Anu-ano ba ang sanhi ng pananakit ng balakang at puson?

lead image

Alam niyo ba na hindi lang menstruation ang sanhi ng pananakit ng balakang at puson? Maraming posibleng dahilan kung bakit ito nangyayari.

Kadalasan, kapag ang isang babae ay nakakaramdam ng pananakit ng balakang at puson ito ay bahagi ng kanilang menstruation. Ngunit alam niyo ba na hindi palaging menstruation ang sanhi nito? 

Maraming posibleng dahilan kung bakit ito nangyayari. Ating alamin kung anu ang iba’t-ibang sanhi nito at kung ano ang pwedeng gawin upang maibsan ang pananakit na ito.

Pananakit ng balakang at puson: Ano ang sanhi nito?

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/08/vagina.jpg Anu ano ba ang sanhi ng pananakit ng balakang at puson?

Source: wikimedia commons

1. Problema sa bladder o kidney

Ang pagkakaroon ng problema sa bladder o kidney ay posibleng magdulot ng matinding sakit. Kadalasang makakaramdam ka rin ng masakit na pag-ihi, at madalas na pagpunta sa banyo.

Minsan, pwede rin itong magdulot ng back pain at lagnat kapag umakyat na sa kidneys ang impeksyon.

Posible rin na ang pananakit ay dulot ng kidney stones. Matindi ang sakit na ito, at umaakyat-baba ang sakit na iyong mararamdaman. 

Kapag nakaramdam ka ng kakaibang sakit sa puson at balakang, mabuting ikonsulta ito sa doktor upang agad itong maagapan.

2. Constipation at diarrhea

Alam niyo ba na ang constipation at diarrhea ay posibleng magdulot ng matinding sakit sa puson o sa balakang?

Ang pakiramdam ng sakit na ito ay para kang pinupulikat. Kadalasang maiibsan ang sakit na ito matapos mong dumumi. 

Isa sa mga sakit na nagdudulot nito ay ang tinatawang na Irritable Bowel Syndrome o IBS. Kapag mayroon kang IBS, makakaramdam ka ng matinding diarrhea, constipation, at bloated na pakiramdam.

Posible rin ito maging colorectal cancer pero sobrang bihira itong mangyari. 

Isang senyales na baka mayroon kang IBS ay kapag may dugo at pananakit ang iyong pagdumi. Kapag napansin mo ang mga sintomas na ito, magpakonsulta agad sa doktor upang malaman kung ano ang posibleng sanhi nito.

3. Cervical cancer

Ang cervical cancer ay isang uri ng cancer na nakikita sa cervix ng isang babae. Ang cervix ay ang bahagi ng katawan na nagkakabit ng uterus sa vagina.

Dati, ang cervical cancer ay isa sa pinakapangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga babae. Ngunit ngayon, dahil sa pagkakaroon ng pap smear at advanced na mga paraan, mas madaling maaagapan ang cervical cancer.

Ang sintomas ng cervical cancer ay pananakit ng balakang at puson, malakas na pagdudugo sa menstruation, at sakit tuwing nakikipagtalik.

Kung may nararamdaman kang kakaibang mga sintomas tulad nito, mabuting magpunta ka sa gynecologist upang mabigyan ng pap smear at alamin kung ano ang sanhi ng iyong nararamdaman.

4. HPV infection

Ang HPV ay ang pinakakaraniwang uri ng sexually transmitted infection (STI). Marami ring uri ng HPV, at posible itong magdulot ng genital warts at cervical cancer.

Kadalasan, nawawala agad ang HPV at wala itong naidudulot na side-effects. Ngunit may mga kaso rin na kung saan ito ay tumatagal sa katawan at nagdudulot ng malalang karamdaman.

Ang HPV ay nakukuha sa pakikipagtalik, at posible kang makakuha nito kahit iisa lang ang iyong partner. 

Ang pinakamainam na paraan para umiwas sa HPV ay sa pamamagitan ng HPV vaccine. Ito ay magbibigay ng proteksyon sa HPV at makakatulong rin para makaiwas sa cervical cancer.

5. Bacterial vaginosis

Ang bacterial vaginosis (BV) ay isang uri ng infection sa vagina na dulot ng bacteria. Ito ay kadalasang nakukuha ng mga babaeng edad 15-44.

Ang vagina ng babae ay natural na mayroong good at bad bacteria. Kadalasan, mas marami ang good bacteria kaya’t walang masamang nagagawa ang bad bacteria.

Ngunit minsan, nasisira ang balanse ng bacteria, at ito ang nagdudulot ng infection na bacterial vaginosis.

Ang mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng malabnaw at maputing discharge na minsan ay mabaho. Sa mga mas malalang kaso ng BV nakakaramdam rin ng pangangati at matinding sakit sa puson.

6. Pelvic inflammatory disease

Ang sintomas ng pelvic inflammatory disease (PID) ay kadalasang hindi agad mararamdaman. Ito ay dahil ang sintomas ng PID ay kadalasang lumalabas kapag malala na ang sakit.

Kabilang sa mga sintomas ng PID ay pananakit ng puson at balakang, mabahong discharge, pagdurugo tuwing nagtatalik, lagnat, at masakit na pag-ihi.

Kapag nakaramdam ka ng kahit alin sa mga sintomas na ito ay mabuting pumunta agad sa doktor bago pa lumala ang problema. 

7. Ectopic pregnancy

Ectopic pregnancy ang tawag kapag sa halip na sa loob ng uterus mabuo ang fetus, ay ito ay nabuo sa labas ng uterus. Kadalasan itong nagdudulot ng matinding sakit at pagdurugo.

Maraming sanhi ang ectopic pregnancy, at kabilang na rito ang paninigarilyo, infection, infertility, at fertility treatments.

Hindi naman madalas ang ectopic pregnancy, pero posible rin itong maging sanhi ng pananakit ng balakang at puson.

Sa mga kaso ng ectopic pregnancy ay madalas inihihinto ang pagdadalang-tao dahil posible itong makasama sa ina, at kadalasan hindi rin nabubuo ang fetus. 

 

Source: NetdoctorHealthline

Basahin: Early signs ng pagkalaglag na dapat malaman ng mga kababaihan