TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Benepisyo ng sex: Masarap na tulog!

5 min read
Benepisyo ng sex: Masarap na tulog!

Alamin kung paano nagdudulot ng maayos na tulog ang pakikipagtalik sa isang tao.

Pampatulog ba ang hanap mo? Ang pakikipag-sex o pakikipagtalik ang isang mabisang paraan nito.

Sex mabisang pampatulog

Image from Freepix

Ayon sa sex therapist na si Dr. Jane Greer, ang pakikipagsex ay isang uri ng cardiovascular workout na maaring makapagdulot ng kapaguran sa katawan ng isang tao. Nagpapataas din ito ng blood pressure, blood flow at nag-rerelease ng endorphin hormones tulad ng nangyayari sa ating katawan sa tuwing naglalaro ng kahit anong sports.

Kaya naman dahil sa physical exhaustion na idinudulot nito ay isa itong mabisang paraan upang antukin at tuluyang makatulog ang sinumang gumagawa nito.

Sex bilang pampatulog

Maliban sa physical exhaustion na idinudulot ng sex, ang pakikipagtalik rin daw ay nagre-release ng chemicals mula sa ating utak na nakakatulong upang magkaroon ng maayos na tulog ang isang tao, ayon sa mga eksperto.

Ang chemical na ito ay ang love hormone o mas kilala sa tawag na oxytocin.

Ayon kay Dr. Amer Khan, isang neurologist at sleep specialist, ang release ng oxytocin ay nangyayari kapag ang isang tao ay nakakaramdam ng feelings of affection at affectionate o sensual touch.

Ang pagre-release ng hormones na ito sa ating katawan ay nagdudulot ng maayos at masayang pakiramdam na isang magandang relief rin mula sa stress.

Samantalang ang iba pang hormones na inilalabas ng katawan sa pagiging intimate o close sa isang tao gaya ng dopamine, prolactin at progesterone ay may epekto rin sa ating utak.

Ang mga ito ay nagbibigay ng sense of relief, relaxation at pagkaantok na nararanasan rin pagkatapos ng isang satisfactory sex, dagdag ni Dr. Khan.

Ngunit ayon parin kay Dr. Khan, ang pakikipag-sex ay hindi daw mabisang pampatulog sa lahat ng oras. Maaring ito rin daw ay maging dahilan upang hindi makatulog ang isang tao lalo na kung hindi ito nakaranas ng satisfaction o orgasm sa pakikipagtalik.

Pakikipagtalik bilang pampatulog

Image from Freepix

Upang magkaroon daw ng maayos na tulog pagtapos ng pakikipagtalik ay dapat mayroong satisfying physical and mental interaction ang mag-partner na gagawa nito. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng exciting foreplay na isang paraan upang makaranas ng isang satisfying sexual orgasm ang isang couple, payo ni Dr. Khan.

Sa isang pag-aaral nga na ginawa CQUniversity sa Adelaide, Australia sa 282 na adults, 60% sa mga ito ang nagsabing naging maayos ang kanilang pagtulog matapos makipagsex at maabot ang orgasm.

Sinuportahan naman ito ng isa pang research ng University of Ottawa na nagsabing ang pagkakaroon ng sexual intercourse bago matulog ay isang magandang paraan para mabawasan ang stress levels ng isang tao at nakakatulong rin sa mga insomiacs na magkaroon ng maayos na tulog.

Pero para sa certified sleep science coach na si Chris Brantner, ang pakikipagsex at pagkakaroon ng maayos na tulog ay may mas malalim na ugnayan.

Ayon nga sa National Sleep Foundation ang bedroom ay idinesenyo para sa dalawang bagay, ito ay para sa sex at sleep.

Kaya naman ang dalawang bagay na ito ay maaring makaapekto sa isa’t-isa. Tulad nalang ng magandang naidudulot ng sex sa pagkakaroon ng quality sleep. At ang epekto ng kawalan ng maayos na tulog sa pagkawala ng gana o mood sa pakikipagtalik, ayon iyan kay Brantner.

Ayon parin kay Brantner, ang kawalan ng maayos na tulog daw ay maaring magdulot ng abnormalities sa ating hormones tulad ng sa testosterone na nakapaimportante para sa mga babae at lalaki.

Ang sleep deprivation din daw o kakulangan sa tulog ay may negative impact sa energy levels at mood ng isang tao sa pakikipagtalik.

Kaya para daw madagdagan ang libido ng isang tao sa pakikipagtalik ay kailangan nitong magkaroon ng kumpletong pito hanggang walang oras na tulog sa isang gabi.

Sex bilang pampatulog

Image from Freepix

Samantala, ayon naman sa isang pag-aaral na inilatlahala sa Archives of Sexual Behavior lumabas na kumonti ang bilang ng mga nagtatalik magmula noong 2010 kumpara noong mga late 1990s.

Ang mga millennial couples daw ang may pinakamababang bilang ng pagtatalik. Ngunit ito daw ay hindi dahil sa mahabang working hours o dahil sa mas madalas na paggamit ng pornography. Ito daw ay dahil sa kakulangan ng maayos na tulog na nakakaapekto sa mood, libido at romantic motivation ng isang tao.

Partner Stories
#MiniIsPowerful: realme Pad Mini launches  with up to P2,000 OFF on Lazada starting April 5
#MiniIsPowerful: realme Pad Mini launches with up to P2,000 OFF on Lazada starting April 5
MILO® continues to help kids start their Champion journeys with the return of its Sports Clinics programs
MILO® continues to help kids start their Champion journeys with the return of its Sports Clinics programs
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Indulge in Krispy Kreme’s newest Milk Choco Creations
Indulge in Krispy Kreme’s newest Milk Choco Creations

Ang kondisyong ito ay umaapekto rin daw sa mga matatagal ng magkakarelasyon kahit na sa mga married couples.

Ngunit para kay Dr. Nicole Prause, isang neuroscientist ang isang tao ay maari paring magkaroon ng quality sleep kahit wala itong kapartner. Ito ay sa pamamagitan ng self-love o masturbation.

Iba pang paraan ng pampatulog

Pero maliban sa pakikipagsex at masturbation ay may ilang maliliit na bagay rin na maaring gawin upang magkaroon ng maayos na tulog. Ito ay pag-aalis ng mga distractions sa iyong kwarto gaya ng TV, tablets, cellphones at iba pang may screen maliban sa bintana ng inyong bahay.

Ayon parin kay Sleep Science coach Chris Brantner, ang pagtingin sa iyong cellphone bago matulog ay maaring makasira sa iyong circadian rhythm o ang iyong body clock sa pagtulog.

Dagdag pa niya ito rin daw ay nakakapagdulot ng dissatisfaction sa iyong partner. Dahil imbis na makipag-usap rito ay mas pinipili mong tumingin sa iyong cellphone na nagiging dahilan upang hindi mo na siya mabigyan ng pansin.

Kaya daw para parehas kayong makatulog ng maayos ay mabuting itabi ang iyong cellphone at simulan ng magkaroon ng hormone-filled experience sa inyong kama ng magkasama.

 

Sources: HealthLine, This is Insider

Basahin: 5 sex positions na dapat subukan kapag matagal na kayong walang sex ni mister

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Benepisyo ng sex: Masarap na tulog!
Share:
  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko