Ayon sa mga eksperto, kailangang magpapayat muna bago magbuntis

undefined

Para mabawasan ang kaso ng obesity, Type 2 diabetes at iba pang kumplikasyon sa pagbubuntis, pinapayuhan ng mga eksperto ang mga kababaihan na kumain ng mga pagkaing pampapayat bago magdalang-tao.

Ayon sa mga eksperto, mahalaga daw na magpapayat muna at kumain ng pagkaing pampapayat bago subukang magbuntis. Alamin kung dito kung bakit.

Ayon sa tala ng NHS o National Health Service, halos kalahati ng mga buntis na nagpupunta sa kanilang first pre-natal check-up ay matataba o overweight na kung saan ang 22% ay mga obese o sobra na sa katabaan.

Kaya naman naglabas ng guidelines o alituntunin ang Royal College of Obstetricians and Gynecologists sa mga doktor na payuhang magpapayat muna ang mga kababaihang sobra sa timbang na nagpaplanong magdalang-tao.

Ito ay para maiwasan ang mga kumplikasyon sa pagbubuntis tulad ng high blood pressure, gestational diabetes, pre-eclampsia at problema sa mental na kalusugan. Ito ay paraan rin para mabawasan ang tumataas na kaso ng obesity at type 2 diabetes na maaring magsimula habang ang isang sanggol ay nasa sinapupunan pa lamang ng kaniyang ina.

Ang pagiging overweight din ng isang ina ang tinuturong dahilan ng iba pang kumplikasyon sa pagbubuntis tulad ng premature labor, miscarriage, still birth at birth defects sa isang sanggol gaya ng spina bifida. Ang spina bifida o split spine ay ang hindi maayos na pagka-develop ng spine ng isang sanggol.

 

Tatlong Paraan Kung Paano Magpapayat nang Mabilis

Hindi madaling magpapayat—mas lalo na kung gusto mong gawin ito nang madalian para makapag-buntis agad. Ngunit mayroong mga paraan at pagkaing pampapayat na puwedeng kainin para makatulong sa pagbabawas ng timbang.

Pero ano nga ba ang mga pagkaing pampapayat na maaring kainin ng isang babaeng nagnanais magdalang-tao at ano ang mabisang paraan kung paano magpapayat nang mabilis?

Narito ang ilang tips para sa mga kababaihan kung paano magpapayat ng mabilis at mga pagkaing pampayat na safe para sa mga nagnanais mabuntis.

1. Tanggalin ang mga pagkaing matatamis at ma-carbohydrates sa iyong diet.

Ang pagtatanggal ng mga matatamis na pagkain at ma-carbohydrates sa iyong diet ay makakatulong para mabawasan ang iyong gana sa pagkain. Pinababa rin nito ang ating insulin level na nagiging dahilan upang maglabas ang ating kidney ng mga excess water weight mula sa ating katawan. Isang mahusay na paraan din ito ng pagbabawas ng timbang na hindi ginugutom ang sarili.

2. Kumain ng mga low-carb diet meal.

A low-carb diet ay ang hindi pagkain ng mga pagkaing may starch o ma-carbohydrates na nakukuha sa mga matatamis na pagkain, pasta at tinapay. Ang low carb diet meal naman ay binubuo ng mga pagkaing may tamang source ng protein, fat at masusustansiyang gulay. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng low carb diet meal ay epektibong paraan ng pagbabawas ng timbang at pagpapaganda ng kalusugan.

Ang mga pagkaing pampapayat naman na pwede mong isama sa iyong low carb diet meal ay ang sumusunod:

  • Karne ng baka, baboy, manok at iba pa
  • Isda tulad ng salmon at iba pa
  • Itlog na mayaman sa Omega-3
  • Mga gulay tulad ng spinach, broccoli, cauliflower at carrots
  • Mga prutas tulad ng mansanas, strawberries at oranges. Ipinapayong kumain lamang ng isang prutas sa isang araw dahil ito ay nagtataglay rin ng sugar na hindi maganda sa taong gustong magbawas ng timbang.
  • Fats and oils tulad ng coconut oil, olive oil at fish oil

Mga pagkaing hindi dapat kainin

  • Mga matatamis tulad ng soft drinks, fruit juices, candy, ice cream at iba pang produktong may asukal
  • Refined grains gaya ng wheat, kanin, tinapay, cereal at pasta
  • Mga pagkaing may trans fats tulad ng pizza
  • Mga low fat o dietary products tulad ng mga crackers at cereals na may mabababang fat level pero may added sugar
  • High processed foods o mga pagkaing may preservatives
  • Mga gulay na mataas ang level ng starch tulad ng patatas at mais

3. Pagbubuhat o pagpunta sa gym 3 beses sa isang linggo.

Isa sa paraan para mapabilis ang pagpapapayat ay ang pag-eexercise. Samantalang ang pagbubuhat naman ng weights ay nakakabawas ng calories sa katawan at nagpapabilis ng metabolism na importante sa pagbabawas ng timbang. Nakakatulong din ang pagkain ng low carb diet meal habang nag-eexercise upang magkaroon ng dagdag muscles sa katawan habang nagbabawas ng taba sa katawan.

Kung hindi ka naman komportable sa pagbubuhat at pag-gygym, ang pagsasagawa ng mga cardio walkouts tulad ng paglalakad, pagtakbo, jogging, cycling o swimming ay makakatulong rin.

Iyan ang tatlong paraan kung paano magpapayat ng mabilis kasama ang mga pagkaing pampapayat na dapat mong kainin at mga pagkaing dapat mong iwasan.

Ang Royal College of Obstetricians and Gynecologists ay isa sa pinaka-maimpluwensyang medical body sa UK na nagrerepresent ng 6,000 na doktor na ang specialty ay childbirth at woman’s health. Kaya naman mariin nilang isinusulong na dapat bigyang halaga ng mga kababaihan ang kanilang katawan at kalusugan bago magdalang-tao. Kailangang maging handa ang kanilang katawan sa mga pagbabago at mas malaking responsibilidad na kanilang haharapin sa bagong yugto ng kanilang buhay.

 

Source: HealthLine, HealthLine, WebMD, Daily Mail

Basahin: 11 Prutas para sa pagbabawas ng timbang

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!