Laking pasasalamat ng isang single dad dahil nagawa niyang maglaan ng mahaba-habang oras para sa kaniyang anak nang pagkalooban siya ng kompanya kung saan siya nagtratrabaho ng 8 weeks paternity leave.
Dads are caregivers too: 8 weeks paternity leave para sa mga tatay
Isang empleyado ng Procter & Gamble (P&G) ang nagbahagi ng kaniyang karanasan bilang isang ama at kung paano nakatulong ang kompanya sa kaniyang parenthood.
Si Caloy Ignacio, Director for Source-Plan Pay ng operations department ng P&G ay isang single dad simula nang i-adopt nito ang kaniyang pamangkin nang pumanaw ang ina nito na kapatid niya.
Ayon kay Caloy, kahit na inampon niya lang ang kaniyang pamangkin na ngayon ay anak na niya, binigyan pa rin siya ng leave benefits ng kompanya.
“P&G has rolled out a policy called Share the Care which allows for a minimum of 8 weeks of fully paid parental leave even for adoptive parents. This gave me more time to spend with my daughter and fully devote myself to her as her Dad.”
Sa batas ng Pilipinas mayroon ding paternity leave na ibinibigay sa mga tatay pero pitong araw lamang ito. Ayon sa Republic Act 8187 ang lahat ng lalaking empleyado ay entitled sa 7 days paternity leave with full pay. Habang sa P&G, 8 weeks ang kaloob ng kompanya para sa mga ama.
Dagdag pa ni Caloy, madali lang i-claim ang paternity leave sa kanilang kompanya.
“It was a quick conversation. We just had to plan the timing and how I intended to use up my paternity leave. Opted to go the whole of 8 weeks vs spreading it across the 18 months.”
Na-enjoy naman daw ni Caloy ang kaniyang paternity leave dahil nagkaroon siya ng mas maraming oras para sa kaniyang anak. Nagawa nilang magkaroon ng quick family trip sa Bohol. At nagawa rin niyang ihatid at sunduin ang kaniyang anak sa eskwela.
“It was the small simple things which brought a lot of memories. Waking up together, staying in bed longer to read a book before breakfast. Seeing her wave back as I send her to school. And seeing her excited to see me and calling me out loud when I pick her up in school.”
Procter & Gamble, Moneymax