X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Pampaputi ng siko: mga produkto at home remedies para sa makinis na siko

Maitim ba ang iyong mga siko? Nais mo ba itong pumuti na katulad ng dati? Nandito ang ilang home remedies at products na pampaputi ng siko.

Nahihiya ka ba mommy kapag nakikita ng iba ang mga siko mo? Dahil ba ito sa dark spots sa siko mo? Alamin ang dahilan kung bakit maitim ang siko mo at basahin ang mga  pampaputi ng siko na maaaring solusyon sa problem among ito.

pampaputi ng siko

Pampaputi ng siko | Image from iStock

Isa sa parte ng ating katawan ang nagkakakaroon ng uneven na color ay ang ating mga siko. Madalas itong mapansin kapag nagsusuot tayo ng light colors na shirt o sleeveless. Minsan nahihiya tayo kapag tinitignan ng ibang tao ang part na ito ng katawan natin.

Ang pag-aalaga sa ating balat ay kabilang sa tinatawag na self-care

Walang masama kung minsan maging conscious tayo sa sarili natin. Isa sa pag-develop ng self-esteem natin ang pagpapaganda at pag-aayos ng ating sarili. Tulad ngayon, nasa quarantine tayo, magkakaroon tayo ng “me" time sa sarili natin.

BASAHIN:

20 beauty products na bawal sa breastfeeding mom

LIST: Top 7 stretch mark creams for every budget

LIST: Top 7 lotion para sa buntis upang maiwasan ang skin dehydration at sun damage

Maaari nating i-pamper ang mga sarili natin sa pagpapaputi ng bahagi ng ating katawan na hindi natin madalas mapagtuunan  ng atensyon tulad ng ating mga siko.

Mga dahilan ng pangingitim ng siko

Ang pangingitim ng siko ay pangkaraniwan na sa ating mga Pilipino dahil sa ating likas na kulay kayumanggi. Subalit sa iilan, mas lamang ang dark spots sa bandang siko nila kaya naman isa ito sa mga madalas pagtuunan nila ng atensyon para paputiin.

pampaputi ng siko

Pampaputi ng siko | Image from iStock

Narito ang ilan sa mga dahil bakit may pangingitim ng siko.

  • Pag-build up ng dead skin cells – Kapag naliligo tayo, madalas makalimutan natin na exfoliate ang siko natin. Dahil rito, dumadami ang dead skin cells at naiipin kaya nagkakaroon ng pangingitim.
  • Pag-inom ng birth control pills – Isa sa nakikitang dahilan ang pag-inom ng birth conrol pills. Ito ay isa sa side effect ng matagal na pag-inom nito.
  • Matagal na oras na pamamalagi sa araw – Kung ang trabaho mo ay madalas nakakababad sa araw, malaking chance na magkaroon ka ng maitim na siko. Lalo na kung hindi ka nagsusuot ng long sleeve o gumagamit ng sun screen.
  • Peklat sa siko- Ang isa sa dahilan ng pangingitim ng siko ay dahil sa peklat na dala ng post operation o malalim na sugat sa siko. Mas matagal ang kinakailangang panahon para sa panunumbalik ng kinis at pagpapaputi ditto.
  • Melasma gawa ng pagbubuntis – Ang melasma ay dark spots sa balat nakadalasan tumutubo sa parte ng katawan tulad ng batok, mukha, siko, kili-kili, at singit habang ang isang babae ay nagbubuntis.
  • Skin Condition tulad ng Eczema at Psoriasis – Bago gumamit ng pampaputi ng sko ang isang tao na may eczema o psoriasis, kailangan muna magpakonsulta sa isang Dermatologist.
  • Age spots – Kapag tumatanda ang isang tao, nagkakaroon ng pagkulubot ng balat at dark spots sa balat. Madalas na magkaroon ng age spots ang siko, tuhod, at batok.

Talaan ng Nilalaman

  • Mga produkto para sa elbow bleach
  • Luxe Review
  • Gluta C Review
  • Belo Review
  • NIVEA Review
  • Fresh Skinlab Review
  • LATiSHA Review
  • Home remedies

Mga produkto na maaaring gamitin pampaputi ng siko

May mga produkto na maaring gamitin pampaputi ng siko kung nais natin ng mabilis na resulta. Bago gamitin ang mga ito, kung ikaw ay may skin condition o skin disease, kailangan munang magpakonsulta sa inyong Dermatologist.

Ganun din kung ikaw ay buntis at breastfeeding mommy, magpakonsulta muna sa Obstetrician at Lactation Doctor.

Produkto para sa elbow pagpaputi
product image
Luxe Organix Brightening Cloud Soap 180g
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada
product image
Gluta C Intense Whitening Body Scrub 120g
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada
product image
Belo Intensive Whitening Body Lotion SPF30 50ml
more info icon
View Details
Bumili sa Shopee
product image
NIVEA Body Extra White Firming Lotion 250ml
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada
product image
Fresh Skinlab Jeju Aloe Ice Soothing Gel (230ml)
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada
product image
Niacinamide Soap with AHA/BHA
more info icon
View Details
Bumili sa Shopee

Luxe Organix Brightening Cloud Soap 180g

Pampaputi ng siko: mga produkto at home remedies para sa makinis na siko

Bakit namin ito gusto?

Ang sabong ito ay gawa sa pinaghalong niacinamide at licorice extract. Ang niacinamide ay isa sa safe na whitening agent. Samantalang ang licorice extract naman ay tumutulong para maglighten ang skin at maiwasan ang hyperpigmentation.

Mayroon din itong Vitamin C at wala itong alcohol, paraben, at anumang harsh chemical na makakasira sa balat. Nagbibigay rin ito ng moisture sa balat kaya naman perfect itong sabon para sa taong nais ng pampaputi ng siko.

Paano ito gamitin?

Gamitin bilang sabong pampapaligo ng dalawang beses sa isang araw. Makikita ang resulta sa loob ng 2-3 weeks.

Luxe Organix Brightening Cloud Soap 180g - ₱149.00

by Luxe Organix

product imageBumili sa Lazada

Gluta C Intense Whitening Body Scrub

Pampaputi ng siko: mga produkto at home remedies para sa makinis na siko

Bakit namin ito gusto?

Ang body scrub ang isa sa mga produkto na nag-aalis ng dead skin cells na sahin ng pangingitim. Gawa ito sa pinaghalong glutathione, vitamin C, at papaya enzyme. Kaya naman mas mabilis makita ang resulta ng pagputi ng balat.

Nagbibigay rin ito ng malambot at makinis na balat sa kada paggamit.

Paano ito gamitin?

Gamitin na pang scrub sa siko sa loob ng limang minuto. Gamitin dalawang beses sa isang araw upang makita ang maganda resulta sa siko.

Gluta C Intense Whitening Body Scrub 120g - ₱115.00

by Gluta C

product imageBumili sa Lazada

Belo Intensive Whitening Body Lotion SPF30

Pampaputi ng siko: mga produkto at home remedies para sa makinis na siko

Bakit namin ito gusto?

Kilala ng Belo bilang isa sa mga brand na nagbibigay ng maganda resulta pagdating sa pagpapaputi. Ang Belo Intensive Whitening Body Lotion ay mag pinagsamang Kojic Acid at Tranexamic Acid na nagpapaputi ng balat.

Ang Kojic Acid ay organic na sangkap  na pumipigil sa melanin formation na sanhi ng pangingitim. Samantalang ang Tranexamic Acid naman ay nagtatanggal ng dark spots sa katawan. Mayroon din itong SPF 30 upang labanan ang harmful rays na galing sa araw.

Paano ito gamitin?

Ipahid sa balat pagkatapos maligo patikular sa siko. Gamitin ng dalawang beses sa isang araw.

Belo Intensive Whitening Body Lotion SPF30 50ml - ₱68

by Belo

product imageBumili sa Shopee

NIVEA Body Extra White Firming Lotion

Pampaputi ng siko: mga produkto at home remedies para sa makinis na siko

Bakit namin ito gusto?

Ang Nivea Body Extra Whitening Firming Body Lotion ay nagtataglay ng Superfruit Extract at Q10 na nagpapaputi ng balat at nagbibigay ng firmness. Inaayos nito ang balat mula sa pagkasira, dark spots, dry, at makating balat, at hindi pantay na kulay.

Ang Superfruit extract ay gawa sa Camu camu at Acerola Cherry na mas mabisang whitening agent kaysa sa lemon. Mayroon din itong moisturizer kaya naman maiiwasan ang skin irritation sa paggamit nito.

Paano ito gamitin?

Maglagay sa balat matapos maligo at bago matulog lalo na sa mga area na kailangan ng pantay na kulay katulad ng siko. Gamitin araw-araw para sa mabilis na pagputi ng siko.

NIVEA Body Extra White Firming Lotion 250ml - ₱254.00

by Nivea

product imageBumili sa Lazada

Fresh Skinlab Jeju Aloe Ice Soothing Gel

Pampaputi ng siko: mga produkto at home remedies para sa makinis na siko

Bakit namin ito gusto?

Ang Fresh Jeju Aloe Ice Soothing Gel ay tamang tama sa katulad nating nakatira sa tropical country. Mayaman ito organic aloe vera extract na nagbibigay ng moisture sa balat. Nakakakinis at inaayos nito ang damaged skin cells na gawa ng init ng araw. Suitable rin ito sa lahat ng skin type.

Paano ito gamitin?

Ipahid sa balat lalo na sa parte na may dark spots katulad ng siko. Gamitin sa araw araw para manatili ang moisture sa balat at maiwasan ang pangingitim.

Fresh Skinlab Jeju Aloe Ice Soothing Gel (230ml) - ₱219.00

by Fresh Skinlab

product imageBumili sa Lazada

Niacinamide Soap with AHA/BHA

Pampaputi ng siko: mga produkto at home remedies para sa makinis na siko

Bakit namin ito gusto?

Ang produktong ito gawa sa niacinamide na may kasaman AHA/BHA. Ang niacinamide ay nagbibigay ng maputing balat sa madalas na paggamit. Ito rin ang nag-aaalis ng dark spots sa balat para sa pantay na kulay.

Pimpiguilan din nito ang pag-build up ng melatonin o maitim na balat. Ang AHA/BHA naman ang nagtatanggal ng dead skin cells at pumipigil sa maagang pagkakaroon ng wrinkles.

Paano ito gamitin?

Sabunin ang bahagi ng katawan na nais paputiin tulad ng siko, kili-kili, batok, o singit. Hayaang mag-stay sa balat ng 10 minuto bago banlawan. Gamitin araw-araw upang makita ang resulta.

Niacinamide Soap with AHA/BHA - ₱125

by Latisha

product imageBumili sa Shopee

Home remedies na pampaputi ng siko

Kung gusto mo naman mommy na natural na pampaputi ng siko, narito ang ilan sa mga home remedies na maaaring gawin. Karaniwan makikita sa ating bahay ang mga sangkap sa paggawa nito.

Kaya naman hindi mo na kinakailangan lumabas pa ng bahay para magkaroon ng self-care. Bukod sa wala itong side effects, maaari rin itong gamitin ng buntis at nagpapadede na mga nanay.

Baking Soda

Ito ang all around cleanser na subok na ng nakararami. Mayroon itong skin lightening properties na pampaputi ng siko. Maglagay lamang ng isang kutsarang baking soda at kaunting tubig sa isang malinis na baso. Gawin itong parang paste. Ilagay ito sa siko at patagalin sa loob ng 15 minuto. Banlawan at ulitin ng dalawang beses sa isang linggo.

Kalamansi

Ang kalamansi ay isa sa kilalang whitening agent na natural at mabisa. Ikukos lamang ang hinating kalamansi sa siko at panatilihin oto sa loob ng 20 minutes bago banlawan. Gawin ito araw-araw hanggang sa makita ang resulta.

pampaputi ng siko

Pampaputi ng siko | Image from iStock

Apple Cider Vinegar

Ang apple cider ay isa sa mabisang home remedy sa pagpaputi ng siko. Tinatanggal nito ang dead skin cells at pinapaputi ang balat. Nagsisilbi itong skin toner kung gagamitin.

Maglagay ng 2 kutsarang apple cider at 2 kutsarang tubig sa isang malinis na baso. Gamit ang cotton, kumuha ng mixture at ipahid sa mga siko. Panatilihin ito sa balat sa loob ng 15 minuto bago banlawan. Gawin ito kada makalawang araw.

Aloe Vera

Napatunayan na ng mga eksperto na ang aloe vera ay hindi lamang nagbibigay ng moisture sa balat kundi nagpapaputi rin ito. Magpahid lamang ng aloe vera sa siko at banlawan pagkatapos ng 30 minuto. Gawin ito araw-araw para sa mabilis na resulta.

Oatmeal and Milk Scrub

Ang oatmeal ay natural exfoliant na nag-aalis ng dead skin cells. Samantalang ang gatas ay nagpapaputi ng balat. Malagay lamang ng ½ tasa ng oatmeal at ¼ tasa ng fresh milk sa isang malinis na lalagyan. Gawin itong scrub sa siko at banlawan pagkatapos ng 30 minuto. Gawin to ng tatlong beses sa isang linggo.

Editor's note: The product links provided here are aimed to help simplify product searches for our readers. Purchase the items at your own discretion. We do not take liability for any transaction issues and dispute. If you purchase an item from this post, theAsianparent may receive a small cut. Each item and price is up to date at the time of publication; however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
img

Sinulat ni

Marisol Villanueva

I-share ang article

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community saiOS oAndroid!

  • Top 7 products para sa makinis at maputing tuhod

    Top 7 products para sa makinis at maputing tuhod

  • Pregnant women should eat more chocolate, a study suggests

    Pregnant women should eat more chocolate, a study suggests

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Top 7 products para sa makinis at maputing tuhod

    Top 7 products para sa makinis at maputing tuhod

  • Pregnant women should eat more chocolate, a study suggests

    Pregnant women should eat more chocolate, a study suggests

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.