Paano disiplanahin ang ‘pasaway’ at sensitibo na bata na ayaw talagang makinig?

Share this article with other moms

Alamin kung paano mo puwedeng i-approach ang pag-disiplina sa isang "strong-willed" na anak na tila ayaw talagang sumunod kahit anong gawin mo

Minsan, sa kagustuhan nating lumaking masunurin ang mga anak natin, nakakalimutan na natin balansehin ang pagiging strikto natin. Paano nga bang madi-disiplina ang bata na hindi naman sumosobra? Karaniwan kasi, kapag lalo tayong nagiging mahigpit sa kanila, tsaka sila nagrerebelde.

Bilang magulang, ikaw ang nakakaalam ng makabubuti sa anak mo pero hindi rin naman makakasama na mag-aral at tumanggap ng payo mula sa pamilya, kaibigan, at mga eksperto.

Ayon kay Dr. Maureen Healy ng Psychology Today, maaaring ang pagiging "pasaway" ay dulot lang ng pagiging sensitibo nila. Ang pagiging "strong willed" ay hind naman laging masama. Sabi nga ng iba, nag-aadjust lang ang mga anak natin sa pagiging independent, isang natural na parte ng development nila.

Naranasan niyo na bang mag-tantrums ang anak niyo dahil sa simpleng ayaw nila sumunod? Maraming magulang na makaka-relate dito, sigurado ako. So paano mong iha-handle ito?

stubbornness can lead to success

photo: dreamstime

Narito ang payo ni Dr. Healy.

1. Ipakita mong kakampi ka nila

Nagre-respond ang mga anak mo sa mood, tono ng boses, at pag-uugali mo. Kung sasabihan mo lang sila, dinidistansya mo ang sarili mo imbis na maramdaman nila na suportado mo sila. Iparamdam mo sa kanila na magkakampi kayo at gusto mo lang siyang mapabuti kaya mo siya pinagsasabihan. Ipaalala mo sa kanya ang mga sinasabi ng mga magulang natin noon pa man: ang pag-didisiplina ay isang paraan na ipakita ng magulang ang kanilang pagmamahal.

2. Maging bukas sa negosasyon

Tanungin mo muna siya. Bakit ka naiinis? Paano kita matutulungan? Anong kailangan mo? Sa paraang ito, nae-empower ang bata at hindi nila nararamdamang hindi sila pinahahalagahan. Tulad ng pagpapakita na kampi kayo, ang pag-negotiate ay isang epektibong paraan kung saan matuturo mo sa anak mo ang mga "social skills" at pag-explain ng emosyon nila, isang importanteng parte ng paglaki nila.

3. Iparamdam mo na naniniwala ka sa kakayanan nila

Ang mga batang sensitibo sila ay madaling maapektuhan ng mga salita at gawa ng magulang nila. Halimbawa, kung hirap sila sa math, huwag mo silang pagalitan agad. Imbes, hanapin mo ang "strengths" nila para tumaas ang self-confidence nila. Kunwari sabihin mo, "Mahirap din ang math, kahit ako nahihirapan sa math pero huwag kang mag-alala magaling ka sa reading at kakayanin mo din ang math."

Bilang magulang, responsibilidad mo ang habaan pa ang pasensya lalo na kapag ayaw talagang mahirap turuan ang mga anak mo. Pero sa tiyaga at pagmamahal, maipapakita mo sa kanila na kahit ano man ang mangyari, nasa tabi ka nila sumusuporta at umiintindi sa kanila, kakampi at kaagapay nila habang buhay.

READ: 7 Natural behavioral traits in kids parents mistake for being pasaway

Be sure to check out ParentTown for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Discipline Family Life Discipline tips