Nasa tamang timbang ba si baby bago ipanganak?

lead image

Ang tumataas na insidente ng obesity ay isa rin sa mga dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga ipinapanganak na overweight baby sa buong mundo.

Kung ikaw ay updated sa social media, malaki ang tiyansa na nabalitaan mo na rin ang ilang sanggol na ipinanganak na sobrang laki o oversized sa iba’t-ibang panig ng mundo. Habang natutuwa tayo sa kanilang pagiging cute at hindi normal sa tamang timbang ng baby, hindi ito dapat ipagsawalang-bahala. Ang mga sanggol na ipinanganak na overweight ay may potensyal na lumaking may problema sa timbang at iba pa.

Ang pagiging malaki at overweight ng baby ay hindi sign ng good health

Kadalasan, ang mga bagong panganak na sanggol ay kinokonsiderang overweight o sobrang bigat kapag tumimbang sila ng 10 lbs o higit pa pagkapanganak. Iniisip ng ibang mga magulang na mas mainam ang pagkakaroon ng malaking sanggol dahil nangangahulugan ito sa kanila na malusog at well-developed ang kanilang anak.

Subalit, hindi ito laging nangangahulugan ng ganoon. Katulad ng mga sanggol na ipinanganak na sobrang liit, mayroon ding mga problema na maaring magkaroon ang mga overweight na baby. Sa mismong pagkapanganak sa kanila, maari silang magkaroon ng shoulder dystocia.

Ang shoulder dystocia ay nangyayari kapag masyadong malapad ang mga balikat ni baby para magkasya sa pelvic bone ng kanyang ina. Dahil dyan, maaaring mabali ang mga buto sa balikat ng baby at dumanas ang ina ng matinding trauma at pagkapunit bilang resulta.

tamang timbang ng baby

Kadalasan, ang mga bagong panganak na sanggol ay kinokonsiderang overweight o sobrang bigat kapag tumimbang sila ng 10 lbs o higit pa pagkapanganak. | Image source: Twitter

Kalusugan ng nanay

Bagaman may mga overweight na sanggol na normal naman ang vital signs pagkapanganak, ang mga obese na sanggol naman ay may mataas na tiyansa na magkaroon ng obesity at cancer sa kalaunan. Maaari rin silang magkaroon ng problema sa kanilang development habang sila ay lumalaki.

Ang Gestational diabetes o ang pagkakaroon ng sakit na diabetes habang nagdadalang-tao ang ina ay isa rin sa mga pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng overweight na sanggol. Ang mataas na blood sugar level ng ina ang mas lalong nakakapagpalaki sa kanyang baby dahil sugar ang isa sa mga pinakamahalagang bahagi sa development ng isang fetus.

Lumilitaw ang problema ng mga overweight baby kapag naipanganak na ang mga ito. Bumababa ang kanilang blood sugar pagkapanganak dahil nasanay ang kanilang katawan sa sobrang taas ng sugar na nakukuha nila mula sa sinapupunan ng kanilang ina. Nangangailangan sila ng mahigpit na pagbabantay upang ma-monitor ang lebel ng kanilang blood sugar.

Kailangan din ng mga ina na kumain ng mga masustansyang pagkain at mag-ehersisyo kahit na sila ay nagdadalang-tao dahil ang estado ng kanilang kalusugan ay direktang nakakaapekto sa kalusugan ng kanilang mga sanggol sa sinapupunan. Ang tumataas na insidente ng obesity ay isa rin sa mga dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga ipinapanganak na overweight baby sa buong mundo.

Ano ang dapat gawin ng mga nanay para mapanatili ang tamang timbang ng baby?

Bagaman may ilang kaso ng panganganak ng overweight baby na hindi naiiwasan, may mga hakbang na dapat gawin ang mga ina upang masiguro na malusog nilang maipapanganak ang kanilang baby, anuman ang maging laki o timbang nito.

  1. Kumain ng masustansyang pagkain. Sa mga buntis, ang kalusugan ng inyong baby ay nakadepende sa nutrisyon na maibibigay ng inyong katawan.
  2. Mag-ehersisyo! Importante ang pag-eehersisyo kahit na ikaw ay buntis. Maaari kang kumonsulta sa iyong doctor upang matulungan ka sa uri ng ehersisyo na dapat mong gawin nang sa gayon ay mapanatili mo ang hubog ng iyong katawan. Nakasalalay ang kalusugan ni baby sa kalusugan mo, kaya samantalahin ang oportunidad na ito upang magkaroon ng positibong pagbabago sa iyong kalusugan.
  3. Magpahinga. Mahalaga ang pahinga dahil ito ang paraan ng iyong katawan para makapagpalakas. Ang pagkakaroon ng sapat na pahinga  ay nakatutulong din sa paglaki at pagdevelop ng iyong baby kaya dapat siguraduhing magkakuha ng 8 oras na tulog kada araw.
  4. Mag-isip ng positibo. Ang estado ng iyong pag-iisip ay kasing halaga rin ng estado ng iyong pisikal na kalusugan kaya para maiwasan ang mga problema gaya ng postpartum depression, pangalagaan ang iyong mental health.
  5. Iwasan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo. Kung ikaw ay naninigarilyo o umiinom ng alak, iwasan mo ito ngayong nagbubuntis ka dahil maraming masamang epekto ang naidudulot nito sa iyong baby na nasa tiyan. Gamitin mo ang iyong pagbubuntis bilang motivation o inspirasyon para layuan na ang ganitong bisyo at baguhin na ang iyong buhay sa mas mabuti.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ A. Cruz

Source: dailymail.co.uklivescience.com

BASAHIN: Anu-ano ang mga pagkain na makakatulong sa pagbubuntis?

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!