Philippine Holidays 2019: Mga araw na walang pasok ngayong darating na taon

lead image

Planuhin na kung paano mo gagamitin ang mga Philippine Holidays ngayong 2019!

Papatapos pa lang ang taon ngunit puwede ka nang mag-plano ng bakasyon o mag-book ng susunod mong biyahe sa loob o labas man ng bansa. Dahil ito sa Proclamation No. 555 o ang pormal na pag-anunsiyo ng mga Philippine holidays 2019.

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/12/new years day 3683748 960 720.jpg Philippine Holidays 2019: Mga araw na walang pasok ngayong darating na taon

May sampung regular holidays at may siyam na special non-working days ang nakatala ngayong 2019. May anim na holidays naman ang mag-fa-fall sa long weekend na perfect para sa bakasyong grande na iyong hinihintay.

Ang anim na holidays na ito ay ang sumusunod:

  • Ang Edsa People Power Revolution Anniversary na inaalala tuwing February 25 na babagsak sa araw ng Lunes ngayong 2019.
  • Ang pagninilay sa Holy Week na mula April 18 hanggang 21, Huwebes hanggang Sabado.
  • Ang pag-aalala sa ating mga bayani tuwing National Heroes Day August 26 araw ng Lunes ngayong 2019.
  • Ang pag-aalala sa ating mga yumao o All Saint’s Day tuwing November 1, araw ng Biyernes.
  • Ang araw ng ating pambansang bayani o Rizal Day tuwing December 30 araw ng Lunes.
  • At ang pinaka-aabangang pagsalubong sa bagong taon o ang New Year's Eve December 31, araw ng Martes.

Samantala, ang proklamasyon naman ng pag-alala sa Eid’l Fitr at Eidul Adha ay iaanunsiyo matapos malaman kung kailan ang eksaktong selebrasyon nito ngayong 2019 na naka-base sa Islamic Calendar ng ating mga kapatid na Muslim.

Para sa mas detalyadong araw ng walang pasok ngayong 2019, narito ang lista ng Philippine Holidays 2019.

Philippine Holidays 2019

Regular Holidays

Regular Holidays o ang mga araw na walang pasok. Ang mga mangagawa na papasok sa mga regular holidays ay dapat makatanggap ng 200% ng kanilang suweldo o double pay.

January 1 (Martes) - New Year's Day

April 9 (Martes) - Araw ng Kagitingan

April 18 (Huwebes) - Maundy Thursday

April 19 (Biyernes) - Good Friday

May 1 (Miyerkules) - Labor Day

June 12 (Miyerkules) - Independence Day

August 26 (Lunes) - National Heroes' Day

November 30 (Sabado) - Bonifacio Day

December 25 (Miyerkules) - Christmas Day

December 30 (Lunes) - Rizal Day

 

Special Non-Working Days

Special non-working days o ang mga araw na may inaalalang espesyal na event ngunit ang pagdedeklara kung may pasok o wala ay nakadepende sa ating Presidente. Ang sinumang mangagawa na papasok sa araw na special non-working day ay dapat namang makatanggap ng 130% ng kaniyang isang araw na suweldo.

February 5 (Martes) - Chinese New Year

February 25 (Lunes) - EDSA Revolution Anniversary

April 20 (Sabado) -  Black Saturday

August 21 (Miyerkules) - Ninoy Aquino Day

November (Biyernes) - All Saints' Day

December 8 (Linggo) - Feast of the Immaculate Conception of Mary

December 31 (Martes) - last day of the year

 

Karagdagang special non-working days:

November 2 (Sabado)

December 24 (Martes)

Kaya ano pang hinihintay niyo? Maari na kayong mag-book ng inyong bakasyon at samantalahin ang Philippine Holidays 2019 upang mas maging close sa inyong pamilya at minamahal.

 

Sources: Philstar, Official Gazette, CNN Philippines

Photo: Pixabay

Basahin: Traveling to Seoul with kids: getting there, where to stay, what to do

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!