May ibig sabihin ba ang paglilihi sa iba't ibang pagkain?

lead image

Para sa bawat ina, iba-iba ang nagiging epekto ng paglilihi. Ngunit ayon sa isang eksperto, may mas malalim na ibig sabihin ang paghahanap mo ng pagkain!

Isang malaking bahagi ng pagbubuntis ay ang paglilihi. Madalas, ang mga naglilihi ay naghahanap ng kakaibang mga pagkain. Minsan naman, ang mga pagkain na dati nilang paborito ay bigla nilang inaayawan.

Pero bakit nga ba naglilihi ang isang nagbubuntis? At may ibig sabihin ba kapag naghahanap ka ng isang uri ng pagkain?

May ibig sabihin ba ang paglilihi sa iba’t-ibang pagkain?

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/10/pregnant eating body.jpg May ibig sabihin ba ang paglilihi sa iba't ibang pagkain?

Ano ba ang ibig sabihin ng mga pinaglilihian mong mga pagkain?

Alam niyo ba na mayroong tinatawag na ‘cravings theory‘ pagdating sa paglilihi? Ayon dito, hinahanap daw ng iyong katawan ang nutrisyon na iyong kinakailangan.

Halimbawa, kapag naglilihi ka at gusto mong kumain ng karne o atay, baka daw mayroon kang iron deficiency. Kung naghahanap ka naman ng maalat na pagkain, baka kulang sa asin ang iyong diet.

Ngunit hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan kung totoo nga ba ang cravings theory. Kaya’t hindi pa kumpirmado kung ano ang kinalaman nito sa paglilihi. Pero ayon sa mga eksperto, posible din daw na naghahanap ka ng isang uri ng pagkain dahil gusto mo talaga itong kainin.

Kung naghahanap ka ng ice cream, o kaya ay hamburger, posibleng ito ay dahil matagal mo nang gustong kumain nito. Baka noong hindi ka pa nagbubuntis ay hindi mo ito madalas makain, kaya ngayong nagbubuntis ka, mas hinahanap mo ito.

Minsan, epekto rin ito ng mga hormones na sanhi ng maraming pagbabago sa iyong katawan. 

Mahalaga ang pagkakaroon ng healthy diet sa mga nagbubuntis

Isa sa pinakamahirap na gawin habang nagbubuntis ay ang magpigil ng sobrang pagkain. Siyempre, kapag ikaw ay naglilihi, talagang hahanap-hanapin mo ang mga paborito mong pagkain!

Pero hindi naman nito ibig sabihin na kakainin mo lang kung anong gusto mo. Mahalaga pa rin sa mga inang nagbubuntis ang pagkain ng tama, at sa wastong dami. Ito ay dahil naaapektuhan ng iyong mga kinakain ang kalusugan ng iyong anak. Kaya’t kung hindi healthy ang iyong kinakain, magkakaroon ito ng masamang epekto sa iyong anak.

Heto ang ilang mga tips upang masiguradong malusog ang iyong pagbubuntis:

  1. Kumain ng mga pagkain na maraming iron at folic acid tulad ng spinach, broccolli, at iba pang green, leafy vegetables. Mabuti rin ang pag-inom ng folic acid at iron supplement para sa karagdagang nutrisyon.
  2. Umiwas sa mga ‘fad diet’ dahil hindi ito mainam para sa mga nagbubuntis, lalong lalo na ang mga ‘weight-loss’ na diet. Mas mabuting kumain na lamang ng balanced diet dahil mas makakabuti pa ito sa kalusugan mo at ng iyong anak.
  3. Huwag masyadong kumain ng matatamis na pagkain. Ang sobrang pagkain ng matatamis habang nagbubuntis ay posibleng maging sanhi ng gestational diabetes. Ito ay nagdudulot ng mataas na blood sugar, at posibleng makasama din sa kalusugan ng iyong sanggol.
  4. Hinay-hinay lang sa pagkain. Kahit na may sanggol ka sa iyong sinapupunan, hindi mo naman kailangan kumain ng para sa dalawang tao. Mas mahalagang kumain ng tama at magbawasa sa mga matataba o matatamis na pagkain.
  5. Mahalaga ang pag-inom ng gatas. Ang gatas ay maraming calcium at iba pang mga bitamina na kailangan mo at ng iyong sanggol. Mabuti rin ang pagkain ng yogurt at cheese bukod sa pag-inom ng gatas.

 

Source: Health

Basahin: What are the most common types of food that moms crave during ‘paglilihi’?