Paano nga ba ima-manage ang screen time ng iyong anak?

lead image

Mga ilang paraan kung paano mapapatnubayan ang mga bata o ang inyong mga anak sa kanilang paggamit ng digital media o ang kanilang screen time.

Kung nagpapaisip ka kung kalian ka maguumpisa ng parental control para malimitahan ang iyong anak sa kanyang screen time lalo na sa kanyang access sa teknolohiya, well ito ang pinakamagandang time para umpisahan ang pag-monitor dito.

Marahil marami na nga parental control apps ngayon sa phones at ibang digital device, para sa mga young children ang average ng kanilang screen time ay two hours per day. At sa mga oras na iyon, depende sa edad at oras na nasa computer o smartphone, ang mga bata ngayon ay may abilidad na malusutan ang digital parental control limits na mga naka-install sa device nito at dahil ditto sila mismo nasasaksihan nila ng di sinasadya ang mga bagay na may kinalaman sa self-harm, porn, clinical problems tulad ng eating disorders, at marami pang iba na pwedeng sila mismo maisip na disturbing ito. Nagshe-share din sila madalas ng kanilang personal information sa social media na maaaring ma-circulate at pwedeng mag-serve na another source ng pangbu-bully.

Perfect storm ika nga nila na ang mga bata ngayon ay may open access na sa digital media at gawin ang mga gusto nilang gawin, sa kabilang banda naman ang mga parents naniniwala sila na walang problema rito at things are under control nga raw.

Sa lawak ng digital media hindi ito ma-label ng “good” o “bad,” sapagkat maaari itong pareho o isa sa kanila. Tulad na nga lamang na alam natin sa pag-view ng mga agresibong bidyo games marahil mag-increase ang aggressive behavior ng mga tao na nagvi-view sa mga ito. Sa kabilang banda ang pag-access sa digital media ay nakakatulong din sa educational at school activities, at syempre sa future job opportunities. In the end, ang mga bata ngayon ay hindi lang kailangan ang access sa digital media at mga bagong mundong pwede nitong buksan sa bawat isa, kundi dapat competent ka rin sa paggamit nito.

Hindi mo tuluyang maiaalis ang iyong anak sap ag-access sa lahat ng digital media o kanyang screen time, pero kung sa tingin mo ay problema na ito sa inyong tahanan, may mga ilang paraan upang ma-practice ang parental control.

Paano limitahan ang screen time?

Marami na ngayon sa mga bata ay matagal na ang screen time, matagal sa gabi, meron din namang mas matagal sa umaga lalo na kapag weekends. Ito ngang mga batang ito ay mahirap na tawagin sa hapagkainan kapag sobrang busy na nila sa kanilang mga smartphones o tablets. Okay lang naman sa ganitong mga kaso na limitahan na ang oras nila lalo na kung ginagawa na nilang buhay ‘yon at hindi na nakikipag-usap sa ‘yo o sa iba o di kaya naman hindi na nakain. Paano ilugar ang mga restriksyon—marahil gamit a parenting control app o pagmo-monitor mismo sa kanila ay napaka-importante. Ang mga authoritarian approaches at arguments naman sa pag-control ng screen time ay maaaring epekto nito ang backslash sa kanila mga ank. Siguro ay i-try mong ipaliwanag sa kanya ng mahinahon, pero huwag mo masyadong ipre-pressure o kaya naman walang use of harsh reprimands. Pero pakatandaan kahit na malimatahan moa ng oras ng screen time ng anak mo sa phone, computer, o tablet, medyo mahihirapan ka pa rin i-achieve ang complete control.

1. I-assume mo na skilled ang anak mo

Lalo na sa mga may content blocking na mga sites, assume mo na skilled ang anak mo. Bakit? Marahil mas marami pa silang alam na tricks sa iyo sa makabagong teknolohiya, o pwede ring natulungan ng mga kaibigan.

2. Mag-spend ng time kasama ang anak

Kung gusto mo ring ma-monitor ang anak mo, mag-spend ka ng time kasama siya gamit ang computer, tablet, o smartphone, o kung ano mang gamit niya para matulungan kang i-establish na hindi lang siya solitary activity. Marahil maglaro ng joint game, manood ng movie magkasama, gumawa ng creative project, kumuha ng new hobby o topic o interes (tulad ng sport, art, game, music, at iba pa), at mag-spend ng time na ginagawa ang mga ito online. Gawin itong masaya at engaging—marahil huwag munang gumamit ng mga eksam or quiz sa mga oras na ito. Ideally, hayaan mong pumili ng topic ang iyong anak pero siyempre ikaw pa rin ang final say.

3. Mag-anticipate

I-anticipate mo na kapag ang iyong anak ay prone sa aggressive behavior o anxiety, ang mga content ng kahit anong bidyo games o kahit anong material online maaaring mas maging worse ang behavior na ito. Tulad na nga lamang na kanyang anxiety at fear na common in early childhood, maaaring lumala lalo na kapag devoted sa screen time sa mga traumatic o events na may mga terrorist acts, violence, death, at kung ano pang hindi magandang behavior.

4. Tandaan na ang pag-explain ay hindi sapat

Usually ang mga parents ini-inform lang ang mga anak tungkol sa mga danger na dulot ng more screen time at nagkakaroon naman ng verbal understanding ang both sides pero mas maganda kung i-explain thouroughly sa anak—hindi lang siguro yung mga danger pati na rin ang mga benefits ng less screen time.

5. I-monitor ang screen time ng iyong toddler o adolescent

Ang pag-monitor sa inyong mga anak ay makakatulong sa kung ano ang pwedeng makuha nilang mga ugali online na ayaw mong makuha nila, pero hindi naman yung sobrang pag-uusisa na. Basta keep track lang kung ano ang ginagawa ng iyong anak at kung sino kasama.

6. Maging magandang halimbawa

Bilang isang nakatatanda, maging magandang halimbawa sa inyong mga anak kung paano gumamit ng mga smartphone o tablet online at siyempre kung maaari limitahan din ang iyong screen time.

Samakatuwid, ang digital media ay talaga nga naman nagdadala sa mga magulang ng mga bagong pag-aalala at concern pero good reason naman. Pero tandaan kung magiging magandang impluwensya at halimbawa ang mga magulang magiging positibo din ang reaksyon ng inyong mga anak sa paggamit ng digital media.

 

Source: Time

Basahin: Too much screen time damages the brains of young children

[tap-poll id=43707]

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!