Words of Love: Para sa iyong asawa na malapit nang sumuko

Share this article with other moms

Iparamdam mong pinahahalagahan mo at mahal mo ang asawa mo sa pamamagitan ng mga simpleng katagang ito.

May mga araw na, kahit anong subukan mo, hindi mo man lang mapangiti ang asawa mo. Na-experience mo na ba 'to? Sa dami ng problema sa buhay, minsan mahirap talagang maging positibo. Minsan, o madalas, nararamdaman nating tila 'di tayo sapat para sa pamilya natin.

Sa mga panahon na hindi kayo magkasundo ng asawa mo o kapag nararamdaman mong gusto na niyang sumuko o bumitiw, maaaring makatulong ang mga salitang mag-eencourage sa kanila, kahit gaano ito ka-simple.

Iparamdam mo sa asawa mo na pinahahalagahan mo siya sa pamamagitan ng mga katagang ito.

1. "Salamat at napaka-sipag mo mag-trabaho."

2. "Isa kang lalaki/babae na may integridad."

3. "Naniniwala ako sa kakayanan mo."

4. "Isa kang kahanga-hangang tatay/nanay sa anak natin."

5. "Namamangha ako sa pagbabago mo."

6. "Kayang kaya mong lagpasan ang bawat pagsubok."

7. "Walang karapatan ang sinuman na maliitin ka."

8. "Nasa sa'yo ang lahat ng kailangan mo para magtagumpay."

9. "Huwag kang magmadali, one day at a time."

10. "Sobrang importante sa'kin ang opinyon mo."

photo: pexels

11. "Ikaw ay walang katulad at napaka-ganda/gwapo mo."

12. "Lagi akong may natututunan sa'yo."

13. "Wala ka nang dapat patunayan sa kahit sino pa man."

14. "Sobrang inspired ako sa tiyaga mo."

15. "Alam kong makakamit mo ang lahat ng hiling mo."

16. "Napaka-blessed ng mga anak natin dahil naging nanay/tatay ka nila."

17. "Napaka-talented mo."

18. "Walang kapantay ang ganda/kaguwapuhan mo."

19. "Mas napaganda mo ang buhay ko."

20. "Ngiti mo lang ay napapasaya na ko."

21. "Huwag mong i-doubt ang kakayanan mo."

22. "Napaka-blessed ko na ikaw ang napangasawa ko."

23. "Naniniwala ako sa kakayanan mo."

24. "Karapat-dapat ka sa lahat ng mabuti sa mundo."

25. "Tama ka."

26. "Napaka-importante mo sa kin."

27. "Tinuturing kong isang karangalan ang maging asawa mo."

28. "Nagtitiwala ka."

29. "Mahigit ka pa sa sapat para sa'kin."

30. "Mahal kita dahil sa kung sino kang talaga."

READ: 30 Ways to praise your child without saying ‘good job’

Be sure to check out ParentTown for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Marriage Marital Issues