Paolo Contis, sinabi na "lumalakas" daw siya matapos uminom ng breast milk ni LJ

lead image

Sarap na sarap si Paolo Contis habang iniinom ang breastmilk ni LJ Reyes na para sa kanilang newborn baby.

Nagpatawa na naman si Paolo Contis — hindi sa TV kundi sa pinakabago niyang video post sa Instagram na nagpa-laughtrip sa mga netizens.

Paolo Contis sarap na sarap sa paginom ng breastmilk ni LJ Reyes.

Image screenshot from Instagram video.

Sa naturang video ay maririnig na tinatanong ni LJ Reyes si Paolo Contis kung nakita niya ang Haakaa na ginagamit sa pagpa-pump ng breast milk niya para sa kanilang newborn baby. Busy na busy si Paolo sa kaniyang laptop at walang ideya kung ano ang Haakaa.

Maya-maya ay makikitang umiinom ng gatas mula sa isang bote si Paolo na according kay LJ ay ang hinahanap niyang Haakaa.

Nagulat si Paolo na inakalang bagong baso lang nila ang Haakaa na may gatas.

Natawa ito at sinabing “Breast milk ‘to? I’ve been breastfed for a week already? Kaya pala ang lusog ko” sabay pahabol na “Sarap ah!”

May caption nga ang Instagram video na ito ni Paolo na..

paolo_contis

ISANG PAALALA: Breastmilk is still best for babies up to 34 years old… 😂😂😂

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

ISANG PAALALA: Breastmilk is still best for babies up to 34 years old… 😂😂😂

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Tuwang-tuwa nga ang mga netizens sa newest antic na ito ni Paolo. Ang iba nga ay nagtatanong kung ano daw ang lasa ng breatmilk samantalang ang iba naman ay gustong ipa-try ito sa asawa nila para maging malusog din tulad ni Paolo.

realjaneiafran

Ano po lasa @paolo_contis since nung pinanganak po kasi ako di ako nakatikim ng breastmilk 😢

paulinehazelquiseo

Hahahahahahahahaha masarap naman di ba?

rhainne29

haha laughtrip pdn c idol kahit nsa bahay n.. 😄😄😄

joshanella

@battlejoshquiton2 pa! Gusto mo ba din i try? Pra mas malusog ka 🤣🤣🤣

san_shue

I’m addicted to your feed! Kakawala nang stress! The best! ❤️👍🏼😂

Nagpost din sa kaniyang Instagram stories si LJ Reyes ng isa pang eksena habang umiinom parin ng breast milk niya si Paolo Contis, this time mula mismo sa feeding bottle ng kanilang baby na kung saan inubos ni Paolo ang isang bote at sinabing, “Lumalakas ako.”

Paolo Contis ininom ang breastmilk ni LJ Reyes

Image screenshot from LJ Reyes Instagram stories

Ang breast milk na ininom ni Paolo Contis sa mga funny videos niya sa Instagram ay para sana sa newborn baby girl nila ni LJ Reyes na pinangalanan nilang Summer Ayanna.

Si LJ ay nagbigay silang sa kanilang baby Summer nito lamang January 5 na ibinahagi niya sa Instagram. Sa caption nga ng naturang niyang post ay sinabi ni LJ kung gaano ka-worth ang sakit na pinagdaanan niya para sa kaniyang baby girl.

lj_reyes

Ibinahagi rin ni Paolo ang hirap na pinagdaan ni LJ sa kaniyang Instagram sa pamamagitan ulit ng isang video. Sa caption ng video ay sinabi niyang dapat January 3 daw talaga lalabas ang kanilang baby Summer ngunit naging matagal ang pagle-labor ni LJ.

Sa isa pang Instagram post ay makikita ang panganay na anak ni LJ na si Aki sa actor na si Paulo Avelino habang hinahalikan sa pisngi ang kaniyang little baby sister. Sa caption nga ng post na ito ni LJ ay ibinahagi niya ang kaniyang fears at curiosity noong una sa kung paano mag-aalaga ng dalawang anak.

Ngunit ngayon ay naiintindihan niya na daw at nagpapasalamat sa bawat segundo ng bago niyang experience.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

My life❤️ – To be honest, I had this fear before on having another child. Iniisip ko it feels like time is so little to be spent on one child, what more on two? I was also curious how we can love another human being fully and unconditionally when you only have one heart? But now I understand what “you grow another heart” means! It doesn’t matter if you only have one heart! Your heart grows along with the number of children you have! You don’t love one more than the other. And you just can’t really explain it in words. You just feel it! I’ve been a mother of 2 for almost 3 weeks now! I’m grateful for every second of it in spite of the sleepless nights and all the postpartum experiences that come with it! I’m grateful to Aki who has been so understanding and loving the past weeks! You’re the best Ahya, my love!❤️ and yes, you too @paolo_contis you’ve been the best! At sa sobrang busy natin, wala pa tayong picture together!!!!😂😅

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on

In love na in love din si Paolo sa kaniyang baby girl, sa isang post niya nga sa Instagram ay sinabi niya kung gaano niya kagusto na laging kasama si baby Summer na muntik niya ng ipangsandok sa sabaw habang kumakain, biro niya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Gusto ko lagi kita kasama! Kaso delikado sa dining habang kumakain ako… muntik kita ipang sandok sa sabaw! 😳😂😳😂 #SummerAyannaContis #BabyContis2019

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Sa isa paring Instagram post ay makikita kung gaano kahands-on si Paolo sa kaniyang baby habang pinapaarawan ito. Nagbiro at nagsorry nga si Paolo sa kaniyang baby dahil sa nainitan daw ito kaya next time daw ay sa gabi na siya paaarawan. Sa parehong post ay tinawag ni Paolo ang kaniyang baby na “My Little Lion Queen.”

Napaka-supportive daddy nga ni Paolo na sinamahan pa si LJ sa first check-up at vaccine ng kanilang baby Summer.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Idinaan naman sa biro ni Paolo kung gaano daw nakakawala ng pagod ang pagkakaroon ng isang baby sa bahay. Lalo na kapag pinatong at yumakap na ito sa kaniya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Maliban sa newborn baby niya kay LJ Reyes ay may dalawang anak na babae rin si Paolo sa kaniyang ex-wife na si Lian Paz.

 

Sources: Inquirer, ABS-CBN News

Basahin: Placenta smoothie: Ano ang benefits nito para sa bagong panganak?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner