14 na magandang party venues sa Metro Manila

Anong mga lugar nga ba ang magandang pagdausan ng birthday party ng iyong anak?

Hindi na kailangang ma-stress sa paghahanda sa kaarawan nig inyong munting anghel. Ang listahang ito ng mga rekumendadong party venues sa Kalakhang Maynila ay siguradong makakabawas sa isang alalahanin ng mga excited, nguni’t nag-aalalang magulang.

Marami kasi sa atin ang walang malaking lugar sa bahay para sa isang party. Kundi naman ay ayaw nang gawin sa bahay ang handaan kasi mas marami pang aayusin at lilinisin, at minsan pa, tila’y walang katapusan ang party dahil nga naman nasa bahay lang. Mas nakakapagod, hindi ba?

Marami na ngayon ang mas gustong sa isang lugar na pang-bulwagan talaga gagawin ang party, lalo kung maraming bisita. Pasok sa budget ang mga ito. Ang iba naman ay para sa mga may inilaan na mas malaking budget para sa mas maraming katao. Ang mga nasa listahan ay ang mga siguradong maganda at malinis, at hindi mahirap i-book.

Tingnan ang listahan at kayo na ang bahalang pumili ng babagay sa pinaplano niyong handaan.

1. Alexa’s Secret Garden Resort

Kung kayo ay nasa bandang Marikina o Antipolo, ito ang lugar para sa inyo. Ang Alexa’s ay isang Filipino-inspired Home na may napakaganda at malawak na hardin, air-conditioned na party hall, at swimming pool sa bungad ng Antipolo, malapit sa Marikina. Maliit man o malalaking handaan, magiging di malilimutan ang pagdiriwang dito.

facebook: Alexa’s Secret Garden Resort
e-mail: [email protected]
telepono: +63 917 584 2706

2. Portico

Ang Portico ay nasa Verandas De San Vicente, sa likod ng Sanctuario de San Vicente, Tandang Sora, Quezon City. Ito ay isang air-conditioned na Function Hall para sa 100 hanggang 300 katao.

Website: Jardindemiramar.com
e-mail: [email protected]

Telepono: 788 0216; 0917 834 8921

3. Light of Love Events Place

Kung gusto naman ninyo ng outdoor venue, ang hardin ng Light of Love Events Place ang rekumendado. May 7 na function halls o bulwagan ang Light of Love. Ang The Garden at Cherish ay pawang mga bukas na lugar at nasa gitna ng hardin.

Mayroon silang 4 pang lugar na fully air-conditioned, at isa pa, ang Loyalty, na nasa gitna din ng hardin ngunit ang napapaligiran ng bintanang salamin kaya’t para ka pa ring nasa hardin lamang. Napapaligiran ang buong lugar ng mga puno, halaman, bulaklak, lagoon, water fountain at waterfalls. Isang paraiso, sabi nga ng mga nagparty na dito. Malapit ito sa Mandaluyong, Pasig, San Juan, Manila at Quezon City.

website: Lightoflove.com.ph
address: 1163 Santol St, Quezon City, Metro Manila, Philippines

photo: Light of Love facebook page

4. Northeast Greenhills Clubhouse

Ito ay nasa La Salle Street Northeast Greenhills San Juan City. Malaki at may mataas na kisame, na bagay sa mga magarbong dekorasyon. At dahil ito ay clubhouse, mas mura ito kaysa sa mga ibang lugar.

telepono: 726 0550

5. Acropolis Clubhouse

Sa bandang Eastwood o Libis naman, ang Acropolis ang matagal nang paboritong lugar para sa mga pagdiriwang. Ito ay nasa Atlas St,. Acropolis Subd., E. Rodrigues Jr. Ave., Quezon City. Isa rin itong Clubhouse na hanggang 200 katao ang kayang lamanin.

contact Number/s: 633-1937, 634-5057

6. 38 Valencia Events Place

Ito ay dating eskwelahan na itinayo ni Mother Lilly Monteverde, at dati ring bahay ni Ms Nora Aunor. Binago ang interyor at ginawang talaga namang elegante.

Ang 38 Valencia Events Place ay nasa Valencia St, New Manila, Quezon City. May hardin at napakagandang disenyo na tama lang ang laki para sa mas intimate man o magarbong handaan. Hanggang 200 katao ang kayang ma-accomodate.

website: Brideworthy.com/venues/38-valencia

photo: 38 Valencia events place facebook page

7. Discovery Suites

Sa bandang Ortigas, ang Discovery Suites ang sinasadya at paboritong pagdausan ng mga kaarawang ng maraming magulang dahil may Party Package na ang hotel. Nagsisimula sa 50 katao ang bisita. Masarap ang pagkain dahil chef ang nag-aasikaso, may magic show na, balloon arrangements, entertainment booth at ang pianakagusto ng pamilya ay ang libre nang overnight stay sa isang One-bedroom Suite na may kasama pang libreng almusal sa buffet ng Restaurant 5.

website: Discoverysuites.com
address: 25 ADB Avenue, Ortigas Avenue Ortigas Center, Pasig City
contact Person: Rachel Ramos683-8211

8. Greenmeadows Clubhouse

Napakaraming may gusto ng lugar na ito dahil madaling kausap ang management at maasikaso din sila. Hanggang 150 katao ang maaaring ma-accomodate. Sanay na sanay na rin sila sa mga malalaki man o maliliit na handaan. May open wi-fi pa ang lugar.

address: Warbler Street, Green Meadows, Quezon City

Telepono: 637-3311, 637-3399
facebook page: Greenmeadows Clubhouse

Pumunta sa next page para sa iba pang party venues!

9. Spaces sa Babyland

Nasa Mandaluyong din ang lugar na ito, na nasa ikalawang palapag ng dati pang tindahan ng Babyland. Sadyang pambata at pang kiddie party ang lugar, na ginawa ding child-friendly.

Para sa mas maliliit na handaan, kasya ang 50 kataong adults at hanggang 20 bata sa venue. Mayroon pang private lounge para sa pagpapasuso sakaling may sanggol, at tulugan na rin ng mga bata sakaling antukin o mapagod ang mga ito. May maliit na laruan (play area) din para sa mga batang hanggang 3 taong gulang.

address: 548 Facilities Centre, Shaw Boulevard, Mandaluyong

Telepono: 631-3371
e-mail: [email protected]

10. Palm Grove (The Rockwell Club)

Ang lugar ay may dalawang function hall: isang air-conditioned at isang hardin. Maliwanag at maaliwalas, ito ang piling lugar ng mga taga-Makati at Mandaluyong. Ang indoor venue ay para sa hanggang 170 katao, at ang hardin ay para sa hanggang 50 katao.

website: theRockwellclub.com
address: The Rockwell Club, Amorsolo Square, #23 Amorsolo Drive, Rockwell Center, Makati City, Philippines
telepono: 897-8310

Palm Grove, Rockwell Club (photo: My Balloon Room facebook page)

11. Blue Shade (The Rockwell Club)

Ang The Blue Shade ngayon ay mayroon nang Gymboree, isang educational at recreational facility para sa mga batang hanggang apat (4) na taong gulang. Ang Gymboree ay isang global leader sa mga programang para sa early childhood development.

Kaya’t kung ang party na inyong gusto ay may benepisyong pang-edukasyon, aktibo, may musika, gym play, ito ang magandang venue ng inyong party. Ang lugar ay nasa tabi Rockwell Club pool. Hanggang 70 katao ang pwedeng maging bisita.

address: Amorsolo Square, #23 Amorsolo Drive, Rockwell Center, Makati City, Philippines
telepono: 8978310; 7981700 local. 1718 / 798-1718

12. Cupcakes by Sonja – Serendra

Para sa mga mahilig naman mag-bake o mahilig sa cupake, isang ang Cupcakes by Sonja ay may package para sa mga maliliit na pagdiriwang kung saan pwedeng mag-decorate ng cupcake ang mga bata. Mayroon silang maihahandang para sa 15, 30 at 50 katao. Napakaganda pa ng lugar.

website: CupcakesbySonja.com
address: 1C03 G/F Serendra Fort Bonifacio Global City, Taguig, Metro Manila
telepono: (632) 915-2936

photo: Stacy’s Facebook page

13. Stacy’s

Ang lugar na ito ay isang intimate na diner para sa buong pamilya. Isang restaurant at paboritong venue para sa mga events at kaarawan ang Stacy’s. Mayroon din silang buong party package na maaaring ihanda para sa mga gustong magdiwang ng kaarawan. Mayron silang dalawang lokasyon: sa Capitol Greenstreet, Quezon City at Forbes Town Center, BGC!

telepono: 952-6843 (Capitol Hills); 555-0140 (Fort/BGC)
address: Capitol Greenstreet, Capitol Hills, Q.C. at Rizal Drive Bonifacio Global City
facebook page: https://www.facebook.com/stacys.resto

14. Fun Ranch

Ang lugar na ito ay sadyang para sa mga pagdiriwang at para sa mga bata. Kumpleto ang amenities. Pambata ang magarbong dekorasyon na para kang nasa isang farm. Mayroon silang Birthday Club para sa mga batang edad 1 hanggang 11 taon. May mga party rooms sa Fun Ranch: ang Big Red Barn, Blue Whale Grill, Rainbow Room at Playdium. Mayron silang 3 lokasyon: Ortigas, Alabang, at Pampanga. Mayrong indoor play place, rides, mga tindahan, at pagkain.

website: http://kidsrulehere.com/ 

ORTIGAS

Frontera Verde Ortigas Ave. Cor. C5, Pasig City
Telepono: +632 7063029, +632 7063019, +632 687-2870
Mobile: +639189173985 (SMART); +639175183997 (GLOBE)

ALABANG
Westgate Center Filinvest, Alabang, Muntinlupa
Telepono: +632 836-9387 Mobile: +639178474619 (GLOBE); +639228597286 (SUN)

PAMPANGA
Paseo Las Palmas Building, Jose Abad Santos Ave. (JASA), San Fernando, Pampanga
Mobile: +639274368837 (Globe); +639228597287 (Sun)

Ilang payo at dapat isaalang alang sa pagpili ng lugar para sa espesyal na araw na ito:

1. Lokasyon. Malapit ba sa iyo? Madali bang marating o puntahan? Sa mga bisitang iimbitahin mo? May parking din ba?
2. Kapasidad. Kasya ba lahat ng bisita? Marami bang bata, o mas marami ang adults? May laruan ba sakaling may mga imbitadong mas maliliit na bata?
3. Availability. Teka, bago ka magdesisyon, tumawag ka na ba at siniguradong wala
silang commitment sa araw na gusto mo? May deposito ba?
4. Budget. Ito ang pinakamahalaga. Ito ang basehan kung kakayanin ba ang gusto mong lugar o venue. Tandaan, mas mahalagang mailagay ang malaking budget sa pagkain, higit sa lahat, kaysa sa lugar.

Sana makatulong ito upang magkaroon kayo ng masayang celebration!

BASAHIN: Gawing stress-free ang birthday party: Mga magaling na party planner sa Metro Manila