10 tips sa pagtatalik para sa mga babae, mula sa mga lalaki

lead image

May mga bagay na gusto ni mister sa kama na wini-wish niyang alam ni misis. | Photo by Brooke Winters on Unsplash

Sa karamihan ng women's magazines, parating may artikulo tungkol sa pag-e-explore ng sekswalidad ng babae, kung paano magkaroon ng orgasm, o di kaya'y tips para mahanap ang G spot ng babae. Kadalasan din iniisip kasi ng mga babae na hindi mahirap para sa mga lalaki na malibugan o labasan. Ngunit ayon sa artikulo ng Woman's Day, hindi ganoon ka-simple ang mga pangangailangan ng mga mister sa kama. Kaya narito ang 10 pagtatalik tips para sa babae, mula sa mga lalaki.

1. Gusto namin na pinupuri kami

Parating ipinapagpalagay na kapag nalilibugan ang lalaki, hindi na ito nagiging conscious sa sarili pagdating sa pagtatalik. Ngunit hindi nagkakaiba ang babae at lalaki pagdating sa compliments.

Kapag nakakarinig ang mga mister na pinupuri sila ng mga misis dahil sa itsura o sa pagiging macho nila, tumataas ang kumpiyansa nila sa sarili. Ang karaniwan na insecurity ng kalalakihan ay ang laki ng tiyan, laki ng ari, at numinipis na buhok.

Iparamdam kay mister na ka-aya-aya pa rin siya sa mata mo. Hindi man niya sabihin pero ma-a-appreciate niya ito.

2. Takot kami sa intimacy o maging malapit sa kapwa

Ayon sa mga pag-aaral, ang mga lalaki ay mas malambing at nagpapahayag ng saloobin kaysa sa mga babae habang bata pa sila. Ngunit kapag nagsimula na silang mag-aral, unti-unti nilang itinatago ang mga ito pati ang kagustuhang maging malapit sa ibang tao.

Dahil pilit nilang itinatago ito, nagiging tunay na takot ito para sa ibang kalalakihan. Ayaw na nilang makaramdam ng kahit na anong emosyon tungkol dito dahil ayaw nilang mabuko na gusto talaga nila ng intimacy.

Anong dapat gawin ng mga babae? Mapapansin na matapos ang pagtatalik, lumalayo si mister. Intindihin na dulot ito ng kanilang repressed feelings. Hindi kasi talaga sanay na magkaroon ng koneksyon sa ibang tao kaya hayaan lang sila. Sa kalaunan, malalagpasan din niya ito.

3. Minsan gusto lang talaga namin ng sex

Ayon sa psychotherapist at sexologist na si Joe Kort, PhD, minsan gusto lang talaga ng mga mister ng raw sex sa kanilang mga asawa. Walang usap-usap, walang mahabang foreplay. Hindi daw ito simpleng paraan para sakupin ang kabiyak, ngunit pag-ravish sa kanilang partner.

4. Hindi lang laging penis

Hindi lang ang ari ang nakakapagpalibog sa mga mister, ayon sa psychologist na si Melodie Schaefer, PsyD. Marami raw itong mga parte ng katawan na tinuturing na erogenous zones o sekswal para sa kanila.

"Hindi sinasabi ng mga lalaki ito sa mga babae dahil takot sila na hindi pagbigyan ng babae. Ngunit maraming parte ng katawan ng lalaki ang puwedeng haplusin."

Kabilang na raw dito ang dibdib, hita, at mukha. Puwede ring hawakan ang medyo mahigpit ang bayag o di kaya'y haplusin ang perinium o ang area sa pagitan ng balls at ng butas ng pwet. Gawin daw ito habang binibigyan si mister ng blowjob!

5. Gusto namin na nagpapantasya

Hindi lang ang mga babae ang nagpapantasya, pati rin ang mga lalaki, ayon sa mga eksperto. Sa katunayan, malaking turn on para sa mga lalaki kapag sinasabi ng mga babae ang mga pantasya nito. Subukan na sabihin ang mga pantasya mo at pagkatapos ay hikayatin ang partner na sabihin kung ano naman ang kaniya.

6. Gusto namin "talking dirty"

Mabilis na nakakapagpalibog sa lalaki kapag sinasabi ng babae kung ano ang gusto nitong gawin sa kaniya. Maaari ring sabihin kay mister kung gaano ito kagaling sa ginagawa niya sa kama. Paniguradong mas lalo itong ma-tu-turn-on.

7. Sabihin mo sa amin ang totoo

Ang male ego ay nakatali sa sex kaya kadalasan kapag ayaw ni misis na makipagtalik, hindi iisipin ni mister na dahil ito sa ibang isyu. Iniisip lang niya na ayaw lang ni misis o di kaya'y wala lang itong gana. Hindi niya iniisip na baka may problema ang pagsasama.

Kung ayaw makipagtalik, huwag mag-atubili na sabihin kung may bumabagabag ba sa damdamin o may problema kaya ayaw mag-sex. Mas malilinawagan siya kung bakit ka umaayaw.

8. Gusto rin namin ng pakipot

Hindi dapat tumitigil ang pagsuyo ni mister nang binigay mo ang matamis mong oo. Gusto nila na nililigawan ka pa rin. Sabi ng mga eksperto, mainam na may misteryo pa rin sa pagsasama katulad noong nagliligawan pa lang kayo. Maaaring magkaroon kayo ng mga katangian na pinapakita o pinapaalam niyo lang sa isa't isa.

9. Nanonood talaga kami ng porno

Karamihan sa mga hindi pagkakasundo ng mag-asawa ay dahil sa porno. Kadalasan natutuklasan ni misis na nanonood pa rin si mister ng mga x-rated na videos.

Ayon kay Dr. Kort, hindi dapat mag-overreact ang mga misis tungkol dito dahil sa sumusunod na kadahilanan: malayong mangyari na adik sa sex ang asawa mo at malaki ang impluwensya ng naranasan noong kabataan sa sekswalidad ng tao kaya kung ano ang porno na gusto niya nung kabataan ay nakakalibog pa rin sa kaniya ito hanggang ngayon.

Mahirap na hindi personalin kapag nahuli si mister na nanonood ng porno ngunit may paraan para maging advantage ito para sa iyo. Pag-usapan ninyong mag-asawa kung ano ang kinakalibugan niya sa pinapanood niya at baka puwede niyo itong gawin sa kuwarto ninyo.

10. Kailangan namin ng sex parati dahil...

Kadalasan iniisip na sex ang nasa isip parati ng mga lalaki. Ngunit ayon sa mga eksperto, ang pananaw ni mister sa sex ay isang selebrasyon ng buhay. Ito ang paraan nila para ma-enjoy ang bawat minuto na nandito sila sa mundong ibabaw. Handa ka bang enjoyin ito kasama niya?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!