6 na pamamaraan upang matulungang maging matalino ang inyong mga anak

Share this article with other moms

Tulungang palawakin ang kaalaman ng iyong anak at ibigay sa kanila ang susi patungo sa tagumpay, habang bata pa sila!

Sa mga moms and dads d’yan! Gusto nyo bang malaman kung paano nyo matutulungan ang inyong mga anak, sa murang edad, na makamit ang susi patungo sa kanilang tagumpay?

Narito ang mga 6 na paraan na maaring gawin ng mga magulang upang matulungang mapalawak ang kaalaman ng kanilang mga anak

Siguradong makakatulong ang mga simpleng paraang eto upang matulungang makamit ng inyong mga anak ang mas mataas na antas ng karunungan, at maging mas malapit sila sa inyo!

Eye-to-eye contact

Ang eye-to-eye contact ay isang mainam na paraan upang mahasa ang kaalaman ng inyong mga anak. Ayon sa Psychology Today, ang eye-to-eye contact ay isang kritikal na bahagi ng pag enhance ng kanilang voluntary movements, at nakakatulong sa pag improve ng kanilang pangkalahatang memorya. Tulungan ang inyong mga anak na malinang ang kanilang memorya sa pamamagitan ng pagtuturo sa kahalagahan ng eye-to-eye contact.

Habang pinapalitan ang diaper ni baby, make the most out of it!

Aminin man natin o hindi, maraming mga magulang ang umiiwas sa pagpapalit ng diaper, pero hindi nmin kayo masisisi. Kung wala naman kayong magagawa at kailangan nyo talagang gawin, e di samantalahin nyo na! Make the most out of it!

Habang pinapalitan mo ng diaper si baby, kwentuhan mo sya at ipaliwanag mo kung ano ang ginagawa mo. Sa pamamagitan nito, hindi lang napapalawak ang kanyang bokabularyo, natutulungan mo rin siyang masanay at maintindihan ang konsepto nito.

I-explore ang paligid kasama si baby

Ipasyal si baby sa labas, halimbawa sa park. Habang naglalakad, subukang pangalanan ang lahat ng iyong nakikita at ipaliwanag ang mga nangyayari sa palikid. Isa rin itong paraan upang mapalawak ang kanyang bokabularyo. At hindi lang ‘yon, pagkakataon narin niyang matutunan ang mga bagay bagay sa kanyang paligid.

Sa totoo lang, hindi ka ginagalit ng iyong baby ‘pag kinakailangan mong pulutin ang tinapon niyang laruan, pacifier or bottle.

Ayon sa mga eksperto, kapag itinapon ng isang baby ang kanilang mga laruan, masusing nilang pinagaaralan ang law of gravity! Natututunan nila kung paano gumagana nag mga bagay bagay sa mundong ginagalawan nila sa pamamagitan ng basic physics, ganun na din upang ma-improve ang kanilang motor skills.

Peekaboo

Ang paglalaro ng “Peekaboo” ay hindi lang cute na version ng hide and seek, may mas magandang dulot pa ito kay baby.

Kapag nakikipaglaro ng Peekaboo kay baby, itinuturo mo sa kanya ang basic na konsepto ng object permanence. Sa karaniwang pananalita, ito ay ang ideya na ang isang bagay ay patuloy na umiiral kahit na hindi ina-obserbahan sa pamamagitan ng isang tao o ng isang bagay

Bilangin ang kahit na ano!

Ang pagbibilang ng malakas ay katulad ng pagbibigkas ng mga bagong salita, na nakakapagpalawak ng bokabularyo. Kapag ito ay patuloy na ginagawa sa pamamagitan ng pagbibilang ng iba’t ibang bagay kagaya ng mga laruan, matututunan ng inyong baby ang konsepto ng pagbibilang ng mas maaga.

Ang article na ito ay unang isinulat sa ingles ni Santiago Santa Cruz.

Be sure to check out ParentTown for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Better Parenting Family Life Parenting Advice