X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#AskDok: Nakakasama ba sa buntis at sa baby ang pagsakay ng motorsiklo o ng trike?

8 min read
#AskDok: Nakakasama ba sa buntis at sa baby ang pagsakay ng motorsiklo o ng trike?#AskDok: Nakakasama ba sa buntis at sa baby ang pagsakay ng motorsiklo o ng trike?

Kumonsulta kami kay Dr. Kristen Cruz-Canlas upang alamin kung ligtas nga ba o hindi ang pagsakay sa motor ng buntis, pati na rin kung ligtas ito sa mga sanggol.

Dito sa Pilipinas, isa sa pinaka-popular na paraan upang makapunta sa iba’t-ibang lugar ay ang paggamit ng motorsiklo. Hindi maikakaila na halos lahat ng klase ng tao ay makikitang nakasakay sa motor dito sa bansa, mapa-bata man o matanda. Ngunit ligtas nga ba ito? Hindi ba’t bawal ba matagtag ang buntis?

Talaan ng Nilalaman

  • Bawal ba matagtag ang buntis?
  • Ano ang payo ni doc?
  • Ligtas ba ang pagsakay sa motor ng buntis
  • Ano ang masasabi ng batas tungkol dito?
  • Paano sumakay sa motor kung ikaw ay buntis?
  • Pwede bang mag-motor ang buntis?

Bawal ba matagtag ang buntis?

Ang usapin kung ligtas nga ba ang pagsakay sa motor ng buntis at mga baby ay isa sa pinakamadalas tanungin sa aming theAsianparent Community App. 

Ayon sa ibang mga ina ay hindi raw ito safe na gawin ng mga buntis. Ito ay dahil baka matagtag ang ina, at magdulot ng maagang panganganak, o kaya pagkalaglag ng baby.

pagsakay-sa-motor-ng-buntis-sanggol

Image from Freepik

Pagdating naman sa pagsakay ng sanggol sa motor, marami ang nagsasabi na baka raw madisgrasya ang baby kapag sumakay sa motor.

Ngunit halo rin ang opinyon ng mga magulang pagdating dito. Ang ibang ina ay sinasabing safe ito, basta’t hindi malayo ang pupuntahan o matagal ang pagsakay. Sa mga baby naman, sabi ng ilan na okay lang raw ito, basta’t hawakang mabuti ang sanggol.

Pero ano nga ba ang ligtas at hindi pagdating sa mga ina at mga sanggol?

pagsakay sa motor ng buntis

Tanong mula sa theAsianparent app

Ano ang payo ni doc?

Dahil rito, kumonsulta kami kay Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, upang alamin kung ligtas nga ba ito o hindi. Heto ang kaniyang rekomendasyon tungkol dito.

Safe po ba sa mga nagbubuntis ang sumakay sa motor?

“Hindi po safe na sumakay sa motor ang mga nagbubuntis dahil wala pong sapat na proteksyon ang mga motor. Delikado po ang direct impact sa tiyan ng isang buntis dahil pwede pong magkaroon ng abruptio placenta or ma detach ang inunan(placenta) , pagdurugo sa loob ng tiyan(concealed hemorrhage), preterm labor or abortion.”

Ngunit nilinaw din ni Dr. Cruz-Canlas,

“Wala pong enough studies/ guidelines kung nakakapag dulot ba ng miscarriages/preterm birth ang madalas na pag sakay ng motor.”

Bawal ba matagtag ang buntis?

Ayon pa sa doktor,

“Hindi po safe na inangkas or isakay si baby sa motor dahil bukod sa walang sapat na external protection, hindi din kaya ng mga baby na umangkas na kagaya ng mga adults, wala din seatbelts kaya hindi po safe.”

pagsakay-sa-motor-ng-buntis-sanggol

Image from Freepik

Kung tricycle naman po ‘yong sasakyan, safe po ba yun for pregnant moms and babies?

“In general, anuman pong sasakyan pag hindi tama ang pag gamit at hindi sumunod sa safety protocol (use of seatbelts, car seats, discipline , right attitude) hindi po safe.”

Ligtas ba ang pagsakay sa motor ng buntis

Ang pagsakay sa motor nang sinoman ay may kaakibat na risks at precautions. Ibang usapin pa kung ikaw ay buntis. Hindi naman daw bawal na sumakay sa motorsiklo kapag ikaw ay buntis.

Kaya lamang, ay mataas ang tsansa ng aksidente sa inyo ni baby dahil walang sapat na proteksyon tulad ng seat belt ang motor.

Ayon kay Dr. Amos Grunebaum, professor ng Obstetrics and Gynecology sa New York at specialist ng high-risk pregnancies, kung ikaw ay buntis, dalawang buhay ang dapat mong isaalang-alang pagdating sa kaligtasan.

Aniya, nirerekomenda ng mga doktor na iwasan ng mga buntis ang high-risk activities tulad ng pagsakay sa motor dahil malaki ang posibilidad na makasama ito sa buntis at sa baby.

Wala naman umano aniyang benepisyong makukuha ang buntis at ang baby sa pagsakay sa motor. Dagdag pa rito, mataas ang potensyal na mahulog o maaksidente na maaaring magdulot ng injury ang pagsakay sa motor ng buntis.

Saad ng doktor-propesor, kaunting sanggi lang ng ibang sasakyan sa motor ay maaari nang magdulot ng trauma sa katawan ng expectant mom at sa kaniyang sinapupunan.

Maaari itong magdulot ng injury sa baby, sa placenta, at maaari ring mauwi sa premature labor. Tandaan din umano na kapag mas malaki na ang tiyan ay mas matindi rin ang banta sa buhay ng bata kung sakaling maaksidente habang sakay ng motorsiklo.

Ayon naman sa Motor Gear Expert, iwasan umanong sumakay ng motor kung ikaw ay buntis at nasa third trimester na. Ito ay dahil mas mahihirapan ka nang balansehin ang iyong katawan dahil mabigat na ang iyong tiyan.

Partner Stories
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)

Dagdag pa nito, lahat naman aniya ng sasakyan ay delikado lalo na kung reckless ang mga tao. Subalit giit nito na mas mataas ang posibilidad ng aksidente sa mga motorbike.

Bukod sa walang protective cage, seatbelts, at airbags ang mga motor kompara sa mga four-wheeler na sasakyan, may mga naitalang insidente rin kung saan ang sakay ng motorsiklong naaksidente ay tumalsik palayo ng sasakyan.

Kaya rekomendasyon nila na mas maiging iwasan na lamang ang pagsakay ng motor kung ikaw ay buntis.

Ano ang masasabi ng batas tungkol dito?

Base sa batas sa Pilipinas, walang sinasabi na bawal ang pagsakay ng mga buntis sa motor. Ang kailangan lang ay kapag sasakay ng motor ay mayroong suot na helmet.

Sa mga baby naman, ipinagbabawal ang pag-angkas o pagsakay ng mga baby sa motor. Kahit nga mga bata ay kinakailangang nasa wastong edad bago sila sumakay sa motor. Bukod dito, kailangan din na mayroon silang suot na helmet upang ligtas ang bata.

Malaking problema ito sa mga baby, dahil una, hindi sila makakapagsuot ng helmet, at lubhang mapanganib ang pagsakay ng motor para sa kanila.

Madaling maaksidente rito, at dahil mahina pa ang kanilang katawan ay posible silang mamatay kahit sumemplang lang ang motor sa daan.

Paano sumakay sa motor kung ikaw ay buntis?

Convenient at easy maintenance ang paggamit ng motorsiklo sa pagbyahe. Ngunit ibang usapan kung ikaw ay buntis. Ligtas namang sumakay ng motor kung nasa early stage pa lang ang iyong pagbubuntis. Tandaan lang na magsuot ng proper protection at baguhin ang nakagawiang sitting pattern.

Nirerekomendang iwasan ang pagsakay sa motor kung ikaw ay buntis, dahil sa kaakibat nitong banta ng disgrasya. Subalit kung wala kang ibang pagpipilian kundi ang sumakay sa motor, narito ang sitting behavior na maaari mong sundin para kahit paano ay maprotektahan ang katawan at si baby:

  • Bigyang atensyon ang iyong postura. Siguraduhing masusuportahan ng iyong mga hita at binti ang weight distribution ng iyong upper body. Ituwid ang iyong likod.
  • I-lean back ang iyong mga balikat at itunghay ang ulo. Iposisyon ng 90-degree angle ang iyong lower body.
  • Kung ikaw ay naka-angkas, mas mabuting maglagay ng pillion o ‘yong maliit na cushion na idinudugtong sa upuan ng motor. Makatutulong ito para mabigyan ka ng karagdagang suporta.
  • Kung ikaw naman ang nagmamaneho, hayaang naka-spread nang maayos ang iyong mga binti upang ikaw ay maging komportable. Hawakan nang maayos at nasa tamang anggulo ang mga handle ng motor.
  • Mahalaga rin ang head posture. Tiyaking maayos mong nakikita ang daan upang maiwasan ang serious injury.
  • Upang makaupo nang mas komportable, magsuot ng magaang damit bago sumakay sa motor. Makatutulong ito para makagalaw nang maayos at makontrol ang motor nang maayos.
  • Kung ikaw ay nasa driving position, gumamit ng suporta na maaaring sandalan para mabawasan ang pressure sa iyong baby bump. 

Pwede bang mag-motor ang buntis?

Kagaya nang nabanggit sa taas, maaaring magmotor ang buntis ngunit tandaan na may kaakibat itong banta ng aksidente na maaaring magdulot ng injury sa buntis at sa baby.

Kung walang ibang maaaring sakyan, narito ang mga dapat tandaan kung magmamaneho ng motor habang buntis:

  • Magsuot ng safety gears – buntis ka man o hindi, mahalaga ang pagsusuot ng helmet at safeguards. Mapoprotektahan nito ang iyong ulo at ibang bahagi ng katawan sakaling maaksidente sa kalsada.
  • Iwasang sipain ang engine starter – kailangan ng matinding lakas sa pagsipa ng engine starter kaya hindi ito advisable na gawin ng buntis. Magpatulong sa iyong asawa o kaibigan sa pagsipa sa lever.
  • Magmaneho nang dahan-dahan – tiyaking paandarin ang motor nang may sapat na bilis. Maaaring magresulta ng life-threatening incidents ang overspeeding.
  • Iwasan muna ang pagbiyahe sa malalayong lugar – hindi nirerekomenda ang pagsakay sa motor nang matagal kung ikaw ay buntis. Makadudulot ito ng pagsakit ng iyong likod, balakang, at pwede ring maging sanhi ng stress. Huwag nang sumakay nang motor kung hindi naman kailangan.
  • Iwasan ang mga abalang lugar – mas mataas ang tsansa ng aksidente sa mga lugar, kalsada, o kalyeng masisikip, maraming ibang sasakyan, o maraming tao.

May tanong kay, Dok? I-post ang tanong sa aming libreng online community app! I-download ang theAsianparent app dito.

 

Photo: Newnation

Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan

MotorGearExpert, BabyMed, CandyOutdoor

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • General
  • /
  • #AskDok: Nakakasama ba sa buntis at sa baby ang pagsakay ng motorsiklo o ng trike?
Share:
  • 15-anyos na babae patay matapos mabangga ang sinasakyang motor

    15-anyos na babae patay matapos mabangga ang sinasakyang motor

  • #TAPMAM 2021: Dra. Kristen Cruz-Canlas, helping create awareness on stillbirths

    #TAPMAM 2021: Dra. Kristen Cruz-Canlas, helping create awareness on stillbirths

  • Mom discovers bassinet safety feature could actually be dangerous

    Mom discovers bassinet safety feature could actually be dangerous

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

app info
get app banner
  • 15-anyos na babae patay matapos mabangga ang sinasakyang motor

    15-anyos na babae patay matapos mabangga ang sinasakyang motor

  • #TAPMAM 2021: Dra. Kristen Cruz-Canlas, helping create awareness on stillbirths

    #TAPMAM 2021: Dra. Kristen Cruz-Canlas, helping create awareness on stillbirths

  • Mom discovers bassinet safety feature could actually be dangerous

    Mom discovers bassinet safety feature could actually be dangerous

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.