Babala ng DoH: Polio maaaring maging mapanganib muli
Nanunumbalik ang pangamba sa polio, ayon sa DoH. Alamin kung paano ito maiiwasan at kung kailan dapat mabigay ang polio vaccine sa bata.
Ang polio ay nakamamatay at nakakalumpong na sakit na nakukuha sa karumihan ng kapaligiran. Ito ang panghihina ng muscles ng katawan na dulot ng poliovirus. Ayon sa Department of Health (DoH), ang pinaka-mabisang panlaban dito ay sa pamamagitan ng polio vaccine.
Mula pa noong Oktubre taong 2000, ang Pilipinas ay nadeklara nang polio-free. Gayunpaman, maaari itong muling maging mapanganib at kumalat kung hindi magpabakuna ang mga bata. Ang bilang ng mga bata na tumatanggap ng ika-tatlong dose ng Oral Polio Vaccine (OPV) ay naiulat na bumaba ng 95%. Kasabay nito, ang pagbabantay sa Acute Flaccid Paralysis ay hindi na nasunod at ang karumihan ng kapaligiran ay lumalala.
Nagbabala ang DOH tungkol sa hindi pagbigay ng polio vaccine sa mga bata
Nababahala and DoH secretary na si Secretary Francisco Duque III sa muling pagkalat ng polio sa bansa. Kanyang ipinaliwanag na may mga kalapit na bansang mayroong mga naitatalang kaso ng polio. Dahil dito, maaari ring muling makapasok ang poliovirus at magkalat sa mga mamamayan at kapaligiran.
Ayon sa kanya, ang pinakamabisang solusyon upang mapanatiling ligtas sa polio ang bansa ay ang bakuna at pagiging malinis sa kapaligiran. Kanyang inuudyok ang mga tao na maging mapagmatyag sa mga senyales ng polio at maging malinis sa kapaligiran.
Ang pagtanggap ng bakuna sa polio ay hindi lamang para hindi magkasakit ang bata. Iniiwasan din nito na kumalat ang sakit sa iba pa na maaaring maging sanhi ng epidemya.
Mayroon nang plano ang DoH upang mapanatiling ligtas sa polio ang Metro Manila. Kabilang sa mga planong ito ang pagbabantay sa kalagayan ng mga bata na may edad 5 taong gulang pababa. Pinapatibay din nito ang kampanya laban sa polio sa mga batang nasa edad na ito. Nagsimula sa Manila ang pagbibigay ng immunization sa polio nuong kalagitnaan ng Agusto. Kasunod nito ay ang National Capital Region (NCR) na susundan ng iba pang mga rehiyon.
Humingi rin ng tulong ang DoH sa mga lokal na pamahalaan sa pananatili ng kalinisan ng kapaligiran. Nais nitong ipagtibay ang programang Zero Open Defecation. Ipinapaalala rin ng DoH na hindi parin ligtas na languyan ang Manila Bay.
Kailan dapat ibigay ang vaccine na ito?
Ang OPV ay maaari nang ibigay sa bata sa edad na 6 linggong gulang. Ito ay isang gamot na maaaring ipa-inom sa mga bata. 3 beses ito dapat isinasagawa kung saan bawat dose ay may pagitan na 4 na linggo. Makakabuting maibigay ito agad dahil masmadaling kapitan ng sakit ang mga sanggol dahil sa hindi pa matatag na immune system.
Ang pagbibigay ng OPV sa mga bata ay maaaring magdulot ng mga side effects. Kusa ring nawawala ang mga ito at hindi dapat ikabahala. Kabilang sa mga ito ang:
- Pananakit ng pinaglagyan ng bakuna.
- Pamumula malapit sa pinaglagyan ng bakuna.
- Lagnat.
Maaari ring magkaroon ng allergic reaction mula sa gamot. Kadalasang lumalabas agad ang mga ito ilang minuto o oras matapos bigyan ng bakuna. Kabilang sa mga ito ang:
- Pagpapantal
- Pangangati
- Pamumutla
- Pagbaba ng blood pressure
- Pamamaga ng lalamuna o dila
- Hirap sa paghinga
- Mabilis o mahinang pulso
- Pamamaga ng mukha o labi
- Pagkahilo
- Pagsusuka
- Pagkawala ng malay
Ang OPV rin ay nauugnay sa paralytic poliomyelitis. Ito ay ang pagkaparalisa na maaaring maging side effect ng bakuna. Ganunpaman, ang side effect na ito ay nakukuha lamang ng isa sa 3 milyong doses. Dahil dito, kinikilala parin na ligtas ang OPV.
Ipinapaalala ng DoH ang halaga ng kumpletong pagbakuna sa mga bata. Mahalaga ito upang mapanatili silang ligtas sa mga maaaring iwasan na sakit.
Source: DoH, Healthline
Basahin: Polio: Nearly eradicated but still paralyzes children worldwide