Pag-inom ng paracetamol, dapat daw iwasan ng mga nagbubuntis

lead image

Ayon sa ilang pag-aaral, isa sa mga paracetamol side effects sa mga buntis ay ang pagbaba ng IQ ng kanilang anak, at pagkakaroon ng ADHD.

Ayon sa isang pag-aaral, hindi raw mabuti sa mga nagbubuntis na ina ang uminom ng paracetamol. Ito raw ay dahil isa sa mga paracetamol side effects ay ang pagkakaroon ng mababang IQ, ADHD, o kaya naman autism para sa mga sanggol.

Paracetamol side effects sa mga buntis, mahalagang alamin

Ayon sa malawakang pag-aaral, na isinagawa ng iba't-ibang mga University sa US, hindi raw dapat umiinom ng paracetamol ang mga nagbubuntis. Napag-alaman ng mga researcher na ang paracetamol daw ay nakakaapekto sa balanse ng hormones sa uterus. Ang pagkakaroon ng imbalance na it ay nakakaapeko sa development ng mga sanggol habang nasa sinapupunan.

Bukod sa mababang IQ, ADHD, at autism, nagiging sanhi din daw ito ng pagkaantala ng pagsasalita.   

Nagiging mas matindi pa raw ang epekto nito kapag patuloy ang pag-inom ng paracetamol habang nagbubuntis. Posible daw na umabot sa 30% ang panganib na magkaroon ng ADHD ang bata at 20% naman pagdating sa autism.

Dapat bang umiwas sa pag-inom ng paracetamol ang mga buntis?

Ayon sa mga researcher, dapat daw umiwas ang mga ina sa pag-inom ng kahit anong gamot sa unang 3 buwan ng kanilang pagbubuntis.

Bukod dito, kung kinakailangan daw nila talagang uminom ng paracetamol, dapat ang pinakamababang dosage lamang, at huwag itong inumin ng pangmatagalan.

Kung maaari, huwag na lang daw uminom ng paracetamol habang nagbubuntis upang makaiwas sa mga paracetamol side effects.

Ang paracetamol ay isa sa pinakamadaling bilhin na gamot, dahil ito ay epektibo at hindi nito kailangan ng reseta. Kaya't mahalagang malaman ng mga ina ang posibleng panganib nito sa mga sanggol.

Kadalasan ay hindi napag-uusapan ang side effects ng paracetamol sa mga nagbubuntis dahil bihira din ang ginagawang testing ng gamot sa mga nagdadalang-tao. Kaya mahalaga sa mga ina na umiwas muna sa mga gamot kapag nagbubuntis, at magpakonsulta palagi sa kanilang doktor kapag sila ay iinom ng bagong gamot.

Ano ang mga ligtas na gamot para sa mga nagbubuntis?

Kapag nagbubuntis, kailangang maging mas maingat ang mga ina sa kanilang mga iniinom na gamot. Pero hindi rin naman palaging maiiwasan ang hindi magkasakit tuwing nagbubuntis. Kaya mahalagang alamin kung anu-ano ang mga safe at hindi safe na gamot.

Umiwas sa mga gamot tulad ng ibuprofen, aspirin, at sa mga herbal na gamot dahil makakasama ito sa iyong sanggol.

Kung ikaw ay sinisipon tuwing nagbubuntis, subukan munang uminom ng chicken soup, gumamit ng vaporizer o kaya ng steamer para mabawasan ang sintomas ng sipon.

Pagdating naman sa mga ligtas inumin na gamot, heto ang ilan sa mga ito:

  • Diphenhydramine
  • Pseudoephedrine
  • Loratadine
  • Zinc lozenges
  • Chloraseptic spray

Mainam pa rin na huwag uminom ng kahit anong gamot sa unang 3 buwan ng iyong pagbubuntis. Kung hindi ka sigurado sa iyong iinumin na gamot, magpakonsulta muna sa doktor upang sigurado kang safe ito sa iyo at sa iyong baby.

 

Source: Daily Mail

Basahin: Paracetamol can almost double the risk of asthma in children, warns study

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!