Pagkakaroon ng Carpal tunnel syndrome dulot ng pagse-selfie

Maliban sa likes at comments, may isang nerve condition ang maaring makuha sa pagseselfie. Ito ay ang carpal tunnel syndrome o “selfie wrist” na ang pangunahing sintomas ay ang pangangalay ng braso at kamay.

Ang carpal tunnel syndrome ay isang nerve condition na nakakapagdulot ng pamamanhid, pananakit o pangangalay ng braso at kamay. Ito ay dahil sa pamamaga o pagkaipit ng median nerve sa carpal tunnel o ang daanan ng ugat sa pulso.

Ang median nerve ay ang ugat na nagdurugtong sa braso, kamay at daliri. Kaya naman ang pagkaipit nito ay nakakapagdulot ng pananakit at pangangalay sa bahaging ito ng katawan.

Isa nga sa tinuturong dahilan ng pagkakaroon ng kondisyon na ito ay ang sobrang pagse-selfie. Ito ay ayon kay Dr. Levi Harrison, isang orthopedic surgeon mula sa San Francisco, California.

pangangalay ng braso at kamay

Photo: Pixabay

Pangangalay ng braso at kamay dahil sa kakaselfie? Baka may carpal tunnel syndrome ka na!

Pangangalay ng braso at kamay

Dahil nga sa tumataas na bilang ng mga pasyenteng mayroon nito, tinawag narin ang carpal tunnel syndrome na “selfie wrist." Isang kondisyon na naging dahilan upang tigilan ng sikat na international star na si Kim Kardashian ang kaniyang pagse-selfie.

Ayon parin kay Dr. Harrison, ang carpal tunnel syndrome daw ay nakukuha dahil sa madalas na pagbaluktot ng pulso papasok na nagiging posisyon ng kamay sa tuwing nagse-selfie. Ngunit maliban sa pagseselfie, itinurong dahilan din ng doktor ni Kim Kardashian ang tagal ng paghawak niya sa cellphone para magkaroon siya nito.

Sinuportahan naman ang pahayag na ito ni Dr. Leon Benson, isang hand surgeon mula sa Illinois Bone and Joint Institute.

Ayon sa kaniya, ang ating siko ay hindi dapat nababaluktot ng matagal. Ito daw ay kailangang laging naigagalaw tulad ng iba pang bahagi ng ating katawan. Katulad nalang sa ating pagtulog na kung saan kahit tayo ay “unconscious" ay nagbibigay signal ang ating utak sa ating katawan na umikot o gumalaw para hindi ito mababad sa iisang posisyon lamang.

Ngunit maliban sa pagse-selfie at matagal na paghawak sa cellphone, may ilang dahilan din na maaring makapagdulot ng carpal tunnel syndrome o pangangalay ng braso at kamay. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Pagta-type o iba pang repetitive motions na ginagawa na kung saan mas mababa ang posisyon ng kamay sa pulso
  • Medikal na kondisyon tulad ng hypothyroidism, obesity, rheumatoid arthritis, at diabetes
  • Pagdadalang-tao

Ang mga babae ay tatlong beses na mas prone na magkaroon ng kondisyong ito. Dahil ito sa mas maliit na carpal tunnel na mayroon ang mga babae kumpara sa mga lalaki. Kung ang kondisyon naman ay dulot ng pagdadalang-tao, ang mga sintomas ay kusa ring nawawala ilang buwan matapos makapanganak.

Pangangalay ng braso dahilan: selfie

Isa nga sa mga sinasabing dahilan ng pagkangalay ng braso ay ang pagse-selfie. Bilang mga magulang may magagawa tayo para maiwasan na mangyari ito sa ating mga anak. Paano maiiwasan ang pangangalay ng braso sa mga bata dahil sa pagse-selfie? Narito ang ilang paraan:

  • Limitahan ang oras ng paggamit ng smartphone: Turuan ang mga bata na huwag magtagal sa pagse-selfie upang maiwasan ang labis na strain sa braso at kamay.
  • Gamitin ang tamang posisyon: Ipaalala sa mga bata na gumamit ng selfie stick o humanap ng mas komportableng paraan sa pagkuha ng litrato.
  • Magpahinga sa gitna ng mga Selfie: Hikayatin ang mga bata na magpahinga pagkatapos ng ilang selfie upang mabawasan ang stress sa kanilang mga kalamnan.
  • Pagtuturo ng wastong gamit ng gadget: Bilang magulang, mahalagang turuan ang mga bata ng tamang ergonomics upang maiwasan ang pangangalay at posibleng injury.

Ang subtopic na ito ay nagbibigay ng practical tips para sa mga magulang na gustong maprotektahan ang kanilang mga anak mula sa pangangalay ng braso dulot ng pagse-selfie.

Pagkakaroon ng Carpal tunnel syndrome dulot ng pagse-selfie

Sintomas ng carpal tunnel syndrome

Maliban naman sa major symptoms nito na pangangalay ng braso at kamay, ang isang taong nakakaranas ng carpal tunnel syndrome ay maari ding makaramdam ng mga sumusunod na sintomas:

  • Pamamanhid o pananakit ng mga daliri ng pasumpong-sumpong. Madalas ang sakit ay mararamdaman sa thumb, index, middle at ring finger ngunit hindi sa little finger o hinliliit.
  • Pananakit o pamamanhid na nagmumula mula sa pulso paakyat sa braso hanggang sa balikat na mapapansing umaatake sa tuwing nagda-drive, may hawak na telepono o dyaryo. Ang sakit o pangangalay ay maaring gisingin ka sa iyong pagtulog.
  • Weakness o paghina ng kamay na kung saan maaring makalaglag ng bagay habang ito ay hinahawakan.

Bagamat mukhang minor injury lamang, ang carpal tunnel syndrome ay maaring lumala at mas tumagal o magpabalik-balik kung ito ay hindi magagamot at mabibigyan ng kaukulang lunas. Ito rin ay maaring makapagdulot ng permanenteng muscle damage na maaring makaapekto sa pag-function ng mga kamay.

Upang malaman kung ang isang pasyente ay positibong nakakaranas ng kondisyong ito, ang doktor ay kailangang magsasagawa ng medical exercise at test na kung tawagin ay EMG-NCV. Ito ay para masukat ang function ng mga ugat sa pagitan ng carpal tunnel.

Ilan naman sa maaring gawing lunas o treatment sa carpal tunnel ay ang sumusunod:

  • Madalas na pagbre-break o pagtigil sa activity na nakakapagdulot ng pananakit o pangangalay sa braso at kamay
  • Pagsha-shake sa kamay o pagbukas-sara sa palad para maexercise at ma-stretch ang mga daliri at pulso
  • Paglalagay ng splint sa pulso para mabawasan ang paggalaw o pagkakaroon ng pressure sa pulso
  • Pag-inom ng mga anti-inflammatory drugs para mabawasan ang pamamaga na ayon sa payo ng doktor
  • Pagdaan sa surgery o operasyon
pangangalay ng braso at kamay

Image from Freepik

Lunas para sa pangangalay ng braso at kamay

Bagamat walang proven na paraan para makaiwas sa carpal tunnel syndrome, maari namang gawin ang mga sumusunod upang mabawasan ang tiyansa ng makaramdam ng discomfort na maaring maidulot nito.

  • Bawasan ang pwersa sa paggamit ng kamay. Kung madalas na nagtatype o gumagamit ng cash register, pindutin ang mga keys ng mahina.
  • Madalas na mag-break at i-exercise ang mga kamay
  • Iwasang laging nakataas ang pulso sa braso. Kung nagtatype, iposisyon ang keybord na kalevel lang ng braso o mas mababa
  • Pagkakaroon ng maayos na posture o pag-upo ng tuwid
  • Pagpapalit ng computer mouse na dapat ay komportable sa iyo at hindi naaipit ang iyong pulso
  • Panatilihing mainit ang mga kamay. Mas makakaramdam ng pananakit kung nasa malamig na lugar. Maaring maglagay ng fingerless gloves para mapanatiling mainit o warm ang kamay at pulso.

Samantala, maliban sa carpal tunnel syndrome ay nakakapagdulot rin ng iba pang negatibong epekto ang sobrang pagseselfie sa buhay ng isang tao.

Dahil sa obsession na makakuha ng picture-perfect na litrato, maraming mga teen-agers ang nahihikayat na magpaplastic surgery para mas mukhang selfie-ready palagi. Ito ay ayon sa Boston Medical Center.

Isang pag-aaral naman mula sa the All India Institute of Medical Sciences sa New Dehli, India ang nakapagtala ng 250 na tao ang namatay sa buong mundo mula October 2011 to November 2017 dahil sa pagseselfie. Ang pinakamataas na porsyento nga nito ay mula sa India na sinundan ng Russia, US at Pakistan.

Kung nais i-massage ang iyong mga kamay, narito ang ilan sa mga ointment o langis na maaaring gamitin:

Efficascent Oil Regular

Efficascent Oil Regular | Efficascent Oil Pregnant

Features we love:

  • Relieves over all body tensions.
  • Safe for pregnant and lactating moms.
  • With antibacterial and antifungal properties.

Efficascent Relaxscent Oil

Efficascent Relaxscent Oil | Efficascent Oil Safe for Pregnant

Features we love:

  • Aromatherapeutic.
  • Convenient and on-the-go.
  • Can be inhaled safely.

Vicks Vaporub

Vicks Vaporub | Ointment for rashes

Features we love:

  • Relieves different ailments and rashes.
  • Helps on alleviating motion sickness.
  • Contains eucalyptus oil, menthol, and camphor.

 

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.