X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Agree or disagree: Okay lang ba na ilabas ang mga bata para pumasyal?

9 min read
Agree or disagree: Okay lang ba na ilabas ang mga bata para pumasyal?Agree or disagree: Okay lang ba na ilabas ang mga bata para pumasyal?

Ready na magroad trip ang buong pamilya? Alamin muna ang safety protocols bago magdesisyong pumasyal.

Mga magulang, anong opinyon niyo sa paglabas ng bahay ng mga bata ngayong panahon ng Covid-19? Alamin ang sagot ng ibang magulang tungkol dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pinakahuling IATF guidelines tungkol sa paglabas ng bahay ng mga bata ngayong panahon ng Covid-19
  • Bakit nakakatulong para sa mga bata na lumabas
  • Okay lang ba na ilabas ang mga bata para pumasyal?

Naging napakahirap ng nagdaang taon para sa ating lahat, pero lalo na para sa ating mga anak.

Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, naantala ang normal na pamumuhay ng mga bata. Hindi sila maaaring makapunta sa kanilang mga paaralan kaya nagkaroon ng online classes.

Hindi sila maaaring makipaglaro sa kanilang mga kaibigan at hindi rin sila maaaring lumabas ng bahay. Inaasahan na manatili lang sila sa loob ng ating mga tahanan para makaiwas sila sa virus.

Kaya naman bilang magulang, humahanap tayo ng mga paraan para mapasaya sila at mabigyan pa rin sila ng normal na childhood sa kabila ng pandemyang ito. Kung anu-anong activities na ang sinubukan nating gawin sa loob ng bahay para aliwin ang ating mga anak.

Subalit paano kung hindi gaanong malaki ang ating lugar para makapaglaro. O kung wala na tayong ibang maisip para malibang ang mga bata? Maaari ba natin silang ilabas ng bahay para makapamasyal?

Kung titingnan mo ang iyong social media, marami na ring pamilya ang pumipili na ilabas at ipasyal ang kanilang mga anak sa mga kalapit-bayan.

Subalit mayroon pa rin namang mga magulang na mas gustong manatili na lang ang mga bata sa loob ng bahay. Kung saan sigurado itong ligtas mula sa banta ng virus.

Ikaw, sang-ayon ka ba sa paglabas ng bahay ng bata para mamasyal ngayong panahon ng COVID-19?

Subalit bago mo sagutin ‘yan, alamin muna natin kung ano talaga ang ipinapatupad sa ngayon.

paglabas ng bahay Covid-19

Larawan mula sa Freepik

Pinakahuling IATF Guidelines

Ayon sa pinakahuling Omnibus Guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force o IATF, ang mga minor de edad o mga taong edad 18 pababa ay hindi pa pinapayagang lumabas ng bahay, maliban na lang  kung ito ay para makakuha sila ng mga essential na produkto o serbisyo (gaya ng pagpunta sa ospital) at para sa outdoor, non-contact sports o exercise.

Gayundin, narito naman ang pinakahuling IATF Resolution (as of June 20201) na may kinalaman sa paglabas ng bahay o pagbibiyahe.

  • Para sa mga taong nakatira sa lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ. Tulad ng Metro Manila at mga malapit na bayan (NCR Plus), maaari nang magbiyahe sa mga lugar na may Modified General Community Quarantine o MGCQ nang walang age restrictions. Subalit kailangan nilang sumailalim sa RT-PCR test at mga alituntunin ng Department of Tourism (DOT) at mga local government units (LGUs).
  • Ang mga restaurant sa mga lugar na nasa GCQ ay maaari nang mag-operate ng 20% capacity sa dine-in at 50% capacity kung sa labas o outdoor ito.
  • Ang mga outdoor tourist attractions ay pinapayagan na ring mag-operate ng 30% capacity. Habang ipinapatupad ang striktong minimum public health standards (pagsusuot ng face mask at social distancing).
  • Sa mga indoor na tourist attractions ay hindi pa rin pinapayagang mag-operate.
  • May mga specialized markets ang DOT tulad ng Staycations na walang age restrictions ang pinapayagan mag-operate. Basta sila ay sumunod sa protocols at restrictions na ipinapatupad ng DOT.

Kung ganoon, maaari na pa lang lumabas ng bahay ang bata para makapamasyal at mag-exercise. Tulad ng pagbibisikleta, walking at jogging, basta’t susundin lang ang mga alituntunin at protocols ng lugar na iyon.

Subalit ligtas na nga ba silang lumabas at mamasyal?

Okay lang ba ang paglabas ng bahay ng bata para mamasyal?

Mahigit isang taon na rin ang nakalipas nang ipatupad ang alituntunin na dapat manatili lang sa loob ng tahanan ang mga bata. Kaya naman nahahati ang opinyon ng mga magulang pagdating sa usapin kung dapat bang palabasin ang bata para makapamasyal.

Para sa ilang magulang, panahon na naman para hayaan silang mag-enjoy at pumasyal habang sumusunod sa mga safety protocols. Subalit para naman sa iba, mas makakabuting manatili na lang muna sila sa loob ng bahay. Para rin makaiwas sila sa sakit.

Bakit kailangan ng batang lumabas ng bahay?

Nagtanong ako sa aking mga kapwa nanay at marami sa kanila ang sumang-ayon na ayos lang lumabas ng bahay ang bata para maipasyal.

“It’s good for their mental health, and para makalabas rin kahit paano,” ani Mommy Gretchen, isang work-from-home mom.

Naisama na niya ang kaniyang anak sa bahay ng isang kaibigan na may malawak na garden. Kumain din sa isang restaurant sa kanilang village kung saan puwede ang mga bata.

Marami ring mommy ang nagsabi na hinahayaan nilang lumabas ang kanilang anak. Basta mayroon malawak na lugar at hindi gaanong matao gaya ng mga parks, farms at zoo.

Popular din ngayon ang road trips kung saan nasa loob lang ng kanilang sariling sasakyan ang mga bata at mag-drive thru ng kanilang paboritong pagkain.

Kuwento naman ni Mommy Glad, isang stay-at-home mom sa tatlo niyang anak,

“Yes, sa mga bundok namin sila dinadala ngayon. Road trip, kapag may nakita maganda na lugar at malawak, pinapababa namin sila. Tapos ang dami ko lang dalang baon sa kotse at kapag gusto nila ng ibang food, drive-thru lang.”

“Kami sa province, yes, we can bring the kids to a park. Basta open spaces mga once in a while lang rin para lang makalabas ang kids.” sabi naman ni Mommy Carla, isang businesswoman.

paglabas ng bahay Covid-19

Paglabas ng bahay sa panahon ng COVID-19. | Larawan mula sa Freepik

BASAHIN:

Gabay para sa mga magulang sa panahon ng COVID-19

Bored na si bagets? Narito ang 4 activities na pwedeng gawin kahit nasa bahay lang

Why you shouldn’t have second thoughts on getting the COVID-19 vaccine

Ayon sa website na Healthy Children.org, ang paglabas ng bahay ay nagbibigay ng masayang break para sa mga bata lalo na ngayong panahon ng COVID-19.

Partner Stories
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Nakakatulong din ito sa development ng kanilang physical and mental health. Narito pa ang ilang dahilan hayaan ang batang lumabas:

  • Mas malayang makagalaw at makapaglaro ang bata sa labas kaysa sa loob ng bahay. Lalo na ngayon na walang physical school, kailangan ng bata ng maraming opportunity para gumalaw. Ang outdoor time ay may kaugnayan rin sa pagganda ng kanilang motor development at pagbaba ng obesity rates.
  • Nagiging mas curious at creative ang mga bata kapag nakakalabas sila para mag-explore.
  • Ayon din sa mga pag-aaral, ang mga bata na nabibigyan ng oras sa nature ay malimit magalit at maging agresibo. Mahalaga ito lalo na dahil nagbago ang normal na routine ng mga bata.
  • Mas mababa rin ang posibilidad ng stress at depression para sa mga taong nakakaranas ng ganda ng kalikasan. Nagiging mas focused ang bata at nababawasan ang sintomas ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder.

Bakit dapat manatili lang muna sa bahay ang mga bata?

Subalit mayroon pa rin namang mga nanay ang mas gustong maging maingat at pinipiling manatili lang muna sa bahay ang kanilang mga anak.

“Nakakatakot pa kasing mamasyal, walang peace of mind,” ani Mommy Juneva, isang businesswoman at bagong panganak na mommy.

Hindi naman siya mali sa kaniyang pananaw dahil nga patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 dito sa ating bansa. Lalo na sa mga siyudad, at maaring malagay sa peligro ang buhay ng mga ibang nakatira sa bahay. Lalo na ang mga matatanda at mayroong medikal na kondisyon.

Gayundin, walang sapat na kakayahan ang ibang ospital na tumanggap ng maraming pasyente. Lalo na kapag tumaas pa ang mga kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar, na nangyari na nang ilang beses sa Metro Manila.

Pagbabahagi naman ni Mommy Milly, isang work-from-home mom,

“We live with two senior citizens, and 2 kids with asthma, kaya ang hirap i-risk. Mayroon na rin kaming mga kaibigan na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID. Kaya mas gusto ko na lang munang maging maingat.”

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, bagama’t mas mababa ang kaso ng mga batang nagkakasakit ng COVID-19 kaysa sa matatanda.

Mayroon pa ring mga nakakakuha ng sakit na ito, at maaari pa rin silang makaranas ng matinding sintomas. Lalo na ang mga batang may underlying medical conditions tulad ng asthma, at may mahihinang immune system, gaya ng mga sanggol.

At kung maging asymptomatic man ang bata, maaari pa rin niyang madala ang virus sa loob ng bahay at mahawa ang ibang miyembro ng pamiya nang hindi niya namamalayan.

Hindi rin naman lahat ng pamilya ay mayroong sariling sasakyan. Kaya magiging delikado para sa kanila na gumamit ng pampublikong transportasyon para lang maipasyal ang kanilang anak.

Para rin sa ilang mommies, mas pipiliin na muna nilang manatili sa bahay ang mga bata sa bahay. Hanggang sa magkaroon na ng bakuna ang mga ito.

Pagbabahagi rin ni Mommy Floremie, isang stay-at-home mom,

“No pa rin muna sa pasyal kasi wala pang Covid-19 vaccine for kids. Hindi pa safe. Mahirap magkasakit ngayon lalo na sa mga bata. Pandemic ngayon, kahit sa probinsya may virus.”

“Nakakaawa man dahil naiinggit sila kasi naririnig nila na maraming bata ang dumadaan sa labas namin. Pero naninigurado lang talaga kami. At saka na ‘yong pasyal kapag lahat na may vaccine,” ani Mommy Lizel, isang call center agent na araw-araw pumapasok sa opisina.

paglabas ng bahay Covid-19

Paglabas ng bahay sa panahon ng COVID-19. | Larawan mula sa Freepik

Kung ikaw ay isang magulang na nag-iisip na ipasyal ang iyong anak, makakabuti kung titimbangin mo muna ang pros at cons sa paglabas ng bahay. Lalo na ngayong panahon ng COVID-19.

Alamin mo ang kaso ng COVID-19 sa inyong lugar at kung sino ang mga taong maaring maapektuhan kung sakaling makukuha niyo ang sakit sa labas ng bahay.

Makakabuti rin kung magre-research ka tungkol sa lugar na nais niyong puntahan at tingnan kung mayroon ba silang mahigpit na safety protocols doon.

Ayon naman kay Mommy Jam, isang businesswoman na may 3 anak,

“Ang take ko dyan, just in any other thing, is that every family should know what the risks are and kung kaya ba ng risk appetite nila ‘yon.”

Para makasigurong malalayo sa banta ng Covid-19, mas mabuting sumunod lagi sa protocols na ipinapatupad ng pamahalaan at panatiliin ang mga bata sa loob ng bahay kung wala namang importanteng gagawin sa labas.

Subalit wala namang magulang na gustong mapahamak ang anak. Bilang ina o ama, ikaw ang nakakaalam kung ano ang makakabuti sa iyong anak kaya nasa sa’yo ang desisyon kung hahayaan mong lumabas at pumasyal ang bata.

Tandaan lang na kung gagawin niyo ito, maging responsable at sumunod sa mga safety protocols na ipinapatupad sa lugar na iyon para masiguro ang kaligtasan ng buong pamilya.

Source:

IATF Secretariat. Official Gazette PH, Healthy Children.org, CDC

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Eusebio

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Agree or disagree: Okay lang ba na ilabas ang mga bata para pumasyal?
Share:
  • REAL STORIES: "Ayaw akong pagtrabahuhin ng partner ko kahit P100 lang binibigay niya araw-araw."

    REAL STORIES: "Ayaw akong pagtrabahuhin ng partner ko kahit P100 lang binibigay niya araw-araw."

  • Nursing student na hindi pinaakyat sa graduation, nagsalita na: "My mother is having a hard time..."

    Nursing student na hindi pinaakyat sa graduation, nagsalita na: "My mother is having a hard time..."

  • Hindi lang mga kids: Mga parents dapat ding mag-ingat sa pag-post sa social media

    Hindi lang mga kids: Mga parents dapat ding mag-ingat sa pag-post sa social media

app info
get app banner
  • REAL STORIES: "Ayaw akong pagtrabahuhin ng partner ko kahit P100 lang binibigay niya araw-araw."

    REAL STORIES: "Ayaw akong pagtrabahuhin ng partner ko kahit P100 lang binibigay niya araw-araw."

  • Nursing student na hindi pinaakyat sa graduation, nagsalita na: "My mother is having a hard time..."

    Nursing student na hindi pinaakyat sa graduation, nagsalita na: "My mother is having a hard time..."

  • Hindi lang mga kids: Mga parents dapat ding mag-ingat sa pag-post sa social media

    Hindi lang mga kids: Mga parents dapat ding mag-ingat sa pag-post sa social media

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.