Bakit importante na matulog sa left side ang mga buntis?

lead image

Ipinapayo ng mga eksperto na matulog sa left side ang isang buntis dahil sa mga benepisyo na maaring makuha rito at kumplikasyon na maaring maiwasan nito.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng National Sleep Foundation, halos 78% ng mga buntis ang nakakaranas ng hirap sa pagtulog habang nagdadalang-tao. Sinasabayan din ito ng pagkaramdam na labis na pagkapagod, pananakit ng likod, maya-mayang pag-ihi at ilan pang sintomas na nagpapasakit sa isang babaeng nagdadalang-tao. Ang itinuturong dahilan kung bakit nangyayari ito ay ang maling posisyon sa pagtulog ng buntis.

Posisyon sa pagtulog ng buntis

Isa nga sa laging ipinapayo ng mga doktor para makaiwas sa mga discomfort na ito ang isang buntis ay ang pagtulog ng nakatagilid o nakaharap sa kaniyang left side.

Ngunit maliban sa pag-iwas na maranasan ang nasabing discomfort, ang pagtulog ng nakatagilid sa kaliwa o left side ay may ibang benepisyo rin para sa isang babaeng nagdadalang-tao at sa kaniyang dinadala ayon sa mga eksperto.

Nangunguna na nga rito ang pahayag ni Dr. Grace Pien, Assistant Professor of Medicine sa John Hopkins University. Ayon sa kaniya, isa sa mga dahilan kung bakit dapat matulog ng nakaharap sa left side ang isang buntis ay dahil sa kaniyang inferior vena cava o IVC. Ito ang malaking ugat na naka-puwesto sa kanang bahagi ng ating katawan na responsable sa pagdadala ng dugo mula sa kalahati ng ating katawan patungo sa ating puso.

Kaya naman kung matutulog ng nakahiga sa kaniyang likod ang isang buntis ay maaring madaganan o siksikin ng fetus sa kaniyang tiyan ang ugat na ito na maaring makaapekto sa pagdaloy ng dugo pabalik sa kaniyang puso. Gano’n din kung matutulog ang isang buntis na nakaharap sa kaniyang kanan na maari ring maging dahilan para maipit ang nasabing ugat na ito.

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/11/1127 tulog1.jpg Bakit importante na matulog sa left side ang mga buntis?

Pinapayuhan ang mga buntis na matulog nang nakatagilid sa kaniyang kaliwa. | Photo: Shutterstock

Ang pagka-ipit naman ng IVC o inferior vena cava ay maaring maging dahilan ng hindi sapat na pagdaloy ng dugo sa ating puso. Ito naman ay maaring makapagdulot ng pagbagsak ng blood pressure at pagbaba rin ng blood oxygen content ng dugo ng isang babaeng nagdadalang-tao.

Ang pagkaipit ng IVC o inferior vena cava rin ay maaring makapagdulot ng mas malaking panganib sa buhay ng isang buntis lalo na kung may problema na ito sa kaniyang blood pressure at may komplikasyon na sa kaniyang paghinga tulad ng asthma.

Epekto sa baby ng posisyon sa pagtulog ng buntis

Isang pag-aaral din na napublished sa BJOG: International Journal of Obstetrics and Gynaecology ang nagsasabing ang pagtulog sa likod (nakatihaya) ng isang buntis ay mas nagpapataas ng tiyansa para makaranas ng stillbirth o ang pagkamatay ng fetus sa sinapupunan ng kaniyang ina. Ito ay sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga tala ng mga babaeng nakaranas ng stillbirth na nangyari isang gabi matapos silang matulog sa kanilang likod.

Sinuportahan din ito ng isa pang pag-aaral na napublished sa PLOS One na kung saan sinabi na ang supine position o pagtulog sa likod ay nakakapagdagdag ng 3.7 times na tiyansa ng stillbirth.

Ayon naman sa American Pregnancy Association, ang nakatagilid o nakaharap sa left side ay isa sa pinakamagandang posisyon sa pagtulog ng isang buntis. Dahil ang posisyon na ito ay makakatulong upang madalayunan ng sapat na dugo at nutrisyon ang placenta o inunan ng isang buntis para sa kaniyang baby. Sa pamamagitan din ng posisyon sa pagtulog na ito ay naiiwasang maipit ng uterus ang atay na nasa kanang bahagi ng ating katawan.

Ang hindi naman pagtulog ng nakatagilid o pagtulog sa likod ng isang buntis ay maari ring magdulot ng iba pang problemang pangkalusugan sa kaniya. Dahil ito sa pressure at bigat ng fetus habang nakadagan sa intestines o bituka at iba pang major blood vessels sa tiyan ng isang buntis. Ilan sa mga problemang pangkalusugan na maaring maranasan dahil sa maling posisyon sa pagtulog ng buntis ay ang sumusunod:

  • Breathing issues o problema sa paghinga
  • Digestive problem o problema sa panunaw
  • Hemorrhoids o almoranas

Kaya naman pinapayuhan ng mga doktor na matulog sa kaniyang left side ang isang buntis para makaiwas sa mga problemang pangkalusugang ito at iba pang kumplikasyon sa kaniyang pagdadalang-tao.

Isang paraan para makatulog ng maayos habang nakatagilid ang isang buntis ay ang paglalagay ng unan sa pagitan ng kaniyang mga binti. Ito ay para masuportahan ang kaniyang tiyan at likod habang nakahiga. Makakatulong rin ito upang mapigilan ang kaniyang katawan sa pag-ikot o pagtulog sa kaniyang likod o tiyan.

Kung sakali namang nakakaranas parin ng problema sa pagtulog mabuting magpunta na agad sa doktor ang isang buntis para humingi ng payo. Dahil, sa isang nagdadalang-tao napaka-importante ng maayos na tulog para maibigay ang sapat na pahinga na kailangan ng kaniyang katawan at ng kaniyang dinadala.

 

Sources: Live Science, HealthLine, American Pregnancy, Sleep Foundation

Basahin: 10 pagkaing mayaman sa folic acid na dapat kainin ng mga buntis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!