X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#AskDok: Nakakasama ba sa buntis at sa baby ang pagsakay ng motorsiklo o ng trike?

3 min read
#AskDok: Nakakasama ba sa buntis at sa baby ang pagsakay ng motorsiklo o ng trike?#AskDok: Nakakasama ba sa buntis at sa baby ang pagsakay ng motorsiklo o ng trike?

Kumonsulta kami kay Dr. Kristen Cruz-Canlas upang alamin kung ligtas nga ba o hindi ang pagsakay sa motor ng buntis, pati na rin kung ligtas ito sa mga sanggol.

Dito sa Pilipinas, isa sa pinaka-popular na paraan upang makapunta sa iba’t-ibang lugar ay ang paggamit ng motorsiklo. Hindi maikakaila na halos lahat ng klase ng tao ay makikitang nakasakay sa motor dito sa bansa, mapa-bata man o matanda. Ngunit ligtas nga ba ito? Hindi ba’t bawal ba matagtag ang buntis?

Bawal ba matagtag ang buntis?

Ang usapin kung ligtas nga ba ang pagsakay sa motor ng buntis at mga baby ay isa sa pinakamadalas tanungin sa aming app.

Ayon sa ibang mga ina ay hindi raw ito safe na gawin ng mga buntis. Ito ay dahil baka matagtag ang ina, at magdulot ng maagang panganganak, o kaya pagkalaglag ng baby.

pagsakay-sa-motor-ng-buntis-sanggol

Image from Freepik

Pagdating naman sa pagsakay ng sanggol sa motor, marami ang nagsasabi na baka raw madisgrasya ang baby kapag sumakay sa motor.

Ngunit halo rin ang opinyon ng mga magulang pagdating dito. Ang ibang ina ay sinasabing safe ito, basta’t hindi malayo ang pupuntahan o matagal ang pagsakay. Sa mga baby naman, sabi ng ilan na okay lang raw ito, basta’t hawakang mabuti ang sanggol.

Pero ano nga ba ang ligtas at hindi pagdating sa mga ina at mga sanggol?

pagsakay sa motor ng buntis

Tanong mula sa theAsianparent app

Ano ang payo ni doc?

Dahil dito, kumonsulta kami kay Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, upang alamin kung ligtas nga ba ito o hindi. Heto ang kaniyang rekomendasyon tungkol dito.

Safe po ba sa mga nagbubuntis ang sumakay sa motor?

“Hindi po safe na sumakay sa motor ang mga nagbubuntis dahil wala pong sapat na proteksyon ang mga motor. Delikado po ang direct impact sa tiyan ng isang buntis dahil pwede pong magkaroon ng abruptio placenta or ma detach ang inunan(placenta) , pagdurugo sa loob ng tiyan(concealed hemorrhage), preterm labor or abortion.

“Wala pong enough studies/ guidelines kung nakakapag dulot ba ng miscarriages/preterm birth ang madalas na pag sakay ng motor.”

Bawal ba matagtag ang buntis?

“Hindi po safe na inangkas or isakay si baby sa motor dahil bukod sa walang sapat na external protection, hindi din kaya ng mga baby na umangkas na kagaya ng mga adults, wala din seatbelts kaya hindi po safe.”

Kung tricycle naman po yung sasakyan, safe po ba yun for pregnant moms and babies?

pagsakay-sa-motor-ng-buntis-sanggol

Image from Freepik

“In general, anuman pong sasakyan pag hindi tama ang pag gamit at hindi sumunod sa safety protocol (use of seatbelts, car seats, discipline , right attitude) hindi po safe.”

Ano ang masasabi ng batas tungkol dito?

Base sa batas sa Pilipinas, walang sinasabi na bawal ang pagsakay ng mga buntis sa motor. Ang kailangan lang ay kapag sasakay ng motor ay mayroong suot na helmet.

Sa mga baby naman, ipinagbabawal ang pag-angkas o pagsakay ng mga baby sa motor. Kahit nga mga bata ay kinakailangang nasa wastong edad bago sila sumakay sa motor. Bukod dito, kailangan rin na mayroon silang suot na helmet upang ligtas ang bata.

Malaking problema ito sa mga baby, dahil una, hindi sila makakapagsuot ng helmet, at lubhang mapanganib ang pagsakay ng motor para sa kanila. Madaling maaksidente rito, at dahil mahina pa ang kanilang katawan ay posible silang mamatay kahit sumemplang lang ang motor sa daan.

 

Photo: Newnation

Basahin: Sanggol, patay matapos aksidenteng maihulog sa sahig ng isang nurse

May tanong kay, Dok? I-post ang tanong sa aming libreng online community app! I-download ang theAsianparent app dito.

Partner Stories
A virtual tour of local churches this Holy Week on Street View
A virtual tour of local churches this Holy Week on Street View
What’s your cough treatment for that #PigilHiningaMoment?
What’s your cough treatment for that #PigilHiningaMoment?
PayMaya gives you your daily dose of good vibes with Feel-Good Deals!
PayMaya gives you your daily dose of good vibes with Feel-Good Deals!
Looking for New Activities to Do with the Kids? Try Indoor Camping with McDonald's Pokemon themed Happy Meal
Looking for New Activities to Do with the Kids? Try Indoor Camping with McDonald's Pokemon themed Happy Meal

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • #AskDok: Nakakasama ba sa buntis at sa baby ang pagsakay ng motorsiklo o ng trike?
Share:
  • 15-anyos na babae patay matapos mabangga ang sinasakyang motor

    15-anyos na babae patay matapos mabangga ang sinasakyang motor

  • #TAPMAM 2021: Dra. Kristen Cruz-Canlas, helping create awareness on stillbirths

    #TAPMAM 2021: Dra. Kristen Cruz-Canlas, helping create awareness on stillbirths

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

app info
get app banner
  • 15-anyos na babae patay matapos mabangga ang sinasakyang motor

    15-anyos na babae patay matapos mabangga ang sinasakyang motor

  • #TAPMAM 2021: Dra. Kristen Cruz-Canlas, helping create awareness on stillbirths

    #TAPMAM 2021: Dra. Kristen Cruz-Canlas, helping create awareness on stillbirths

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.