8 gamit na pampaswerte sa bahay ngayong Year of the Pig 2019

lead image

Para pasukin ng swerte ang iyong bahay at buhay narito ang mga dapat mong ilagay sa iyong bahay ayon sa Feng Shui.

May mga pampaswerte sa bahay kang maaring ilagay para itaboy ang malas at pasukin ng buenas ang iyong buhay ngayong 2019.

pampaswerte sa bahay ngayong 2019

Hindi mo na nga kailangang bumili pa ng lucky charms dahil may mga gamit ka na sa iyong tahanan na maaari ding maging pampaswerte sa bahay at magtaboy ng kamalasan sa iyong buhay ngayong bagong taon, ayon sa Feng Shui expert na si Hanz Cua sa kaniyang panayam sa ABS-CBN.

Mga pampaswerte sa bahay ngayong 2019

1. Bell

Ang unang pampaswerte sa bahay nga daw na dapat kang magkaroon sa loob ng iyong bahay ay ang isang bell o kampana.

Ang tunog daw ng bell ay effective bilang pangtanggal at pangtaboy ng malas at negative energy sa loob ng iyong bahay. Puwede mo rin itong gamitin sa iyong tindahan o opisina para paalisin ang mga negative energy na nagbibigay ng conflict sa trabaho at malas sa negosyo.

Kailangan mo lang ikalembang ito sa paligid at loob ng iyong bahay, tindahan o opisina para sigurado ang swerte mo. Ipinapayo din ni Master Hanz Cua na ilagay ang bell sa kuwartong hindi masyadong napupuntahan para hindi ito pamahayan ng mga bad spirits.

2. Bawang

Ang bawang daw ay effective na pangtaboy ng negative energy. Dapat nga daw ay ilagay ito sa south sector ng bahay na kung saan pinaniniwalaang malas ngayong taon.

Dahil daw dito magsisimula ang inggitan, galit at iba pang negative energy na maaring makasira sa iyong 2019. Kailangan din daw palitan agad ang bawang kung ito ay tuyo na para maging effective parin ito sa pagtaboy ng kamalasan sa bahay o tahanan ninyo.

Para mas makaiwas sa malas ngayong taon, ay iwasan ding maglagay ng mga bright lights o kahit anong fire element o kulay pula at kulay green o wood colors sa south sector ng iyong bahay, Ito daw ay ang sector ng bahay na pagsisimulan ng mga away, litigation, court cases at misunderstandings.

3. Asin

Para naman sa maayos na kalusugan, makakatulong ang asin bilang paglaban o pang-cure ng illness o sickness star. Dapat lang maglagay ng isang baso nito sa northeast sector na iyong bahay para magamot ang mga misfortune na may kinalaman sa sakit o illness star.

4. Tubig

Para naman makaiwas sa number 7 star na nagdadala ng theft, robbery, cheating at betrayal ay dapat daw maglagay ng isang basong tubig o aquarium sa southeast sector ng iyong bahay. Isang paraan daw ito para hindi ka manakawan lalo na kung ikaw ay may negosyo.

Dapat din daw iiwas na iharap ang iyong bed o kama sa southeast direction ng bahay para makaiwas sa cardiovascular at cerebral disease. Ilagay daw ito sa northeast direction na pinaglalagyan ng asin para makaiwas sa insomnia at iba pang sakit.

5. Speaker

Para naman maka-attract ng magandang balita at masaganang buhay ngayong 2019 ay dapat maglagay ng speaker o radio sa northwest na bahagi ng iyong bahay. Ang madalas na pagpapatugtog din nito ay isang paraan para makapagtaboy ng mga bad energies sa loob ng bahay mo.

Ang paglalagay rin ng mga office materials gaya ng computer, phone at iba pang communication devices sa northwest o west part ng bahay o opisina ay tumutulong para maging productive ang trabaho o negosyo mo ngayong taon. Ang paglalagay rin o pagharap ng iyong kama sa northwest part ng iyong bahay ay maaring makapagbigay sayo ng swerte sa iyong lovelife ngayong taon.

6. Bato at Lata

Isa pang hindi maswerteng corner ng bahay ngayong taon ay ang southwest corner na kung saan makikita ang 5 yellow misfortune star na maaring makapagdulot ng financial loss, injuries, worries at unexpected obstacles at calamities. Para kontrahin ito ay maglagay sa corner na ito ng limang kahit anong klaseng bato sa loob ng isang lata at takpan ito.

7. Halaman

Ang paglalagay din daw ng halaman sa west corner ng iyong bahay ay makakatulong para magkaroon ng magandang kalusugan sa buong taon.

Isa sa pinapayong halaman na maaring ilagay ay ang bamboo na sumisimbolo sa longevity. Kailangan daw ay panatilihin itong healthy at green para masigurong may natural element sa loob ng iyong bahay na magiging pampawerte sa buhay mo ngayong taon.

8. Pig Statues

At dahil ang 2019 ay Year of The Pig, ang paglalagay din daw ng mga pig statue coins sa loob ng iyong bahay o opisina ay makakatulong para sa continuous money flow ngayong taon. Ilagay daw ito sa living room na nakaharap sa pinto para tulungan kang harapin ang mga difficulties at maka-achieve ng financial success ngayong taon.

Ang mga payong ito ng Feng Shui ay gabay lamang. Dahil ang pag-abot mo ng tagumpay ay nakadepende sa sipag, tiyaga at determinasyon mong matupad ang mga ito.

 

Sources: ABS-CBN News, Feng Shui Store, Inquirer, Youtube

Basahin: 6 Chinese New Year practices that bring in "suwerte"

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!