Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat parusahan ang iyong anak kapag siya ay nagsinungaling

lead image

May tatlong mas mabuting paraan na suportado ng isang pag-aaral kung paano dapat harapin o kausapin ang iyong anak sa kaniyang pagsisinungaling

Maraming mga magulang ang nahihirapan alisin ang pagsisinungaling ng mga anak nila. Ito ay dahil sa mga nakikita niya sa kanyang kapaligiran - mula sa napapanood sa telebisyon kung saan may malaking kasinungalingan ang mga karakter hanggang sa mga white lies na sinasabi ng mismong mga magulang. Isama pa ang pagsisinungaling na totoo si Santa Claus, kukunin siya ng guard, o "hindi ito masakit." Sinasabi ito ng mga magulang ngunit hindi alam na naa-apektuhan ang mga anak.

Ang pinaka-pangkaraniwang reaksyon ay ang pagpapaliwanag na ang pagsisinungaling ay hindi tama at ang kaparusahan na kaakibat nito. Ngunit, hindi ito epektibong paraan kung ang layunin ay tanggalin ang pagsisinungaling sa bata. Ayon sa mga eksperto, ito ang tatlong paraan na maari mong gamitin upang tanggalin ang pagsisinungaling sa mga bata:

Ano ang dapat gawin sa pagsisinungaling ng iyong anak?

Papuri

Magpa-kwento ka sa bata ng isang bagay na nangyari sa paaralan na alam mo ay totoo, hindi importante kung anong bagay ito. Kung nagsabi ng totoo ang bata, bigyan siya ng papuri tulad ng "Magaling! Sinabi mo ang nangyari sa tanong ko." at yakapin sila. Gawin ito mula isa hanggang dalawang beses sa isang araw. Kung mangyaring mahuli nagsisinungaling ang bata, maging makatotohanan sa pagsita. "Hindi yan totoo at maari kang ikapahamak sa labas ng bahay na ito. Mas-mainam na magsabi ng totoo."

Mabuting Halimbawa

Sabihin ang katotohanan nang diretsuhan. Ito ay maaaring nangyari mtagal nang panahon o kaya nung araw lang na iyon. Isa pang paraan ay gawing laro ang pagsasabi ng totoo. Ang bawat isa ay magsasabi ng bagay nangyari sa kanya sa araw na iyon. Bigyan ng papuri ang mga magsasabi ng katotohanan lamang.

Huwag bigyang diin ang parusa at pag-tama

Hindi madaling baguhin ang ugali na nakasanayan ng mga bata sa pamamagitan ng paggamit ng parusa. Hindi ibig sabihin nito na ititigil na ang pag-tuturo sakanila ng tama. Gumamit lamang ng parusa na hindi malubha tulad ng sandaling hindi pwedeng panonood ng TV o paglalaro. Ang mga mas malalang parusa tulad ng pag-palo, pag-sigaw, o pagkuha sa isang gamit nila nang lagpas ilang araw, ay hindi hindi mas-epektibo sa pagbawas ng pagsisinungaling ng bata.

Gawin ang mga ito mula dalawa hanggang tatlong linggo at makikita ang pagkaka-iba. Kadalasan, halos hindi na magsisinungaling ang bata. Mahirap tanggalin ng buo ang pagsisinungaling ng mga bata pero sa tamang gabay, malaki ang maaaring maibawas dito.

 

Source: Time

Basahin: Iresponsable ba ng inyong anak? Huwag silang pagalitan, sa halip, ito ang inyong gawin!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!