-

Bye, puson!: 5 Pagkain na dapat mong idagdag sa diet mo, ngayon na!

Share this article with other moms

Alamin kung ano ang mga pagkain na dapat mong kainin nang madalas upang labanan ang "bloating" o pagkakaroon ng malaking puson!

Problemado ka ba sa malaking puson? Hindi ka nag-iisa! Ngayong summer, ugaliing kumain ng mga masustansiyang pagkain na tutulong din paliitin ang malaking puson.

Narito ang limang halimbawa.

1. Prutas: Kiwi and Watermelon

Kapag nag-ki-crave ka ng matamis, magandang alternatibo ang mga prutas tulad ng kiwi, papaya, at watermelon. Ang Kiwi ay pinaniniwalaang pumapatay sa bad bacteria na nagdudulot ng pagbigat ng timbang.

Ang watermelon naman ay hitik sa natural fluids na mag-ha-hydrate at mag-e-enhance ng metabolism.

photos: pixabay

2. Yogurt

Ayon sa mga nutritionist, ang yogurt ang puno ng good bacteria na tumutulong sa tiyan na i-digest at i-absorb ang pagkain at ang sustansiya nito.

Piliin ang plain yogurt at huwag ang mga sobrang tamis para mas konting calories. Puwede mo rin dagdagan ito ng berries o grapefruit slices para maging mas malasa.

photo: pixabay

3. Leafy Greens: Lettuce, Spinach, Kangkong

Mababa sa calories, at mataas sa fiber, ang mga gulay tulad ng spinach, lettuce at kangkong ay isa sa pinakamagandang pagkain ng panglaban sa water retention at malaking puson.

Puede ka gumawa ng salad gamit ang olive oil or lemon zest, na napatunayan na ding mabisa sa pagtanggal ng bloating.

photo: pexels

4. Salabat or Lemon Juice

Ang luya ay nagtataglay ng enzyme na tumutunaw ng protein at nagpapaimpis sa pamamaga. Nire-relax din nito ang bituka at binabawasan ang pamamaga nito upang mas dumaloy ng maayos ang pagkain. Pinapaganda rin nito ang metabolism at binabawasan ang kabag.

photo: pexels

5. Whole-grain sandwiches

Siksik sa fiber ang tinapay na whole grain bread kaya magandang gumawa ng sandwiches tulad tuna with lettuce para lalo pang mapaganda ang metabolism mo. Pinapaayos din nito ang blood sugar mo, para hindi ka magutom agad.

 

READ: 8 Anti-bloating foods to add to your diet today

Be sure to check out ParentTown for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Family Nutrition Health & Wellness Meal Planning