Anu-ano ba ang sanhi ng pananakit ng puwit?

Anu-ano ba ang sanhi ng pananakit ng puwit?

Nakakatawa man isipin, hindi dapat balewalain ang pananakit ng puwit. Ito ay dahil posible itong maging sintomas ng mas malalang sakit.

Hindi biro ang pagkakaroon ng pananakit ng puwit. Bukod sa hindi ito komportable, naaapektuhan din nito ang quality of life ng isang ina. Syempre, paano mo naman maaalagaan ang iyong anak kung mismong pag-upo ay nagdudulot sa iyo ng sakit?

Kaya mahalagang malaman ng mga ina kung anu-ano ang posibleng maging sanhi ng pananakit ng kanilang puwit. Ito ay para agad itong masolusyonan, at makaiwas sila sa mga gawain na posibleng lalong magpalala pa ng sakit.

Ano ang almoranas o hemorrhoids?

Ang almoranas ay nangyayari kapag namamaga ang ugat sa palibot ng pwet. Habang tumatanda, nagbabago at lumuluwag ang bahaging ito ng ating pwet.

Mga uri ng almoranas:

  • Internal Hemorrhoids – ito ay kapag kumakati ang tumbong kapag dumudumi
  • Prolapsed Hemorrhoids – ito ay kapag nagdurugo na ang iyong puwit at kadalasan ring nangangati
  • External Hemorrhoids – nangyayari ito sa labas ng tumbong. Nakakaranas rin ng matinding pananakit ng puwit ang taong mayroon nito at nagkakaroon ng dugo.
  • Thrombosed Hemorrhoids – kapag ang external hemorrhoids ay hindi nalunasan, ito ay magiging Thrombosed Hemorrhoids. Nangyayari ito kapag nag iipon ipon ang dugo sa loob ng external hemorrhoid.
pananakit-ng-puwit

Masakit na pwet | Image from Freepik

7 sanhi ng pananakit ng puwit

Narito ang 7 posibleng dahilan ng pananakit ng puwit ng mga ina.

1. Mayroon kang period

Ang pinakakaraniwang dahilan ng pananakit ng puwit ay ang pagkakaroon ng period. Ito ay dahil posibleng maapektuhan ng iyong monthly period ang iyong pagdumi. Dahil dito, posible kang magkaroon ng cramps na kumakalat hanggang sa puwit, at maging sanhi ng patuloy na pagdumi.

Ito ay epekto ng prostaglandin na isang uri ng hormone na nagpapa-contract sa uterus ng mga babae. Kaya’t posibleng sumakit ang iyong puwit kapag mayroon kang period.

2. Herpes

Ang sakit na herpes rin ay isang posibleng sanhi ng sakit sa iyong puwit. Ito ay nagmumula sa herpes simplex virus-2 o HSV-2. Kapag mayroon kang herpes ay puwede kang magkaroon ng mga boils at sores sa iyong ari na posibleng umabot hanggang sa iyong puwit.

Lubhang masakit ang pagkakaroon ng herpes, at mahalagang magpatingin ka sa doktor kung sa tingin mo ay nahawa ka ng ganitong sakit.

3. Mayroon kang hemorrhoids

Ang pagkakaroon ng hemorrhoids ay karaniwang dahilan kung bakit masakit ang puwit ng ilang mga ina. Ang hemorrhoids ay epekto ng pamamaga ng mga blood vessels sa anus at rectum, at madalas ay nakakaranas ng ganito ang mga inang kakapanganak pa lamang.

Madalas ay nawawala ng kusa ang hemorrhoids, ngunit may mga pagkakataon na kinakailangang gumamit ng hemorrhoid cream para mawala ang mga ito.

4. Pagkakaroon ng endometriosis

Alam niyo ba na 11% ng mga babae ay mayroong sakit na endometriosis? Ito ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng ‘overgrowth’ o sobrang pagtubo ng mga tissues ng uterus. Dahil sa sobrang pagtubo na ito, posible itong kumalat sa fallopian tubes, at minsan ay posible ring kumalat hanggang sa bowels ng babae.

Dahil dito, nagdudulot ito ng matinding sakit, at posibleng kailangang uminom ng gamot para dito, o kaya ay operahan ang endometriosis.

5. Pagkakaroon ng anal fissure

Ang anal fissure ay maliliit na sugat o kaya hiwa sa may butas ng puwit. Syempre kung may sugat o inflammation ka sa anus, ay napakasakit nito lalo na sa pag-upo o kaya pagdumi.

Madalas itong nangyayari kapag constipated ang isang tao, o kaya masyadong matubig ang kaniyng dumi, na nagiging sanhi rin ng irritation. Posible naman itong mawala ng kusa, pero kung matagal na itong hindi gumagaling, mabuting magpakonsulta sa doktor upang ma-diagnose ng mabuti at makapag-prescribe ng tamang gamot

6. Sciatica

Ang sciatica ay nangyayari kapag naiipit ang sciatic nerve, o isang nerve sa iyong lower back. Lubhang napakasakit ang pagkakaroon ng sciatica, at umaabot pa hanggang sa puwit at hanggang sa paa ang sakit nito.

Karaniwang lunas sa ganitong kondisyon ang pagpunta sa isang physical therapist upang maibsan ang naipit na ugat.

pananakit-ng-puwit

Pananakit ng puwit | Image from Freepik

Paano maiiwasan ang masakit na pwet?

Mahalagang ugaliin ang mga ito para maiwasan ang pananakit ng puwit.

1. Uminom ng tubig

Ang pag-inom ng maraming tubig ay isa sa mga pangunahin at alternatibong paraang upang maiwasan ang pananakit ng puwit. Kung magpapacheck up ka, ito ang laging payo ng doktor. Ang uminom ng madami at sapat na tubig sa araw-araw. Ang pag-inom ng maraming tubig ay nakakatulong na mailabas ng isang tao ang kanyang dumi.

2. Fiber foods

Ang mga pagkaing mayaman sa fiber ay makakatulong upang maibsan ang pananakit ng puwit. Base sa pag-aaral, ang mga taong may almoras ay kulang sa fiver kaya naman kailangang may sappat na fiber angiyong katawan para makaiwas dito. Ang mga pagkaing mayaman sa fiber ay green peas, broccoli at iba pang mga gulay. Katulad ng tubig, nakakapagpalambot ng dumi ang fiber.

pananakit-ng-puwit

Masakit na pwet | Image from Freepik

3. Magbawas ng dumi

Kung maaari, ‘araw-araw na dumumi at ‘wag itong pigilan dahil mataas ang tyansa na magkaroon ng almonas.

4. Mag-exercise

Ugaliin ang araw-araw na pageehersisyo. Makakatulong ito para maiwasan ang pagbabara ng matigas na dumi sa iyong tyan.

 

 

Source: Women’s Health

Basahin: Pananakit ng puwit habang nagbubuntis, paano maiibsan?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner