9-buwan baby patay matapos masakal sa kumot

lead image

Hindi dapat balewalain ng mga magulang ang panganib sa pagtulog na dala ng mga kumot, unan, at iba pang mga bagay sa kanilang mga sanggol.

Mahalagang panatilihin lagi ng mga magulang ang safety ng kanilang mga anak. Ngunit sinong magulang ba naman ang mag-aakala na mayroong panganib sa pagtulog ang mga sanggol?

Panganib sa pagtulog na dala ng kumot, hindi dapat balewalain

Ayon sa mga ulat, isang 9-buwan sanggol mula sa Afghanistan ang natagpuang patay habang nakahiga sa kama. Pinilit pa raw siyang gisingin ng kaniyang ina, ngunit wala nang buhay ang sanggol nang kaniyang nadatnan.

Napag-alaman na ang ikinamatay raw ng sanggol ay ang kaniyang kumot na aksidenteng pumulupot sa kaniyang leeg. Dahil dito, hindi nakahinga ang sanggol, nagkaroon siya ng cardiac arrest.

Kinumutan nila ang bata upang hindi lamigin

Ayon sa ina ng sanggol, binalutan raw niya ng kumot ang anak upang hindi lamigin. Itinali rin daw niya ang isang dulo ng kumot sa kanto ng kama upang hindi aksidenteng mahulog ang bata.

Ngunit sa halip na pangalagaan ang kaligtasan ay ang kumot pa mismo ang nagdala ng kapahamakan sa sanggol. Ito ay dahil nakita ng ina na nakasabit na lang ang kaniyang anak sa dulo ng kama, at nasakal ang leeg nito.

Dinala pa raw nila ang bata sa ospital, at sinubukan pang gamutin. Ngunit matapos ng ilang araw, ay hindi na kinaya ng sanggol ang pinsala, at siya ay pumanaw.

Dagdag pa ng kaniyang mga magulang, hinahanap raw ng kaniyang kapatid ang sanggol, ngunit hindi nila alam kung paano sasabihin sa anak ang nangyari.

Mahalagang safety tips sa pagtulog ni baby

Para sa mga magulang, heto ang ilang importanteng safety tips para siguradong ligtas ang inyong sanggol, kahit sa pagtulog.

  1. Dapat firm ang kanilang kama, at huwag maglagay ng mga laruan, o unan.
  2. Huwag manigarilyo sa paligid ng iyong anak.
  3. Huwag matulong na katabi ang iyong anak. Okay lang na magkasama sa kwarto, basta hiwalay ng kama.
  4. Mag-breastfeed hangga’t maaari.
  5. Siguraduhing kumpleto ang bakuna ni baby.
  6. Nakakatulong ang paggamit ng pacifier para makaiwas sa panganib ng SIDS.
  7. Iwasang mainitan si baby. Siguraduhing presko siya palagi.
  8. Huwag bigyan ng honey ang mga sanggol na 1 taon pababa.

 

Source: Khaleej Times

Basahin: Educate helpers and relatives about sleep safety to prevent SIDS!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!