Anu-ano ba ang sanhi ng pananakit ng puwit?

lead image

Nakakatawa man isipin, hindi dapat balewalain ang pananakit ng puwit. Ito ay dahil posible itong maging sintomas ng mas malalang sakit.

Hindi biro ang pagkakaroon ng pananakit ng puwit. Bukod sa hindi ito komportable, naaapektuhan din nito ang quality of life ng isang ina. Syempre, paano mo naman maaalagaan ang iyong anak kung mismong pag-upo ay nagdudulot sa iyo ng sakit?

Kaya mahalagang malaman ng mga ina kung anu-ano ang posibleng maging sanhi ng pananakit ng kanilang puwit. Ito ay para agad itong masolusyonan, at makaiwas sila sa mga gawain na posibleng lalong magpalala pa ng sakit.

7 sanhi ng pananakit ng puwit

Heto ang 7 posibleng dahilan ng pananakit ng puwit ng mga ina.

1. Mayroon kang period

Ang pinakakaraniwang dahilan ng pananakit ng puwit ay ang pagkakaroon ng period. Ito ay dahil posibleng maapektuhan ng iyong monthly period ang iyong pagdumi. Dahil dito, posible kang magkaroon ng cramps na kumakalat hanggang sa puwit, at maging sanhi ng patuloy na pagdumi.

Ito ay epekto ng prostaglandin na isang uri ng hormone na nagpapa-contract sa uterus ng mga babae. Kaya't posibleng sumakit ang iyong puwit kapag mayroon kang period.

2. Herpes

Ang sakit na herpes rin ay isang posibleng sanhi ng sakit sa iyong puwit. Ito ay nagmumula sa herpes simplex virus-2 o HSV-2. Kapag mayroon kang herpes ay puwede kang magkaroon ng mga boils at sores sa iyong ari na posibleng umabot hanggang sa iyong puwit.

Lubhang masakit ang pagkakaroon ng herpes, at mahalagang magpatingin ka sa doktor kung sa tingin mo ay nahawa ka ng ganitong sakit.

3. Mayroon kang hemorrhoids

Ang pagkakaroon ng hemorrhoids ay karaniwang dahilan kung bakit masakit ang puwit ng ilang mga ina. Ang hemorrhoids ay epekto ng pamamaga ng mga blood vessels sa anus at rectum, at madalas ay nakakaranas ng ganito ang mga inang kakapanganak pa lamang.

Madalas ay nawawala ng kusa ang hemorrhoids, ngunit may mga pagkakataon na kinakailangang gumamit ng hemorrhoid cream para mawala ang mga ito.

4. Pagkakaroon ng endometriosis

Alam niyo ba na 11% ng mga babae ay mayroong sakit na endometriosis? Ito ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng 'overgrowth' o sobrang pagtubo ng mga tissues ng uterus. Dahil sa sobrang pagtubo na ito, posible itong kumalat sa fallopian tubes, at minsan ay posible ring kumalat hanggang sa bowels ng babae.

Dahil dito, nagdudulot ito ng matinding sakit, at posibleng kailangang uminom ng gamot para dito, o kaya ay operahan ang endometriosis.

5. Pagkakaroon ng anal fissure

Ang anal fissure ay maliliit na sugat o kaya hiwa sa may butas ng puwit. Syempre kung may sugat o inflammation ka sa anus, ay napakasakit nito lalo na sa pag-upo o kaya pagdumi.

Madalas itong nangyayari kapag constipated ang isang tao, o kaya masyadong matubig ang kaniyng dumi, na nagiging sanhi rin ng irritation. Posible naman itong mawala ng kusa, pero kung matagal na itong hindi gumagaling, mabuting magpakonsulta sa doktor upang ma-diagnose ng mabuti at makapag-prescribe ng tamang gamot

6. Sciatica

Ang sciatica ay nangyayari kapag naiipit ang sciatic nerve, o isang nerve sa iyong lower back. Lubhang napakasakit ang pagkakaroon ng sciatica, at umaabot pa hanggang sa puwit at hanggang sa paa ang sakit nito.

Karaniwang lunas sa ganitong kondisyon ang pagpunta sa isang physical therapist upang maibsan ang naipit na ugat.

 

Source: Women's Health

Basahin: Pananakit ng puwit habang nagbubuntis, paano maiibsan?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner