X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

10 natural na ingredients na nakakapagpaputi ng kilikili

8 min read
10 natural na ingredients na nakakapagpaputi ng kilikili10 natural na ingredients na nakakapagpaputi ng kilikili

7 natural na ingredients na puwedeng gamitin bilang pampaputi ng kilikili. Tignan ang pantry dahil baka mayro'n ka na ng mga ito sa kusina mo.

Gustong pumuti ang kilikili pero walang budget? Alamin na rito ang mga natural na paraan at home remedies pampaputi ng kilikili.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang sanhi ng dark underarms?
  • mabisang pampaputi ng kilikili
  • pampatuti ng kilikili - calamansi, baking soda, at iba pa

Isa sa mga nagiging sintomas ng pagbubuntis ang pangingitim ng kilikili at iba pang parte ng katawan. Nararanasan ito ng 90% ng mga buntis. Kadalasan sinasabi na babalik ulit sa dating kulay ang kilikili matapos manganak. Ngunit paano kung wala pa ring pagbabago? May mga pampaputi ba ng kilikili na hindi gumagamit ng kemikal?

Gaya ng ibang bahagi ng katawan, ang balat sa may kilikili o underarms ay posibleng mangitim. Ito ang nagiging dahilan para mahiya ang ilang kababaihan na magsuot ng sleeveless shirts, bathing suits o maging ang pagtaas ng kanilang may kamay sa publiko.

Bago ang lahat, wala namang masama kung hindi kasing-puti ng kilikili ng paboritong artista mo ang iyo.  Marahil ay ganoon na talaga ang kanilang balat dala ng kanilang genes (lalo na sa mga mestiza), o kaya naman ay name-maintain nila ang makinis na underams sa pamamagitan ng laser o anumang treatment sa tulong ng mga espesyalista.

Wala rin namang masama kung gusto mong maging mas confident at subukang paputiin ang iyong kilikili. Pero ano nga ba ang mga paraan para magawa ito nang hindi gumagamit ng mga chemicals o treatment? 'Yan ang ating aalamin ngayon, pero bago 'yan, mas mabuti kung malalaman natin ang mga sanhi ng pagkakaroon ng maitim na kilikili.

Sanhi ng pag-itim ng kilikili

Maraming posibleng dahilan kung bakit nangingitim ang kilikili ng isang tao. Narito ang ilan sa kanila:

  • pagka-irita ng balat mula sa kemikals ng ginagamit ng deodorant at antiperspirant
  • pagka-irita ng balat dahil sa shaving o pag-aahit ng buhok sa kilikili, o plucking, kung saan hinihila o binubunot ang buhok sa kilikili
  • buildup ng dead skin calls dahil sa kakulangan sa pag-exfoliate
  • friction mula sa pagsusuot ng masisikip na damit
  • hyperpigmentation, gaya ng pagdami ng melanin
  • melasma, o pagkakaroon ng maiitim na patse sa balat
  • acanthosis nigricans, isang skin pigmentation disorder na may kinalaman sa diabetes, obesity, at abnormal hormone levels
  • erythrasma, isang bacterial skin infection
  • Addison’s disease, kung saan nasisira ang iyong adrenal gland
  • Paninigarilyo, na nagdudulot ng hyperpigmentation
 

Pangingitim ng kilikili ng buntis

Naging kadalasang biro na sa mga buntis ang pangigitim ng iba't ibang parte ng katawan habang nagdadalangtao. Hindi man agad-agad na nangyayari ang pagbabago na ito ngunit kapansin-pansin talaga ang pag-iba ng kulay ng ilang bahagi ng ating katawan.

Dulot ito ng pagbabago ng hormones ng katawan. Habang buntis, nagpro-produce ang katawan ng mas maraming melanin o pigment na nagbibigay ng kulay sa ating balat, buhok, at mata. Madalas na nagkakaroon ng pag-itim ng balat sa mga buntis na kayumanggi.

Pagkapanganak, nawawala na ang mga dark spots na ito. Ngunit para sa ibang babae, mabagal ang pagbalik sa natural na kulay ng balat. Mayroon ring iba na tuluyan nang nagbago ang kulay ng ibang parte ng katawan katulad ng kilikili at singit.

Pampaputi ng kilikili

Kung nako-conscious ka at nais mong malaman kung paano pumuti ang kilikili, maraming paraan para gawin ito.

Gaya ng nabanggit, mayroong iba-ibang paraan para pumuti ang kilikili. Kung ang pag-itim nito ay dahil sa isang medical condition, o gusto mo ng mas mabilis na resulta, maari kang kumonsulta sa isang dermatologist upang mabigyan ka ng payo kung anong pwedeng gawin.

Narito ang ilang gamot o treatment na posible niyang irekomenda:

  • creams o lotions na may sumusunod na ingredients:
    • hydroquinone
    • tretinoin (retinoic acid)
    • corticosteroids
    • azelaic acid
    • kojic acid
  • chemical peel na may alpha hydroxy acids (AHAs) and beta hydroxy acids (BHAs) para ma-exfoliate ang balat
  • dermabrasion o microdermabrasion para malinis nang husto ang balat
  • laser therapy para mabawasan ang pigmentation

Home remedies pampaputi ng kilikili

Kung wala naman sa iyong budget at laser treatment at ayaw mong gumamit ng chemicals (lalo na kung ikaw ay buntis o nagpapadede), may mga natural na paraan upang mapaputi ulit ang iyong kilikili. Dahil natural na mga ingredients ito, hindi ito gumagamit ng kemikal na makakasama sa katawan mo kung ikaw man ay nagbre-breastfeed. Available din ito sa mga grocery. At malay mo, mayro'n ka na pala nito sa inyong pantry.

Narito ang 10 natural ingredients na puwede mong subukan:

  • Baking soda

pampaputi ng kilikili

Isa sa mga sanhi ng pangigitim ng kilikili ay ang dead skin cells. Makakatulong sa pampaputi ng kilikili kung i-e-exfoliate ang parte na ito. Haluin ang baking soda sa tubig hanggang maging parang paste ito. Ipahid ito sa underarms at patuyuin bago magsuot ng damit. Gawin ito 3 hanggang 4 na beses sa isang linggo.

  • Turmeric

pampaputi ng kilikili

Natural na antioxidant ang spice na ito. Ito rin ang ingredient na ginagamit pampakinis at pampaputi ng balat. Pinipigilan kasi ng turmeric ang paggawa ng maraming melanin. Babala: kung gagamit nito, iwasan na magbabad sa araw dahil maaaring ma-sunburn matapos maglagay nito.

  • Patatas, lemon, at pipino

pampaputi ng kilikili

Ang mga prutas at gulay na ito ay mayroong natural bleaching properties na makakatulong pampaputi ng kilikili.

Hiwain ang mga ito ng manipis at saka ipahid sa iyong kilikili. Maaari ring gamitin ang juice ng mga ito at ihalo sa kaunting turmeric, tsaka ipahid sa parte ng katawan na gustong paputiin. Iwanan ng 15-20 minuto tapos banlawan ng maligamgam na tubig. Para sa mas mabilis na resulta, gawin ito 2 beses sa isang araw.

  • Gatas at honey

pampaputi ng kilikili

Kilala ang gatas bilang natural na pampaputi kaya naman uso ang mga milk bath. Nakakapag-hydrate, exfoliate, at pampakinis din ang gatas sa balat. Ang honey naman ay puno ng antioxidants at nakakapag-moisturize din.

Para gamitin na pampaputi ng kilikili, paghaluin ang isang kutsarang gatas at honey. Lagyan ng turmeric powder o di kaya'y lime juice. Ipahid ang mixture na ito sa kilikili.

  • Coconut oil

pampaputi ng kilikili

Partner Stories
#StainAtHome is now a Breeze! 
#StainAtHome is now a Breeze! 
Leveled-up convenience: Western Union remittance now available via eCebuana app
Leveled-up convenience: Western Union remittance now available via eCebuana app
10 meal ideas to keep your kids happy and healthy
10 meal ideas to keep your kids happy and healthy
Facebook launches Run by Moms night school for mompreneurs
Facebook launches Run by Moms night school for mompreneurs

Isa ang coconut oil na karaniwang ginagamit sa pagpapaputi ng balat. Bago maligo, ipahid ang coconut oil sa kilikili. Maaaring ihalo ito sa baking soda bago ilagay sa armpits.

  • Calamansi

Nasubukan mo na bang magkuskos ng calamansi sa iyong balat para pumuti?

Ang prutas na ito kasi ay mayroong mataas na concentration ng citric acid, isang natural exfoliant at bleach. Hatiin lang sa dalawa ang calamansi at ikuskos sa iyong kilikili ng 2 hanggang 3 minuto. Hayaan lang ito sa loob ng 10 minuto bago banlawan. Mas mabilis ang resulta kung gagawin mo ito 3 hanggang 4 na beses sa isang linggo.

Subalit isang babala - ang acid content ng calamansi ay maaring makasunog ng balat, kaya mas mabuting iwasan ang home remedy na ito kung mayroon kang sensitive skin.

  • Olive oil at brown sugar

Makakatulong rin pala ang asukal na pula sa pagpapaputi ng kilikili!

Mayaman kasi sa antioxidants ang olive oil, kaya makakabuti ito sa pagkinis ng balat. Samantala, ang brown sugar naman ang nagsisilbing exfoliant para matanggal ang dead skin cells. Kailangan lang paghaluin ang dalawang sangkap na ito, at ikuskos sa basang balat. Hayaan itong magtagal ng mga 5 minuto bago banlawan. Pwede mo itong gawin 2 beses sa isang linggo.

  • Apple cider vinegar

Marami talagang silbi ang apple cider vinegar sa ating katawan (basahin iyan rito). Mabisa rin pala itong pampaputi ng kilikili.

Ang sukang ito ay mayroong taglay na mild acids na nakakapagtanggal ng namuong dead skin cells sa iyong kilikili habang pinapaputi ito. Gayundin, pwede rin itong magsilbing disinfectant at pinapatay ang mga bacteria sa balat.  Ihalo ang apple cider vinegar sa baking soda. Kapag nawala na ang mga bubbles, pwede mo nang ipahid ito sa kilikili, at hayaang magtagal ng mga 5 minuto bago hugasan.

BASAHIN:

6 na mabisang gamot sa putok sa kilikili

To lighten underarms darkened by pregnancy, try these tips!

Pigsa sa kilikili, sintomas, lunas at paano ,maiiwasan ito

Habang sinusubukan mo ang mga home remedies na ito, narito ang ilang paalala para makaiwas sa lalong pangingitim ng kilikili:
  • Magpalit ng deodorant. Kung sa palagay mo ay nakadagdag ito sa pangingitim ng iyong kilikili, pwede kang humanap ng ibang brand, o kaya naman gumamit ng mas natural na alternatibo, gaya ng baking soda at apple cider vinegar mixture.
  • Iwasan ang pag-aahit ng buhok sa kilikili, maging ang pagbunot dito. Subukan na lang ang waxing o kaya magtanong sa isang dermatologist tungkol sa laser hair removal.
  • I-exfoliate ang iyong balat. Para maalis ang namumuong dead skin cells, gumamit ng mild na body scrub o exfoliant sa iyong kilikili. Dahil manipis ang balat mo sa bahaging iyon, mas makabubuti kung gagamit ng exfoliant para sa sensitive skin. Pwedeng gumamit ng facial toner.
  • Iwasan ang pagsusuot ng masisikip na damit, lalo na sa bandang manggas. Hayaang makahinga ang balat paminsan-minsan.
  • Kung kaya mo, iwasan mo na rin ang paninigarilyo.
Maaring mahirap o matrabaho sa umpisa, pero kung gusto, may paraan. Kung gusto mo pang malaman kung paano puputi ang iyong kilikili, huwag mahiyang kumonsulta sa isang board-certified dermatologist.
Karagdagang ulat ni Camille Eusebio

Source:

Mayo Clinic, Healthline, The Asian Parent, Preview

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapaganda
  • /
  • 10 natural na ingredients na nakakapagpaputi ng kilikili
Share:
  • Pigsa sa kilikili, sintomas, lunas at paano ,maiiwasan ito

    Pigsa sa kilikili, sintomas, lunas at paano ,maiiwasan ito

  • What is this Thai penis whitening fad everyone is talking about?

    What is this Thai penis whitening fad everyone is talking about?

  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

    Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

app info
get app banner
  • Pigsa sa kilikili, sintomas, lunas at paano ,maiiwasan ito

    Pigsa sa kilikili, sintomas, lunas at paano ,maiiwasan ito

  • What is this Thai penis whitening fad everyone is talking about?

    What is this Thai penis whitening fad everyone is talking about?

  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

    Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.