapat na role model

Bilang mga magulang, naiimpluwensyahan natin ang ating mga anak upang gumawa ng tama. Kaya naman may mga pagkakataon na mini-mimic nila tayo at mas natututo sa ating mga ginagawa. Kaya naman iwasan din ang pagsisinungaling sa harap nila kung maaari.

  1. I-nurture ang kanilang self-esteem

Upang ang iyong anak ay hindi magsinungaling sa iba para magpa-impress. Subukan na maglaan ng panahon sa pag-cheer sa kanila at purihin sila sa mga existing achievement nila. Maaari ka ring mag-explore ng mga bagong hobby o mag-succeed sa isang activity kasama sila. Sa pamamagitan nito makakatulong ito sa pag-boost ng kanilang self-esteem.

  1. Mag-set up ng malinaw na rules sa inyong bahay

Siguraduhing mayroon klarong rules sa inyong bahay kung ano ang mga dapat ginagawa at hindi dapat ginagawa. Sa pamamagitan nito, hindi sila masyadong mag-aalala sa trouble na maaari nilang magawa kung silang nagkamali. Ang pagkakaroon ng malinaw na consequences para sa isang partikular na action o behavior ay maaaring maka-encourage sa kanila para iwasan ang mga ganoong bagay.

  1. Kwentuhan sila ng mga kwento patungkol sa kahalagan ng pagiging matapat na bata

pagiging matapat na bata

Larawan mula sa iStock

Para sa mas creative na paraan upang maturuan ang iyong anak ng honest o katapat, maaari siyang basahan o magkwento sa kaniya ng patungkol sa kahalagahan ng pagiging matapat. Makakatulong din ito upang maging tapat sa kaniyang nararamdaman at hindi nagpapanggap na ayos lamang ang lahat. Kahit na hindi ito ayos upang maiwasan ang misconception.

  1. Purihin sila kapag nagsasabi sila ng totoo

Kapag ang iyong anak ay nagsabi ng totoo, siguraduhing purihin sila sa kanilang pagiging matapat na bata. Pwede mong sabihin na, “Natutuwa talaga ako na sinabi mo sa akin ang totoo, anak.” Binibigyan mo sila ng impresyon na hindi ka malulungkot kapag sila’y nagsasabi ng totoo. Dahil rito baka hindi na sila magsinungaling pa sa hinaharap.

 

Partner Stories
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Marhiel Garrote

Batang nagsisinungaling: Pagtuturo ng katapatan sa bata

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Batang nagsisinungaling: Pagtuturo ng katapatan sa bata
Share:
  • Batang nagbalik ng nawalang pera, binigyan ng scholarship

    Batang nagbalik ng nawalang pera, binigyan ng scholarship

  • Naghihilik ang iyong anak? Alamin kung ano ang sanhi ng paghilik ng bata

    Naghihilik ang iyong anak? Alamin kung ano ang sanhi ng paghilik ng bata

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

app info
get app banner
  • Batang nagbalik ng nawalang pera, binigyan ng scholarship

    Batang nagbalik ng nawalang pera, binigyan ng scholarship

  • Naghihilik ang iyong anak? Alamin kung ano ang sanhi ng paghilik ng bata

    Naghihilik ang iyong anak? Alamin kung ano ang sanhi ng paghilik ng bata

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.