X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping

11 home remedies kung paano magpaliit ng tiyan matapos manganak

9 min read
11 home remedies kung paano magpaliit ng tiyan matapos manganak11 home remedies kung paano magpaliit ng tiyan matapos manganak

For sure, ang dream ng bawat mommy ay magkaroon ng flat na tiyan paglabas ni baby. Narito ang 11 ways kung paano ito magagawa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paano lumiit ang tiyan
  • Mabisang pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak
  • Pagkaing pampaliit ng tiyan

Paano lumiit ang tiyan matapos manganak

Pagkatapos ng panganganak, hindi kaagad na babalik sa dati nitong anyo ang iyong tiyan.

Para lamang din itong lobo na na-iinflate habang lumalaki ang iyong anak sa sinapupunan. Pagkapanganak naman, hindi kaagad agad na liliit tulad ng pagputok ng isang lobo. Sa halip, dahan dahan itong babalik sa dating laki ng iyong tiyan. Hindi nga lang kaagad-agad.

Aminin na natin, lahat sa ating mga babae ay gustong magbalik agad sa flat at sexy nating tiyan matapos manganak. May ilan sa ating ginagawa ang lahat para ma-achieve ito.

Habang may ilan ang sumuko na at inenjoy na lang ang tiyan na may kalakihan. Pero gaano man kahirap alisin ang mga taba na iyan sa tiyan, posible naman itong gawin.

Narito ang ilang simpleng home remedies at tips na pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak.

Mga mabisang pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak

  1. Abdominal binding

Isa sa pinaka-effective na paraan para lumiit ang tiyan pagkatapos manganak ay sa pamamagitan ng pagsusuot ng abdominal binder. Ang kailangan lang gawin ay isuot ito ng mahigpit at matagal hangga’t kaya mo araw-araw.

Ayon sa mga health experts, hindi lang ito nakakatulong na mapaliit ang tiyan ng babaeng bagong panganak. Para sa mga cesarean section moms ay nakakatulong din ito upang humilom ng maayos ang kanilang sugat dulot ng surgery.

Pero isang paalala bago gumamit nito ang mga CS moms ay mas mabuting hingin muna ang payo ng iyong doktor. Sapagkat madalas ay ipinapayong kailangan munang humilom ang sugat dulot ng cs delivery.

Ito ay tinatayang makalipas ang 4-6 na linggo matapos manganak. Pero kung gagamit ng modern style binders o postpartum girdles ay maaari naman gumamit na nito agad. Muli para makasigurado ipinapayong konsultahin muna ang iyong doktor.

Isang tip para sa mga CS moms na nag-aalala sa kanilang tahi at gustong gumamit ng abdominal binder, maaaring lagyan o takpan muna ng sanitary pad ang iyong tahi bago mag-suot ng binder sa inyong tiyan.

Para sa mga mommies na nanganak sa pamamagitan ng normal o vaginal delivery, ang pagsusuot ng abdominal binders ay maaring simulan agad matapos ang panganganak.

  1. Lotions

Maraming mabibiling lotions na nagsasabing makakatulong sa pagkakaroon ng flat na tiyan matapos ang panganganak. Pero dapat ay maging maingat sa pagpili ng mga lotions na bibilhin. Kailangan tingnan kung safe ba ang mga ingredients nito lalo na kung nagpapasuso.

Para maging effective na pampaliit na tiyan, hanapin ang mga lotions na may collagen, vitamin A, C at E. Ang mga ito ay nakakatulong para ma-improve ang blood flow sa tiyan at mapaliit ito.

Kung may oras ka naman ay maaari ka ring gumawa ng sariling lotion mo. Ang isang hand-made lotion na sinasabing effective ay ang pinagsamang 250ml fresh grape extract at 750ml ng extra virgin oil.

Gawin ito, una sa pamamagitan ng pagsasala sa grape extract saka ihalo sa oil. Ilagay ang mixture sa isang bote at itabi ito sa lugar na maarawan sa loob ng isang linggo.

Sa paggamit ay i-shake muna ang bote at mag-apply ng lotion dalawang beses sa isang araw.

flat belly after delivery

  1. Mag-exercise at magpapawis

Hindi naman dapat agad na sumalang ka sa mga mapuwersa at mahirap na workouts matapos manganak. Sapagkat sa ito ay maaaring makasama sa ‘yo at sa iyong matris.

Ang kailangan lang gawin ay magsimulang i-build ang iyong endurance sa pamamagitan ng walking, swimming at cycling. O kaya ay mag-focus sa mga cardio exercise.

Kapag nawala na ang mga overall fat sa iyong katawan ay saka naman sundan ito ng tummy toning exercises tulad ng crunches at planks.

Pero bago mag-tummy exercises, siguraduhin na wala kang diastasis recti o ang kondisyon na kung saan may gap sa pagitan ng iyong left and right abdominal muscles.

Sapagkat kung mayroon ka nito ang mga tummy exercise tulad ng crunches ay mas palalain pa ito. Ngunit huwag mag-alala, may mga exercises na maaaring gawin upang maitama ang kondisyong ito.

Maaari ka ring makipag-usap sa iyong doktor o physical therapist para sa mga angkop na ehersisyo na para sa iyong kondisyon.

pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak

BASAHIN:

One Month Postpartum: What to expect and how to recover after giving birth

“I love my wife’s post-partum body” a husband’s perspective

Vitamins para sa bagong panganak na ina para manumbalik ang sigla ng katawan

  1. Breastfeeding

Maliban sa napakaraming benefits na ibinibigay sa newborn baby, ang breastfeeding nakakatulong din na paliitin ang tiyan ng bagong panganak na mommy.

Nakakatulong ito na mag-burn ng aabot sa 500 calories a day ang katawan ng bagong panganak na babae. Ganoon din upang mag-contract ang uterus at bumalik sa dati nitong size.

Partner Stories
Workout from Home: Easy Ways to Turn Your Home into a Gym
Workout from Home: Easy Ways to Turn Your Home into a Gym
7 reasons why you should introduce exercise to your kids early on
7 reasons why you should introduce exercise to your kids early on
These truly inspiring moms show us what #momgoals really look like
These truly inspiring moms show us what #momgoals really look like
  1. Pag-inom ng tubig

Isa pang given at safe na paraan na pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak ay ang pag-inom ng tubig.

Sa pag-inom ng tubig ay nailalabas ang toxins sa loob ng katawan at nakakatulong na mabawasan ang taba sa tiyan.

Kung nagpapasuso ay nakakatulong rin ito na ma-replenish ang fluid na kailangan ng iyong katawan.

Added bonus – ang pag-inom ng maraming tubig ay nakakaganda rin ng balat.

Kung mayroon namang nagsabi sa ‘yo na ang pag-inom ng tubig matapos manganak ay magiging dahilan para mahirapang maalis ang taba sa tiyan, huwag maniwala.

Ito ay hindi totoo. Kailangan mong uminom ng maraming tubig. Para sa iyong pinapasusong sanggol at nagre-recover pang katawan.

  1. Balanced diet

Siyempre, para lumiit ang tiyan, ang pagkakaroon ng balanced diet ang isa sa mga sikreto dyan.

Siguraduhin lang sa iyong pagkain ay mag-include ng two portions ng gulay, prutas, whole grains at healthy protein. Bawasan din dapat ang iyong sugar at salt intake kung maaari. Iwasan din ang mga sodas at iba pang carbonated drinks.

Ang mga prutas at gulay tulad ng papaya, mangga, grapefruit, broccoli, at kale ay sinasabi ring mabisang pampaliit ng tiyan.

Tandaan huwag ikompromiso ang nutritional value ng pagkaing iyong kinakain para lang mapaliit ang iyong tiyan. Sapagkat mahalaga ang masusustansyang pagkain para sa iyong recovery, lalo na kung ikaw ay nagpapasuso.

  1. Kumain ng konti ngunit mas madalas

Ang pagda-diet bilang pampaliit ng tiyan ay hindi effective at pahihinain lang ang iyong katawan.

Sapagkat bago kang panganak, ang iyong metabolism ay mabilis sa ngayon. Kaya dapat ay anim na beses kumain ng two heavy meals a day at 3 to 4 small meals na may regular na interval. Mabuting kumain ng heavy breakfast araw-araw.

Tandaan na kapag kumakain ka ng maayos ay mas marami kang calories na nabe-burn sa iyong katawan.

Mga pagkaing pampaliit ng tiyan

11 home remedies kung paano magpaliit ng tiyan matapos manganak

Photo by Cup of Couple from Pexels

Speaking of balanced diet at pagkain ng konti ngunit madalas, narito ang ilang mga pagkaing pampaliit ng tiyan.

  1. Curry leaves at garlic

Hindi lang pang-detox ang curry leaves, pampaliit rin ito ng tiyan! Ganoon din ang pag-nguya ng 2 butil ng hilaw na bawang na susundan ng pag-inom ng lemon water. Ang mga ito ay effective at natural na paraan rin ng pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak.

  1. Honey Lemon

Ito ay isa ring easy at yummy way para ma-achieve ang flat na tiyan matapos manganak. Ang kailangan lang gawin ay ihalo ang fresh lemon juice at kalahating kutsaritang honey sa isang baso ng maligamgam na tubig. Saka inumin ang mixture bago kumain o habang wala pang laman ang iyong tiyan.

Kung posible, ay mas mainam na inumin ito pagkagising bago uminom ng tubig o kahit anong inumin. Pagkainom ng mixture ay palipasin ang kalahating oras bago ito sundan ng ibang inumin o pagkain.

Maaari rin itong dagdagan ng mint leaves at cucumber saka i-brew ng magdamag. Makakatulong din ang pagdadagdag ng cayenne pepper para makatulong na ma-boost ang iyong metabolism at ma-burn ang taba sa tiyan.

Pero ito ay hindi advisable sa lahat ng babae. Ganoon din ang labis na paggamit ng mint leaves lalo na sa mga breastfeeding moms. Sapagkat sa ito ay maaring makaapekto sa breastmilk supply.

  1. Green Tea

Ang isang tasa ng green tea sa isang araw ay mabisa ring pampaliit ng tiyan matapos manganak. Rich in antioxidants din ito na maganda sa balat.

Tandaan lang na dapat uminom ng tea in moderation. Sapagkat ang taglay na caffeine nito kapag sumobra ay hindi ipinapayo lalo na kung nagpapasuso.

Hindi rin ito dapat inumin na may asukal o sweeteners para ito ay mas maging epektibong pampaliit ng tiyan.

  1. Apples

Ang mga mansanas ay may taglay na substance na kung tawagin ay pectin na nakakatulong para ma-burn ang mga taba sa tiyan. Rich in antioxidants din ito na tinutulungan ang katawan na mag-accumulate ng dagdag na taba o fats.

Gaano katagal bago bumalik ang aking tiyan sa dati?

Ang bilis ng pagbalik ng iyong tiyan sa dati ay nakadepende sa iba’t ibang factors tulad ng:

  • Hugis at laki ng iyong tiyan bago ka magbuntis
  • Gaano kabigat ang timbang na iyong na-gain sa iyong pagbubuntis
  • Gaano ka ka-active sa ehersisyo, activities, at pagpapawis
  • Genes

Ayan mga mommies ang mga easy at effective tips na pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak. Pero tandaan huwag biglain o pilitin ang iyong sarili. Huwag gutumin at pahirapan ang iyong katawan. Kumain ng maayos para mapalakas ang iyong katawan. Hindi lang para sa iyong recovery kung hindi para narin maayos na maalagaan si baby.

Sabihin man sa isang ina na napakaganda nito sa kabila ng paglaki ng tiyan nito, hindi maikakailang iba ang dalang confidence ng pagkakaroon ng body na nais mong i-achieve kahit ikaw ay nanay na.

Mula sa amin, nais pa rin naming ipaabot ang papuri sa iyo. Ang iyong hubog ngayon ay isang napakagandang katawan na nakabuo at nakapagluwal ng isa na namang magandang nilalang.

 

Muling inilathala at isinanalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz na may pahintulot mula sa theAsianParent Singapore.

Source:

Mom Junction, Healthline, Baby Center

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

The Asian Parent

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Fitness
  • /
  • 11 home remedies kung paano magpaliit ng tiyan matapos manganak
Share:
  • Tiyan matapos manganak ng isang ina, iniyakan ng kaniyang asawa!

    Tiyan matapos manganak ng isang ina, iniyakan ng kaniyang asawa!

  • 20 paraan kung paano magpaliit ng tiyan

    20 paraan kung paano magpaliit ng tiyan

  • Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

    Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Tiyan matapos manganak ng isang ina, iniyakan ng kaniyang asawa!

    Tiyan matapos manganak ng isang ina, iniyakan ng kaniyang asawa!

  • 20 paraan kung paano magpaliit ng tiyan

    20 paraan kung paano magpaliit ng tiyan

  • Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

    Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.