X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

12 sanhi ng masakit na puson kahit wala namang regla

7 min read
12 sanhi ng masakit na puson kahit wala namang regla

Ang pananakit ng puson ay madalas na umaatake kapag may buwanang dalaw. Pero kapag masakit ang puson at wala namang regla, nakapag-aalala ito.

Lahat ng kababaihan ay nakakaranas ng pananakit ng puson. Ito ay madalas na umaatake kapag may buwanang dalaw. Pero kapag masakit ang puson at wala namang regla, nakapag-aalala ito.

Pero, bakit nga nakakaranas ng pananakit ng puson. Alamin ang sagot sa artikulong ito na tampok rin ang sumusunod na impormasyon.

  • Bakit bigla na lang nakakaramdam ng sakit sa puson?
  • Gamot at lunas sa pananakit ng puson.

Bakit bigla na lang nakakaramdam ng sakit sa puson?

Karaniwan lang ang pananakit ng puson sa mga kababaihan, at wala namang dapat ikabahala—pero hindi rin dapat na ipagsawalang bahala. Mula sa simpleng gas pain, maaaring maging hudyat din ito ng impeksiyon.

Karaniwang sa bladder at reproductive organs nagmumula ang pananakit ng puson o lower abdominal pelvic pain.

Ayon kay Christine Mesina, RN, mahirap ding matukoy ang mismong sanhi ng pananakit, bagamat ang mga sintomas ang makakatulong para magkaroon ng diagnosis ang doktor.

pananakit ng puson

Image from Freepik

Ano ang mga pinakakaraniwang sanhi ng pananakit ng puson?

May apat na pangunahing dahilan ng lower abdominal pain o pananakit ng puson:

  • normal na pananakit dala ng regla
  • problema sa reproductive system – uterus, fallopian tubes at obaryo
  • urinary disorder, o problema sa bladder o bato (kidney)
  • problema sa digestive system o bituka

Kapag may buwananang regla, nagkakaron ng “thickening at shedding” ng uterine wall, paliwanag ni Nurse Christine. Ito ay normal at karaniwang nararanasan ng mga babae.

Kapag ang problema ay may kinalaman sa reproductive organs

Sa kababaihan, maaaring nanggagaling din sa uterus, fallopian tubes o obaryo ang problema, kung saan nagmumula ang sakit sa gitna ng lower abdomen o tiyan, pababa sa puson.

  • Kapag ang uterus ang may problema, mas matindi ang mararamdamang pain kapag may regla. Ito ang tinatawag na dysmenorrhea.
  • Kung ang sakit ay mas matindi sa may tagiliran, maaaring sa obaryo ito nanggagaling.
  • Kung ang problema ay nasa reproductive system ng babae, makakaramdam din ng kakaibang pananakit ng puson at puwerta kapag nakikipagtalik. Dapat ipaalam ito sa iyong OB GYN.

Ilang mga kondisyon na may kinalaman sa reproductive organs ay: Endometriosis, Fibroids, Pelvic inflammatory disease, at Ovarian cysts.

  • Kung ang pananakit ng puson ay nararanasan isang linggo bago dumating ang buwanang regla, ito ay maaaring “implantation cramps,” ayon sa medical article ni Dr. Erik Fangel Poulsen, MD.

Kapag kasi ang fertilized egg ay kumapit na sa uterus, na hudyat ng pagbubuntis, may mararamdamang kaunting pananakit na may kasamang light spotting. Kapag hindi dinatnan, kailangang magpa-pregnancy test o magpatingin sa isang OB GYN.

  • Kung nagbubuntis at nakaramdam ng matinding pananakit ng puson na may kasamang pagdurugo, maaaring ito ay  hudyat ng pagkalaglag o ‘di kaya ay ectopic pregnancy.
pananakit ng puson

Image from Freepik

BASAHIN:

11 home remedies sa pananakit ng puson

Pelvic Pain: Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis?

Anu-ano ba ang sanhi ng pananakit ng balakang at puson?

Kapag sanhi ng urinary infection

  • Makakaramdam ng hapdi kapag umiihi, at madalas din ang pagpunta sa banyo dahil sa pag-ihi. Posibleng kumalat ang impeksiyon nito sa kidney na tinatawag na pyelonephritis, at may kasamang mataas na lagnat at pananakit ng likod. Kapag nakakita ng dugo sa pag-ihi, kailangang magpatingin kaagad sa doktor.
  • Kung ang pain ay malubha at kumakalat mula sa likod pababa sa may singit, maaaring kidney stones ito. Sasailalim ang pasyente sa isang urine test para malaman  kung ito ang sanhi.

Kapag ang sanhi ay problema sa digestive system

pananakit ng puson

Image from Freepik

  • Kapag ang sanhi ay naka sentro sa bituka o large intestines, mararamdaman ang masakit na puson at parang natatae. Hindi lang babae ang makakaranas nito. Kung ang masakit na puson at parang natatae ay nararamdaman din kapag mismong dumudumi at may kasama nang dugo ang dumi, hudyat ito ng problema sa bituka, paliwanag ni Nurse Christine.
  • Maaaring sanhi ng pain ay ang constipation o diarrhea. Ang uri ng pananakit na panaka-naka, nawawala tapos ay babalik na naman ay posibleng irritable bowel syndrome (IBS). Isang tahasang sintomas nito ay ang maitim na dumi, kaya’t pagmasadan ang inilalabas kapag dumudumi, at ikunsulta kaagad sa doktor.
  • Minsan naman ay diverticular disease o diverticulitis ang problema, dagdag ni Nurse Christine, na mas karaniwan sa mga may edad nang pasyente. Kasama sa mga sintomas ay ang bloating at pamamaga, at nakasentro sa lower left abdomen ang pain. Ibig sabihin ay may impeksiyon sa diverticula o colon, sa bituka.

Ilan pang kondisyon ng digestive system ay celiac disease, lactose intolerance, indigestion, o simpleng gas na nasa digestive tract.

Iba pang maaaring sanhi ng pagsakit ng puson

  • Ang pananakit ng puson ay maaaring sintomas rin ng sexually transmitted disease tulad ng chlamydia at gonorrhea. Ayon sa CDC tinatayang nasa 2.86 milyon ang nakakaranas ng chlamydia. Habang tinatayang nasa 820,000 naman ang naaapektuhan ng impeksyon na gonorrhea. Maliban sa pananakit ng puson, maaari ring makaramdam ng hapdi o pananakit sa tuwing umiihi. Pagdurugo o bleeding sa gitna ng menstrual period at abnormal vaginal discharge. Sa oras na makaramdam ng mga nabanggit ay magpakonsulta na agad sa doktor.
  • Ayon sa Mayo Clinic, ang pananakit ng puson ay maaaring dulot din ng mga psychological factors. Tulad ng depression, chronic stress o history ng sexual o physical abuse. Kung mas malala umano ang emotional stress na nararanasan ay mataas rin ang tiyansang mas masakit ang pananakit na puson na maramdaman.

Gamot sa sakit ng puson

Sakaling makaranas ng pagsakit ng puson, ano nga ba ang kailangang gawin?

Unang-una ay mabuting magpakonsulta sa iyong doktor para malaman ang tunay mong kalagayan. Kung kinakailangan ay maaring dumaan ka sa mga test at pagsusuri. Ito ay para mabigyan ka ng lunas o gamot na nararapat sayo. Ang mga posibleng ibigay na gamot sa pananakit ng puson ay ang sumusunod:

  • Pain reliever tulad ng aspirin, ibuprofen (Advil, Motrin IB) o acetaminophen (Tylenol) para maibsan ang pananakit ng puson na nararanasan.
  • Hormone treatments kung ang pananakit ng puson ay may kaugnayan sa menstrual cycle o hormonal changes.
  • Antibiotics kung ang pananakit ng sakit ay dulot ng impeksyon.
  • Antidepressants tulad ng amitriptyline, nortriptyline (Pamelor) kung ang pananakit ng puson ay dahil sa psychological factors tulad ng depression.

Maliban sa mga nabanggit, ang iba pang maaaring gawin para maibsan ang pananakit ng puson ay ang sumusunod:

  • Bukod sa pag-eehersisyo, kailangan din ng balanced diet para maiwasan ang pagsakit ng puson.
  • Tamang pahinga rin ang kailangan, madalas din na nakatutulong ang paghiga ng naka-fetal position.
  • Lagyan ng hot compress ang bandang puson para maibsan ang sakit.
  • Kung talagang hindi na maibsan ang sakit, maaaring uminom ng mefenamic acid.

Mas maigi na gamot sa sakit ng puson ang pagpapahinga at pagkain ng tama. Hindi rin kasi mainam na palaging umiinom ng gamot para rito.

Tandaan: Kumonsulta kaagad sa doktor kung hindi humuhupa ang pananakit, bagkus ay tumitindi pa, may kasamang lagnat, at pagsusuka o pagdumi na may dugo. Tanging ang doktor ang makakapagbigay ng karampatang lunas para sa anumang sintomas.

 

Sources:

Christine Mesina, RN, Mayo Clinic, Healthline, WebMD, Alexandraki, Irene, and Gerald W. Smetana. “Acute Viral Gastroenteritis in Adults.” UpToDate. Updated Aug. 1, 2016, Rabinowitz, S. “Abdominal Examination.” Medscape. Nov. 26, 2017, Mayo Clinic

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Partner Stories
BÉABA Philippines continues to make fond memories with moms and kids
BÉABA Philippines continues to make fond memories with moms and kids
"Impact investing set to grow through partnership between Villgro and xchange"
"Impact investing set to grow through partnership between Villgro and xchange"
Discover a smooth, creamy, and doubly delicious drink for the family!
Discover a smooth, creamy, and doubly delicious drink for the family!
How MakatiMed continues to deliver excellent patient experience despite COVID-19 challenges
How MakatiMed continues to deliver excellent patient experience despite COVID-19 challenges

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

Inedit ni:

mayie

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • 12 sanhi ng masakit na puson kahit wala namang regla
Share:
  • 12 home remedies sa pananakit ng puson

    12 home remedies sa pananakit ng puson

  • Mga sintomas ng sakit sa bato o kidney stones

    Mga sintomas ng sakit sa bato o kidney stones

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

app info
get app banner
  • 12 home remedies sa pananakit ng puson

    12 home remedies sa pananakit ng puson

  • Mga sintomas ng sakit sa bato o kidney stones

    Mga sintomas ng sakit sa bato o kidney stones

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.