Talaga namang dagdag problema ang hindi matanggal-tanggal na sipon ni baby. Kaya ang resulta? Baradong ilong na dahilan ng discomfort at hindi maayos na paghinga ni baby.
Subalit alam niyo bang hindi kailangang uminom ng gamot ng iyong chikiting para lang mawala ang sipon nila? Ito ay dahil may makakatulong na pang sipsip ng sipon ng baby.
Pang sipsip ng sipon ng baby | Image from iStock
9 produkto na pang sipsip ng sipon o nasal aspirator ng baby
9 produkto nasal aspirator ng baby
Maraming mommy ang mas pinipinili ang gumamit ng pang sipsip ng sipon o nasal aspirator ng baby dahil ayon sa kanila, hindi na nila kailangang gumastos ng malaki para sa gamot sa sipon ng bata. Natural na paraan rin ito para matanggal ang sipon ng kanilang anak.
Narito ang ilang nasal aspirator na maaari mong bilhin at siguradong makakatulong sa baradong ilong ni baby.
Tiny Buds Tiny Remedies Baby Nasal Aspirator

Bakit ito maganda?
Ang Tiny buds Baby Nasal Cleaner ay traditional nasal aspirator din. Ito ay 100% BPA Free at nagkakahalaga lamang ng 159 pesos. Maraming mga magulang ang nagsasabing madali itong gamitin at no hassle.
Features
- 100% BPA free silicone
- Unique anti-Backflow design
- No Smell & Non-Toxic
Presyo
Chicco Traditional Nasal Aspirator

Bakit ito maganda?
Ang Chicco nasal aspirator ay may dalawang klase ng pang sipsip ng sipon ng baby. Ito ang traditional at physioclean nasal aspirator.
Paano ito gamitin?
Ang traditional ay ang old style na pang sipsip ng sipon ng baby o yung maliit at rubberize na bote. Pinapasok ang maliit at patusok na dulo nito sa ilong ni baby ay at saka pipigain para masipsip ang nakabara sa ilong.
Samantalang ang physioclean naman ay ang mas bagong modelo ng kailang produkto. May maliit itong tubo na kumokonekta sa maliit at plastic na bote.
Presyo
Ang traditional ay nagkakahalaga ng ₱299.75 pesos habang ang physioclean ay nasa 650 pesos.
Bebeta Nasal Aspirator

Bakit ito maganda?
Present rin ang traditional nasal aspirator sa produkto na mabibili sa Bebeta. Available ito online at hindi bababa sa 200 pesos ang halaga ng Bebeta nasal aspirator. Ang cover nito ay gawa sa polypropelene material.
Paano ito gamitin?
Ito ay traditional na pang sipsip ng sipon ng baby. Ipasok lang ng marahan ang tip ng produkto sa ilong ni baby at pisilin ito para sa pagsipsip.
Presyo
Orange and Peach Nasal Cleaner

Bakit ito maganda?
Kakaiba naman ang uri ng nasal aspirator ng Orange and peach. Ito ay isang maliit at transparent na device na ipinapasok sa butas ng ilong ni baby. Habang ang kabilang dulo naman ay kailangang ilagay ang suction at saka ito sipsipin.
Features
- BPA at Phthalates Free
- Transparent
- Extra nasal tip at sterilizer box
Presyo
Combi Nose Aspirator

Bakit ito maganda?
Ang Combi nasal aspirator ni baby ay isang device para masipsip ang baradong ilong ni baby. Ang pagsipsip nito ay automatic na dahil pipindutin mo na lamang ang button nito para gumana.
Features
- Hindi maingay kapag ginagamit
- Gawa sa silicone material
Presyo
Apruva Nasal Aspirator

Bakit ito maganda?
Budget friendly naman ang Apruva Nasal Aspirator dahil ito ay nagkakahalaga lamang ng 130 pesos. No hassle rin siyang gamitin dahil ang tanging gagawin mo lamang ay ipapasok ang dulo ng nasal aspirator sa ilong ni baby at saka pipisilin ang bote.
Features
- Available ito sa dalawang color; pink at blue.
- BPA Free
Presyo
NoseFrida Nasal Aspirator

Ang NoseFrida Nasal Aspirator ay maaaring isa sa pagpilian mo ring na pang sipsip ng sipon ng baby. Ito ay isang manipis na device kung saan ilalagay mo lamang ang dulong parte ng pangsipsip sa ilong ni baby at saka sisipsipin ang kabilang bahagi.
Features
- BPA & Phthalate free
- Disposable filters
Presyo
BabyMate Nasal Aspirator

Bakit ito maganda?
Ang BabyMate Nasal Aspirator ay waterproof at kinakailangan ng AA batteries. No hassle na rin itong gamitin dahil automatic na itong sisipsip sa sipon ni baby.
Presyo
Graco Nasal aspirator

Bakit ito maganda?
Isa pang mapagpipilian mong pang sipsip ng sipon ng baby ay ang Graco. Kumpara as mga nauna, ang Graco Nasal aspirator for baby ay nilalagyan ng AA battery. Madali at safe itong gamitin kay baby dahil mabilis niyang masisipsip ang nakabara sa ilong ng iyong anak.
Presyo
BASAHIN:
#AskDok: Puwede ba paliguan ang baby na may ubo at sipon?
13 Halamang gamot sa sipon na maaari mong subukan
#AskDok: Ano ang gamot para sa baradong ilong ng mga bata dahil sa sipon?
Paano gamitin ang Nasal aspirator?
Ang nasal aspirator o pang sipsip ng sipon ng baby ay may iba’t ibang klase. Ang pinakauna diyan ay ang traditional nasal aspirator o iyong maliit na bote na mayroong patulis na pangsipsip sa dulo.
Pinapasok lang ito sa ilong ni baby at saka pipisilian ang rubber bottle para masipsip ang nakabara sa ilong ni baby.
Sumunod na dito ay ang maliit na bote na mayroong maiksi na tubo. Ang dulo nito ay nilalagay sa ilong ni baby samantalang ang kabila naman ay kailangang higupin ni mommy para masipsip ang bara sa ilong ni baby. Don’t worry dahil mayroon naman itong pangsala ng mucus.
Mayroon din tayong nasal aspirator na nilalagyan ng battery. No hassle na ito dahil kailangan lang na ipasok sa ilong nibaby ang device at saka pindutin ang button para masimulang masipsip ang nakabara sa ilong.
Pang sipsip ng sipon o nasal aspirator ng baby | Image from Freepik
Sanhi ng sipon sa bata
Ang pagkakaroon ng sipon sa bata ay isang pangkaraniwang sakit para sa kanila. Pero kailangan itong bigyang pansin dahil kung papabayaan, maaari itong lumala at mapunta sa seryosong sakit.
Prolema rin ang sipon dahil bumabara ang ilong ni baby dahilan para hindi ito makahinga. Kaya ano ba ang sanhi ng sipon ng bata?
Ang sipon o cold sa bata ay isang upper respiratory infection na sanhi ng virus. Naipapasa ito sa kanila ng mga taong may sipon o ubo sa pamamagitan ng maliliit na droplets.
Sintomas ng sipon sa bata
- Baradong ilong
- Pagbahing
- Pagkakaroon ng sinat o lagnat
- Tuyong ubo
- Runny nose
- Fatigue
- Pagkawala ng ganang kumain
- Iritable
- Hirap sa pagtulog
Kailan dapat pumunta sa doctor?
Ang sipon sa bata ay karaniwan lamang. Nagkakaroon sila nito sa kanilang edad. Ngunit kung si baby ay under 3 months pa lamang at nagkaroon ng unang lagnat, mas mabuting magpakonsulta sa kanyang doctor para matignan at masuri siya ng maigi lalo na kung nasa 39°C pataaas ang kanyang lagnat.
Kailangan rin na komunsulta sa doktor kung mapapansin mo na ang sipon ni baby ay lumala at sinamahan pa ng ubo. Agad siyang dalhin sa ospital kung ang sipon nya ay tumagal ng halos 10 araw.
Mga natural remedies sa sipon ni baby
- Painumin ng maraming liquids si baby katulad ng breast milk.
- Tanggalin ang nakabarang sipon o dumi sa ilong ni baby
- Gumamit ng humidifier para sa maginhawa at preskong hangin ni baby. Tanungin sa iyong doctor kung ano ang pwedeng mist sa iyong anak.
- Painumin ang iyong anak ng 1/2 teaspoon ng honey bago matulog. Ngunit ‘wag bibigyan ng honey ang mga batang wala pang 1 year old.
- Pataasin ng bahagya ang ulo ng bata kapag matutulog. Gumamit ng extra unan o blanket para rito.
- ‘WAG gumamit ng aspirin dahil bawal ito sa bata at baby.
Gamot sa sipon ni baby
Mahalagang paalala: Ayon sa Food and Drug Administration, Hindi pinapayuhan na painumin ng over-the-counter cold medications ang mga baby nasa edad 2 years old pababa.
Ang pag-inom ng gamot sa mga infant ay may seryosong side-effects. Kaya mas mahalagang kumonsulta muna sa iyong doctor bago painumin ng gamot sa sipon ang iyong anak. Dito mabibigyan siya ng tamang gabay at paalala kung paano magagamot ang kanyang sipon.
Source:
Healthline
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.