7 natural na ingredients na nakakapagpaputi ng kilikili

lead image

7 natural na ingredients na puwedeng gamitin bilang pampaputi ng kilikili. Tignan ang pantry dahil baka mayro'n ka na ng mga ito sa kusina mo.

Isa sa mga nagiging sintomas ng pagbubuntis ang pangingitim ng kilikili at iba pang parte ng katawan. Nararanasan ito ng 90% ng mga buntis. Kadalasan sinasabi na babalik ulit sa dating kulay ang kilikili matapos manganak. Ngunit paano kung wala pa ring pagbabago? May mga pampaputi ba ng kilikili na hindi gumagamit ng kemikal?

Mga pagbabago sa katawan

Naging kadalasang biro na sa mga buntis ang pangigitim ng iba't ibang parte ng katawan habang nagdadalangtao. Hindi man agad-agad na nangyayari ang pagbabago na ito ngunit kapansin-pansin talaga ang pag-iba ng kulay ng mga body parts na ito.

Dulot ito ng pagbabago ng hormones ng katawan. Habang buntis, nagpro-produce ang katawan ng mas maraming melanin o pigment na nagbibigay ng kulay sa ating balat, buhok, at mata. Madalas na nagkakaroon ng darkening ng balat sa mga buntis na kayumanggi.

Pagkapanganak, nawawala na ang mga dark spots na ito. Ngunit para sa ibang babae, mabagal ang pagbalik sa natural na kulay ng balat. Mayro'n ding iba na tuluyan nang nagbago ang kulay ng ibang parte ng katawan katulad ng kilikili at singit.

Natural na pampaputi ng kilikili

Kung nako-conscious ka sa pangingitim ng kilikili, may mga natural na paraan upang mapaputi ulit ito. Dahil natural na mga ingredients ito, hindi ito gumagamit ng kemikal na makakasama sa katawan mo kung ikaw man ay nagbre-breastfeed. Available din ito sa mga grocery. At malay mo, mayro'n ka na pala nito sa inyong pantry.

Narito ang 7 na natural ingredients na puwede mong gamitin:

Baking soda

src=https://assets ph.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2016/08/baking soda 768950 1280.jpg 7 natural na ingredients na nakakapagpaputi ng kilikili

Isa sa mga sanhi ng pangigitim ng kilikili ay ang dead skin cells. Makakatulong sa pampaputi ng kilikili kung i-e-exfoliate ang parte na ito. Haluin ang baking soda sa tubig hanggang maging parang paste ito. I-rub ito sa underarms tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo.

Turmeric

src=https://assets ph.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2016/08/Curcuma longa roots.jpg 7 natural na ingredients na nakakapagpaputi ng kilikili

Natural na antioxidant ang spice na ito. Ito din ang ingredient na ginagamit pang-toning at whitening ng balat. Pinipigilan kasi ng turmeric ang pag-produce ng maraming melanin. Babala: kung gagamit nito, iwasan na magbabad sa araw dahil maaaring ma-sunburn matapos maglagay nito.

Patatas, lemon, at pipino

src=https://assets ph.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2016/08/potato lemon cucumber.jpg 7 natural na ingredients na nakakapagpaputi ng kilikili

Natural na pang-bleach ang mga ingredients na ito. Hiwain ang mga ito ng manipin 'tsaka i-rub sa iyong kilikili. Maaari rin na gamitin ang juice ng mga ito at ihalo sa kaunting turmeric, tsaka ipahid sa parte ng katawan na gustong paputiin. Iwanan ng 15-20 minuto tapos banlawan ng maligamgam na tubig. Para sa mas mabilis na resulta, gawin ito dalawang beses sa isang araw.

Gatas at honey

src=https://assets ph.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2016/08/milk honey Collage.jpg 7 natural na ingredients na nakakapagpaputi ng kilikili

Kilala ang gatas bilang natural na pampaputi kaya naman uso ang mga milk bath. Nakakapag-hydrate, exfoliate, at pampakinis din ang gatas sa balat. Ang honey naman ay puno ng antioxidants at nakakapag-moisturize din.

Para gamitin na pampaputi ng kilikili, paghaluin ang isang kutsarang gatas at honey. Lagyan ng turmeric powder o di kaya'y lime juice. Ipahid ang mixture sa kilikili.

Coconut oil

src=https://assets ph.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2016/08/Coconut Oil amp 30050.jpg 7 natural na ingredients na nakakapagpaputi ng kilikili

Isa ang coconut oil na karaniwang ginagamit sa pagpapaputi ng balat. Bago maligo, ipahid ang coconut oil sa kilikili. Maaaring ihalo ito sa baking soda bago ilagay sa armpits.

 

SOURCE: Mayo Clinic, The Asian Parent