Napakakulit at bibo ng anak kong panganay kaya hindi ko inaasahan na mabilis lang siya matututo magsulat. Isa rin akong working mom kaya hindi everyday ay nandyan ako para turuan siya.
Nagkataon lang noong mga time na ‘yon ay naka-work from home ako due to pandemic and at the same time, buntis ako sa pangalawang baby ko.
Ang ginawa ko that time, everyday gina-guide ko ‘yong hand niya sa pagsusulat ng name niya. You have to be patience lang talaga and with perseverance. Kasi sa iba-iba tutuon ang attention niya.
Mga two lines lang ng name niya sa papel ang sinusulat namin. Until such time na pakonti-konti, siya na mismo ang nagtatanggal ng kamay ko para siya ang sumulat mag-isa.
After one week, nakakabilib lang na parang naging madali na sa kanya ang ibang mga letter. He was just ask me kung paano gawin noong una, then gusto niya, siya na sa mga susunod ang magsusulat. After niya matuto magsulat ng name niya, naging madali na rin para sa kanya gawin yung mga line tracing and parang wala nang challenge sa kanya.
Sa pagtuturo na magsulat, you really have to be patient with your child dahil hindi naman sila pare-pareho ng kakayahan. May mga times na mahirap sila turuan dahil nadi-distract sila sa paligid nila and kasama na rin dito ‘yong ingay sa loob man ito ng ating tahanan or sa labas.
Kailangan lang natin sila kausapin at ituon ang atensyon sa pagsusulat. Pwede din natin sila kwentuhan and palawakin ‘yong imagination nila habang tinuturuan natin sila.
If you are a working mom like me isa na rin ito sa mga bonding natin with our child. Kaya enjoy natin ang mga moment na ito. Hindi natin kailangan daanin sa sigaw and palo para lang matuto sila. Marami naman alternate na paraan kung paano sila matututo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!