Mga pagkain na nakakatulong sa brain development ni baby

undefined

Mga mommy, mabuting alamin ang best food para sa mga babies na makakatulong sa kanilang brain at neurological development!

Marami ang nangyayari sa unang buwan ng katawan ng isang baby. Dahil sa pagbabagong ito, ang mga kinakain ng isang bata ay may mahalagang puwang sa kanyang neurological development. Kaya bilang isang ina, mahalagang malaman ang mga pagkain ng sanggol na makabubuti para sa kaniyang brain development.

Ngayon, maaaring marami ka nang nabasang mga artikulo tungkol sa mga pagkaing masustansya kay baby. Ngunit ang artikulong ito ay tumatalakay sa bagong research sa mga tamang ihahain na pagkain ng baby na makakatulong sa kanyang utak.

Mga pagkain na nakakatulong sa brain development ng sanggol

Naglabas ang ‘The American Association of Pediatrics (AAP)’ ng mga recommendation para sa mga pagkaing makabubuti sa isang bata. Siguradong makakatulong ito para sa neurological at brain development ng sanggol sa loob ng kanyang unang 1000 araw. Sa artikulong ito, pinaliwanag din nila kung bakit mahalaga ang mga pagkaing ito sa early years ng bata.

Dagdag pa ng AAP, ang health risk ng bata pati na kapag sila ay naging adult tulad na lamang ng obesity, hypertension, at diabetes ay maaaring nakadepende sa estado ng nutrisyon na mayroon ang sanggol sa unang 1000 araw ng kaniyang buhay.

“Calories are essential for growth of both fetus and child but are not sufficient for normal brain development,” saad ng AAP.

Masustansyang pagkain ng sanggol na mabuti sa kaniyang utak

Ayon sa Apex agency, ang lahat ng nutrients ay kailangan ng isang baby para sa kanilang brain development. Ngunit may ilan pa rin na mahalaga para sa kanilang neurodevelopment. Ito ang mga sumusunod:

  • Protein (ito ay matatagpuan sa powdered milk, porridge, pureed vegetables, meat at cereal)
  • Zinc (ito ay matatagpuan sa whole grain cereals, nuts, potatoes, red meat at mushrooms)
  • Iron (ito ay matatagpuan sa green vegetables, spinach, chard, beetroot, winter squash, sweet potatoes, beef, chicken, turkey, mushrooms at prune juice)
  • Choline (ito ay matatagpuan sa egg yolk, yogurt, garbanzo and lima beans, lentils, almonds, cauliflower, bok choy, cabbage at broccoli)
  • Folate (ito ay matatagpuan sa avocado, spinach, garbanzo beans, lentils, beetroot at asparagus)
  • Iodine (found in sea vegetables like arame, hiziki, kombu, wakame, cranberries, yogurt, cheese at potatoes as well as salt)
  • Vitamin A, D, B6, B12 (ito ay matatagpuan sa carrots, sweet potato, salmon, fortified yogurt, orange juice, fortified milk, banana, papaya, lentils, garbanzo or chickpeas, low-fat dairy, cheese at eggs)

Ayon pa sa Apex Agency, “Failure to provide key nutrients during this critical period of brain development may result in lifelong deficits in brain function despite subsequent nutrient repletion.”

Dagdag din ni Dr. Sarah Jane Schwarzenberg, associate professor ng Pediatrics, University of Minnesota Masonic Children’s Hospital at miyembro din ng AAP Committee, mahalagang malaman ng mga magulang na ang breastmilk pa rin ang pinakamabuting ibigay kay baby sa loob ng kanyang first 6 months.

Samantala, mahalaga rin na bigyan ang mga ito ng pagkaing mayaman sa iron at zinc. Dahil ang breastmilk ng isang ina ay kulang sa ganitong sustansya na kailangan ng isang bata sa kanyang paglaki. Ang mga pagkaing ito ay:

  • Mga gulay at prutas na mayaman sa bitamina at mineral
  • Pureed na karne ng manok, isda, turkey at baka
  • Infant cereals

“Infants are very vulnerable in the first few months of life to [nutrient] deficiencies. Their brains are developing at a rapid pace between one and two years, so we want pediatricians to be recommending a healthy spectrum of foods and not simply telling parents to give their babies certain foods. We want to make a positive statement about providing lean meats and fruits and vegetables, and also push back on the idea of superfoods,” dagdag pa ni Dr. Schwarzenberg. Aniya, hindi sapat ang isang pagkain para mapunan ang mga nutrisyon na kailangan ng isang baby.

Ano ang mga dapat tandaan sa pagpili?

Ayon kay Dr Schwarzenberg, narito ang mga dapat tandaan ng isang magulang sa pagpili ng pagkain ng kaniyang anak:

1. Ibigay nang tama ang mga masustansyang pagkain sa loob ng kanyang 2 years

“If you miss the opportunity to meet developmental milestones during the first 1,000 days of life, then there’s not an opportunity to go back and revisit them.”

Dahil ang neurological development ng isang bata ay paunti-unti nang nadedevelop. Kasama na ang kanyang utak at kung paano ito bumibilis.

2. ‘Wag hayaan na maging boss ang iyong anak

“We all have a tendency to pick one or two things the child likes and not stray too much from them. But if you are really looking to developing good brain health, then you really have to look at a variety of foods,”

Madaling kainin ng isang baby ang mga gustong nilang kainin. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay palagi mo silang hahayaan sa kanilang gusto. Piliin ang best food for babies brain sa loob ng kanyang unang taon. Pagkatapos nito, maaari mo nang ibigay ang mga bagay na kanyang gustong kainin.

Kung nais mabasa ang English version ng artikulong ito, maaaring bisitahin ang link na ito.

BASAHIN: 10 brain-boosting foods to help your toddlers grow smarter

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!