X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

10 pagkaing mayaman sa folic acid na dapat kainin ng mga buntis

5 min read

Para saan ang folic acid? Ang folic acid o folate ay isang uri ng vitamin B na importante sa isang buntis at sa sanggol na dinadala nito. Tumutulong ito sa paggawa ng bagong cells at DNA na importante sa growth at development ng isang baby. Pinapanatili rin nito ang sapat na level ng dugo na kailangan ng isang buntis para makaiwas sa anemia, miscarriage at iba pang kumplikasyon. Kaya naman narito ang mga gulay na dapat kainin ng buntis na ipinapayo ng mga doktor. Para makasigurong healthy siya at ang baby na nasa sinapupunan nito.

Mga gulay na dapat kainin ng buntis at iba pang pagkain na masustansiya

Ang mga pagkain na ito ay mayaman sa folic acid na para sa buntis.

pagkaing-mayaman-sa-folic-acid

Image from Freepik

1. Madahon at berdeng gulay

Ang mga gulay na dapat kainin ng buntis dahil ito ay mayaman sa folic acid o folate ay ang mga madahon at maberdeng gulay tulad ng spinach, lettuce at talbos ng kamoteng baging. Ang pagkain ng isang plato ng mga gulay na ito ay sapat na para matustusan ang kailangang folate ng isang tao sa isang buong araw. Maliban sa folic acid nagtataglay din ang mga maberdeng gulay ng fiber, iron, magnesium, potassium at calcium.

2. Asparagus

Magandang source din ng folic acid ang masarap na gulay na asparagus. Ang pagkain ng isang tasang nilagang asparagus ay katumbas ng 262 micrograms (mcg) ng folic acid na halos 65% na ng kailangang folic acid ng isang tao sa isang araw. Maliban sa folic acid mayaman din sa ibang nutrients ang asparagus tulad ng vitamin K, vitamin C, vitamin A at manganese.

3. Broccoli

Ang broccoli ay isa rin sa mga pagkaing mayaman sa folic acid. Ang isang tasang brocolli ay nagbibigay ng 26% na folic acid na kailangan ng katawan sa isang araw. Maaring kainin ito ng hilaw o bahagya lamang na pinakuluan. Magandang source din ito ng vitamin K at C na tumutulong sa pagbuo ng buto at mga tissues sa ating katawan.

4. Citrus Fruits

pagkaing-mayaman-sa-folic-acid

Strawberries | Photo by Hal Gatewood on Unsplash

Ang mga citrus fruits tulad ng dalandan at oranges ay mayaman din sa folic acid. Ang isang buong orange nga ay nagtataglay na ng 50mcg nito. Mayaman din ito sa iba pang nutrients tulad ng potassium, folate, calcium, vitamin B6 at vitamin C. Samantala, ang ibang prutas naman na mayaman din sa folic acid ay ang papaya, ubas, mangga, saging, at strawberry.

5. Beans, Peas, at Lentils

Ang mga beans at butil rin ay magandang source ng folic acid. Ilan nga sa mga halimbawa nito ay ang monggo, patani at green peas. Ang pagkain ng isang mangkok ng mga ito ay sapat na upang matustusan ang kailangang folate ng iyong katawan sa isang araw.

6. Avocado

pagkaing-mayaman-sa-folic-acid

Photo by Thought Catalog on Unsplash

Ang avocado ay isang pagkain din na mayaman sa folic acid. Ang isang tasa nito ay katumbas na ang 110mcg ng folate na halos 28% ng kailangang folate ng ating katawan sa isang araw. Maliban sa folic acid mayaman din sa fatty acids, vitamin K at fiber ang avocado.

7. Okra

Hindi lamang nakakatulong sa paglilinis ng ating tiyan ang okra, isa rin itong magandang source ng folic acid. Ang kalahating tasa nga nito ay katumbas ang halos 103mcg ng folic acid. Maliban sa folic acid ang okra ay magandang source din ng calcium.

8. Seeds at Nuts

Ang mga buto at mga mani ay isa din sa mga pagkaing mayaman sa folic acid. Ang isang tasa ng sunflower at flax seeds ay nagtataglay ng 300 mcg ng folate. Samantalang 54-88 mcg ng folate naman ang maaaring makuha sa mga mani o nuts tulad ng peanuts at almonds. Ang pagkain din ng mga ito ay nakakabawas ng tiyansa ng pagkakaroon ng heart disease at tumutulong sa maayos na bowel movement.

9. Cauliflower

Kilala ang cauliflower bilang isang magandang source ng vitamin C pero mayaman din ang gulay na ito sa folic acid. Ang isang tasa ng cauliflower ay katumbas na ang 55 mcg ng folate na halos 14% na ng kailangang folate ng isang tao sa isang araw.

10. Karne o atay ng baka o manok

Isa pang uri ng pangkaing mayaman sa folic acid ay ang karne o atay ng baka o manok. Ang isang tasa ng karne ng baka ay katumbas na ang 81.2 mcg ng folic acid samantalang ang atay naman ng manok ay katumbas na ang 165 mcg ng folate.

Ngunit pinapayuhan ang mga buntis na kakain nito na siguraduhing nalinis at naluto ito ng maigi para makaiwas sa mga mikrobyo na maaring makasama sa sanggol sa kanilang sinapupunan. Dapat ding magdahan-dahan sa pagkain nito dahil ito rin ay nagtataglay ng taba at kolesterol na maaring makasama sa kanilang kalusugan.

Napakahalaga nga ng folic acid sa isang nagdadalang-tao at sa kaniyang baby. Kaya maliban sa pagkain ng mga pagkaing mayaman sa folic acid, pinapayuhan rin ang mga buntis na uminom ng mga food supplements na nagtataglay nito. Ito ay upang masiguradong healthy at maayos ang development ni baby sa tiyan ng kaniyang mommy.

 

Sources:

Global Healing Center, HealthLine, Kalusugan.PH

Basahin:

9 na prutas na dapat kainin ng mga pregnant mommies

Why is folic acid important for pregnant women?

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

mayie

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • 10 pagkaing mayaman sa folic acid na dapat kainin ng mga buntis
Share:
  • Folic acid para sa buntis: Ano ang kadalasang iniinom ng TAP Moms?

    Folic acid para sa buntis: Ano ang kadalasang iniinom ng TAP Moms?

  • Best folic acid brands para sa buntis at mga gabay sa tamang pagpili nito

    Best folic acid brands para sa buntis at mga gabay sa tamang pagpili nito

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Folic acid para sa buntis: Ano ang kadalasang iniinom ng TAP Moms?

    Folic acid para sa buntis: Ano ang kadalasang iniinom ng TAP Moms?

  • Best folic acid brands para sa buntis at mga gabay sa tamang pagpili nito

    Best folic acid brands para sa buntis at mga gabay sa tamang pagpili nito

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.