Masama ba sa vagina ang hindi pagtatalik ng matagal?

Masama ba sa vagina ang hindi pagtatalik ng matagal?

Ating alamin ang mga facts at myths pagdating sa pepe ng babae, at kung may masama bang epekto dito ang hindi pakikipagtalik.

Maraming mga benefits ang sex o pakikipagtalik para sa mga mag-asawa. Nakakatulong ito para maging mas intimate sila sa isa't-isa, at nakakatulong rin ito para bumuti ang kalusugan ng mga mag-asawa. Pero paano kung matagal nang hindi nakikipagtalik ang isang babae? Mayroon bang masamang epekto sa pepe ng babae ang hindi pakikipagsex?

Ating aalamin ang kasagutan sa mga tanong na iyan, at kung ano ang magandang paraan para mapanatiling healthy ang pepe ng babae.

Masama ba sa pepe ng babae ang hindi pakikipagtalik?

Isang sikat na urban legend tungkol dito ay magsasara raw ang vagina ng babae kapag hindi siya nakipagsex ng matagal. Ang sabi naman ng iba ay posible raw na tumubo at bumalik ang hymen ng isang babae.

Parehas na walang katotohanan ang mga kwentong ito, at walang kahit anong masamang epekto sa vagina ng baba ang hindi pakikipagtalik.

Ito ay dahil naglalabas naman ng mga hormones ang katawan ng babae na pinapanatiling flexible at moisturized ang vagina ng babae. Ibig sabihin, hindi kailangang makipagsex ng babae upang magkaroon ng malusog na vagina.

Ngunit kapag nagsimula nang magkaroon ng menopause ang isang babae, posibleng lumiit ng kaunti ang butas ng vagina. Pero dahil ito sa pagbaba ng levels ng estrogen sa katawan.

Isa ring epekto ng hindi pakikipagsex ang pagbaba ng libido o sex drive ng isang babae. Posibleng mas matagal ka ma-arouse kapag matagal kayong hindi nagtalik ng iyong asawa.

Nakakatulong rin naman ang sex sa kalusugan ng iyong vagina

Minsan, hindi sapat ang natural na proseso ng katawan upang mapanitili ang kalusugan ng vagina.

May mga pagkakataon kasing nagiging masyadong dry ang vagina, at hindi ito komportable para sa mga babae. Sa mga ganitong pagkakataon, nakakatulong ang pakikipagsex, o kaya masturbation para ma-moisturize ang vagina.

Nakakatulong rin ang regular sex para tumaas ang sex drive ng isang babae, at nakakatulong rin sa flexibility ng vagina.

Tandaan, mahalaga ang sex sa buhay ng mga mag-asawa. Pero hindi naman dapat ikatakot ng mga ina kapag matagal na silang hindi nagtalik ng kanilang asawa, lalo na kung sadyang walang paraan o panahon para gawin ito.

 

Source: Health

Basahin: Not enough sex? This is what happens to your vagina

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner