Pagmamanas ng buntis: Mga mahalagang kaalaman

Share this article with other moms

Lahat ng dapat malaman tungkol sa Edema kapag nagbubuntis

Bakit nga ba nangyayari ang pagmamanas ng buntis?

Kapag nagbubuntis, ang katawan ay lumilikha ng mas maraming dugo at body fluids para mabigyan ng sapat na nutrisyon ang sanggol sa sinapupunan. Ang pamamansa, o edema, ay sanhi ng mga namuo o naipon a tubig sa body tissues kapag ang babae ay buntis. Karaniwang ang mga paa, sakong, at binti ang tinatamaan nito.

Karaniwang namamanas ang babae sa huling trimester. At dahil sa bumibigat na uterus, nadidiin ang pelvic veins at vena cava o ang malaking ugat sa kanang bahagi ng katawan na nagdadala ng dugo mula sa ibabang bahagi ng katawan papunta sa puso, kaya’t naiipon ang tubig sa ugat, at namamanas. Mas nagiging malala din ang pamamanas sa gabi, at kapag mainit ang panahon, tulad ng tag-init o summer.

Ang nadadagdag na fluids na ito ay kinakailangan ng katawan upang maihanda ito sa paglaki dahil sa pagbubuntis. Pinapalambot nito at inihahanda ang pelvic joints ant tissues sa nalalapit na panganganak.

Ang init ng panahon, pagtayo ng matagal, pagiging aktibo, kakulangan sa potassium, labis na caffeine at sodium sa katawan, ay ilan sa mga nagpapalala sa edema.

Paano maiibsan ang pamamanas?

Walang gamot sa edema, ngunit maraming paraan para mabawasan ang pananakit o para mas maging komportable ang lagay ni Nanay.

  • Iwasan ang pag-upo nang naka ekis ang mga binti o sakong.
  • Iwasang maupo o tumayo ng matagal. Tumayo-tayo o maglakad-lakad ng ilang sandali kapag nararamdaman nang matagal nang nakaupo o nakatayo.
  • Ipinapayo ng mga doktor ang paghiga ng patagilid sa kaliwa upang hindi gaanong madiinan ang mga ugat at ang kidney.
  • Ipahinga ang mga paa at binti, hanggat maaari. Itaas ang mga ito o ipatong sa silya, unan o footrest. Kapag napapahinga ang katawan, natutulungang maglabas ng tubig ang kidney.
  • Ideretso ang mga binti kung nakaupo, at iikot ng dahan dahan ang paa, at igalaw ang mga daliri sa paa.
  • Pumiling magsuot ng komportableng sapatos, o sapatos na mas malaki ang sukat kaysa sa karaniwang sinusuot.
  • Iwasan ang pagsusuot ng medyas o stockings na may mahigpit na garter sa sakong o binti.
  • Kung magsusuot ng maternity stockings, pumili ng waist-high maternity support
  • Uminom ng maraming tubig, o sampung baso sa isang araw. Nakakatulong ito na mapigil ang pag-ipon ng tubig sa katawan. Surprisingly, this helps your body retain less fluid.
  • Mag-ehersisyo. Maglakad-lakad o lumangoy. Ang pagbababad sa tubig (tulad ng swimming pool) ay nakakabawas sa pamamanas.
  • Lagyan ng cold compress ang mga namamanas na bahagi ng katawan.
  • Kumain ng masustansiyang pagkain at iwasan ang junk food, maaalat na pagkain, at mga inuming may caffeine. Makakatulong ang pagkaing mayaman sa potassium tulad ng saging.

Nawawala ba ito?

Huwag mag-alala. Ang pamamanas ay kusang umiimpis pagkapanganak. Ilalabas ito ni Nanay sa pagpapawis at pag-ihi ng madalas.

Dapat bang mag-alala?

Halos lahat ng nagbubuntis ay nakakaranas ng kondisyong ito. Ngunit kung nararamdaman mo na maaaring sintomas na ito ng preeclampsia, kumunsulta agad sa doktor. Narito ang ilang sintomas na naghuhudyat ng pag-aalala:

  • Pamamaga ng mukha
  • Pamamaga ng paligid ng mata
  • Labis na pamamanas ng kamay, binti, paa o sakong
  • Ang isang binti ay mas manas kaysa sa isa
  • Masakit ang balakang (maaaring may blood clot)
sources: What to Expect When You’re Expecting ni Heidi Murkoff, Mayo Clinic Guide To A Healthy Pregnancy nina Roger Harms,, M.D., et al, Part 3. Pregnancy, Childbirth and the Newborn: The Complete Guide. Penny Simkin, et al, Ch. 6.

BASAHIN: Itanong kay Dok: Mga dapat na alamin kapag nagbubuntis

Sign up for the

Your weekly Pregnancy guide

Receive weekly personalized updates on your pregnancy! More details on the Plus One here

Pregnancy Health Pregnancy Pregnancy Concerns