X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Naniniwala sa suwerte? 13 na dapat daw gawin para maging prosperous ang 2022

6 min read
Naniniwala sa suwerte? 13 na dapat daw gawin para maging prosperous ang 2022Naniniwala sa suwerte? 13 na dapat daw gawin para maging prosperous ang 2022

Gawing maswerte ang papasok na 2022 sa tulong ng mga feng shui tips na ito.

Pampaswerte sa 2022, tiyak na marami sa atin ang ito ang hanap ngayong papasok na bagong taon. Para sa maswerteng 2022 narito ang mga dapat mong malaman mula sa kilalang Feng Shui experts na si Master Hanz Cua at Marites Allen.

Mababasa  sa artikulong ito:

  • Mga pampaswerte sa 2022
  • Dapat tandaan at gawin para maiwasang malasin ka ngayong bagong taon.

Mga pampaswerte sa 2022

Naging kaugalian na ng marami hindi lang nating mga Pilipino ang paglalagay ng pampaswerte tuwing papasok ang bagong taon. Ito nga ay ating ginagawa sa tulong ng Feng Shui na kung saan malaki ang naitutulong para magabayan tayo sa negosyo, buhay pag-ibig at pati na sa pamamalakad sa ating bahay.

Ngayong taon, sa papasok na Year of the Water Tiger o Year 2022 ay may mga pampaswerte tips na ibinahagi ang mga Feng Shui experts na sina Master Hanz Cua at Marites Allen na maaari nating gawin.

Ito ay para masiguro na prosperous o maswerte ang papasok na bagong taon. At ating maitataboy o malalabanan ang malas na nakaabang sa ating bahay at buhay ngayong bagong taon.

Pampaswerte Sa 2022

New year photo created by freepik - www.freepik.com 

1. Mag-suot o gumamit ng mga gamit sa bahay na kulay golden yellow.

Para maging lucky ang pasok ng 2022 payo ni Master Hanz Cua ay magsuot ng mga damit na kulay golden yellow. O kaya naman ay gumamit ng mga gamit sa bahay na kulay ginto o dilaw tulad ng kurtina.

“Ang lucky color sa 2022 is the color yellow gold o golden yellow. Puwede nyong isuot lahat ng mga ginto para ma-enhance ang pagsalubong sa bagong taon natin.”

Ito ang sabi ni Cua.

2. Dapat ay bukas, masaya at higit sa lahat ay malinis ang bahay ngayong papasok na bagong taon.

“Bago pumasok ang bagong taon, dapat bukas, maligaya, masaya at maingay ang ating tahanan. Simulan natin by decluttering, itapon natin yung mga sirang gamit. Maglinis tayo, mag-general cleaning tayo. Para pumasok ang swerte.”

Ito ang payo pa rin ni Cua. Dagdag pa niya, ang dapat i-prioritize na parte ng bahay pagdating sa paglilinis ay ang main door na kung saan papasok ang swerte.

3. Palitan ang pundidong mga ilaw at ayusin ang mga tumatagas na gripo.

Maliban sa pagsisiguro na malinis ang bahay ay dapat din umano mapalitan na ang anumang pundidong ilaw o sirang gripo. Dahil ang mga ito ay nakakaapekto sa pagpasok ng swerte at sa pag-agos ng grasya tulad ng tumatagas na gripo na simbolo ng leaking wealth.

4. Maghanda ng labin-dalawang prutas.

Parang masiguro na magiging masagana ang 2022, syempre hindi dapat nawawala ang paghahanda ng 12 na klase ng prutas. Ang mga ito ay sumisimbulo sa 12 buwan sa isang taon.

Naniniwala sa suwerte? 13 na dapat daw gawin para maging prosperous ang 2022

Food photo created by topntp26 - www.freepik.com 

5. Mag-display ng tiger lucky charm.

Dahil sa Year of the Water Tiger ngayon, pampaswerte ang pagsasabit ng mga tiger lucky charms. Pero paalala ni Master Hanz Cua, gawin lang ito sa sala, opisina o sa negosyo at iwasan sa loob ng bedroom o kuwarto. Paliwanag niya ay masyadong malakas ang energy nito at maaring maka-istorbo sa maayos na tulog ng isang tao.

Dapat ding iwasan ng mga taong may birth sign na monkey ang mga tiger lucky charms. Dahil sa ang dalawang signs na ito ay magkalaban at maaring magdulot ng pangit na tadhana sa isa’t isa.

6. Punuin ang lagayan ng asukal, asin atpb.

Tulad rin ng nakasanayan ay dapat puno rin ang mga lagayan ng asin, asukal at bigas ayon kay Cua, Ganoon din ang lagayan ng tubig at gas stove para hindi maubusan ng mga ito sa buong taon ng 2022.

BASAHIN:

10 senyales na swerte ka sa iyong asawa

8 pamahiin para suwerte at hindi malasin ang bahay

Puwede bang maging malas ang isang bahay?

7. Magsuot ng polka dots at bagong underwear.

Dagdag pa ni Cua, hindi lang polka dots na damit ang magbibigay ng swerte ngayong bagong taon. Kung hindi pati ang malinis at bagong underwear na dapat ay suot ng bawat isa sa atin bago pumasok ang 2022.

8. Magpagulong ng bilog na prutas.

Para tuloy-tuloy ang paggulong ng swerte papasok sa ating bahay ay ipinapayo rin ni Cua na magpagulong ng bilog na prutas papasok ng ating mga kwarto. Tulad ng kiat-kiat at iba pang bilog na prutas na mas maganda kung kulay dilaw.

9. Magsaboy ng barya sa bahay at punuin ng barya ang bulsa.

Para sa dagdag na ingay sa loob ng bahay ngayong bagong taon ay dapat rin daw magsaboy ng barya sa loob ng bahay. Sa ganitong paraan ay naalis ang malas at nasisigurong masasabuyan din ng swerte ang loob ng bahay. Dapat ay puno rin umano ng pera ang mga wallet at ang bulsa naman ay puno ng barya.

10. Magpausok ng 9 na piraso ng insenso sa bahay.

Para maitaboy ang malas, isang tip parin na ipinapayo ni Cua ay ang pagpapausok ng insenso. Ito ay dapat gawin sa bawat sulok ng bahay para siguradong ang malas ay maitataboy palayo.

Pampaswerte Sa 2022

Flower photo created by freepik - www.freepik.com 

11. Bayaran ang lahat ng utang.

Kung maihahabol ay mas mainam umano na dapat bayad na ang lahat ng utang bago pumasok ang bagong taon. Ito ay para hindi ka na malulubog o magkakaroon pang muli ng utang ngayong 2022.

12. Pink na bedsheet para sa mga single at red na bed sheet para sa mga mag-asawa.

Para naman suwertehin sa relasyon, payo ni Cua dapat ang mga single ay gumamit ng pink na bed sheet ngayong papasok na bagong taon. Habang ang mga mag-asawa naman daw dapat ay pula. Para sa mas mainit at masayang pagsasama.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

13. Iwasan ang activity at panatalihing tahimik ang gitna ng inyong bahay.

Payo naman ni Marites Allen, ang pinaka-malas na bahagi ng bahay ngayong taon ay ang center o gitna nito. Dahil dito umano matatagpuan ang 5 yellow fortune star na nagdadala ng malas.

Ganoon din ang paliwanag ni Cua, na nagsabing ang star na ito ay ang nagdadala ng problema sa “pera, pag-ibig, kalusugan, aksidente, at extreme misfortune o kamalasan.”

Para maiwasan ang malas na dulot nito ay dapat alisin ang mga gamit sa bahay na nakapuwesto dito na maaring gumawa ng ingay o activity tulad ng electric fan.

Pero sa kabuuan payo ni Cua at Allen, ang kanilang mga sinabi ay gabay lamang. Ang swerte ay nakasalalay parin sa atin. Ngayong bagong taon, maliban sa pagsisigurong papasukin tayo ng swerte ay dapat i-celebrate natin ang bagong taon na kasama ang ating buong pamilya at masaya.

Source:

ABS-CBN, Marites Allen

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Naniniwala sa suwerte? 13 na dapat daw gawin para maging prosperous ang 2022
Share:
  • Maggie Wilson ibinuking na may 'other woman' umano si Victor Consunji: “I kept quiet for years.”

    Maggie Wilson ibinuking na may 'other woman' umano si Victor Consunji: “I kept quiet for years.”

  • Angelica Panganiban ready na manganak: “Nakaka-emo 'yong bilis ng mga pangyayari.”

    Angelica Panganiban ready na manganak: “Nakaka-emo 'yong bilis ng mga pangyayari.”

  • Cherie Gil pumanaw dahil sa cancer: "Cherie fought bravely against her illness with grace and strength."

    Cherie Gil pumanaw dahil sa cancer: "Cherie fought bravely against her illness with grace and strength."

app info
get app banner
  • Maggie Wilson ibinuking na may 'other woman' umano si Victor Consunji: “I kept quiet for years.”

    Maggie Wilson ibinuking na may 'other woman' umano si Victor Consunji: “I kept quiet for years.”

  • Angelica Panganiban ready na manganak: “Nakaka-emo 'yong bilis ng mga pangyayari.”

    Angelica Panganiban ready na manganak: “Nakaka-emo 'yong bilis ng mga pangyayari.”

  • Cherie Gil pumanaw dahil sa cancer: "Cherie fought bravely against her illness with grace and strength."

    Cherie Gil pumanaw dahil sa cancer: "Cherie fought bravely against her illness with grace and strength."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.