7 posisyon sa sex para mas tumagal ang pagtatalik

lead image

Alam niyo ba na ang tumatagal ang lalaki sa kama ng average na 10 minuto lamang? Subukan ang mga posisyon na ito para mas tumagal ang pagtatalik. | Photo by Becca Tapert on Unsplash

Alam niyo ba na tumatagal lamang ng 10 minuto ang average na lalaki bago ito mag-orgasm? Naisip mo na ba kung gaano katagal ang pagtatalik ninyo ni mister? May mga posisyon sa sex na maaari niyong gawin upang mas tumagal ang inyong love making!

7 sex positions na maaaring subukan

Nararamdaman mo ba na parati kayong nagmamadali tuwing nagtatalik? Bakit hindi subukan pahabain ang love making para magkaroon ng pagkakataon na mag-reconnect sa isa't isa. Isang paraan din ito upang matanggal ang stress ninyong mag-asawa at magkaroon ng panahon na sarili niyo lang ang iniintindi niyo.

Kaya't heto ang 7 na posisyon sa sex na puwede niyong subukan upang mapatagal ang oras ninyo sa kama:

1. Missionary

posisyon sa sex

Hindi man ito bagong o kinky na posisyon ngunit panigurado naman na hindi agad mapapagod si mister dito. Ayon sa eksperto sa sex na si Carol Queen, kapag nasa taas daw ang lalaki at nakaturo paibaba ang ari, nagkakaroon daw ng mas maayos na blood flow papuntang penis at nakakatulong upang ma-maintain ang erection. Kapag mas madami kasing dugong dumadaloy, hindi agad lalambot ang ari ni mister.

2. Naka-sandal sa pader

Kapag against the wall ng kuwarto o ng shower ang posisyon sa sex, nakakatulong ito na tumagal ang plesure na nararamdaman. Nagiging turn-on din sa lalaki kung si misis ang nasusunod.

Kapag nasa ganitong posisyon, puwedeng buhatin si misis ni mister kung kaya niya. Kaso minsan mas naka-focus si mister na balansehin ang bigat ninyo kaysa isipin ang pakiramdam ng ginagawa ninyo.

3. Si misis sa taas

posisyon sa sex

Kapag ito ang posisyon na pinili, siguraduhin na dahan-dahan ang pag galaw ninyo. Kapag babae ang nasa itaas, hindi gaanong nasti-stimulate ang ari ng lalaki kaya mas tumatagal bago siya mag-ejaculate.

Puwede ring subukan na gently hilain ang testicles para hindi agad mag-ejaculate.

4. Spooning

posisyon sa sex

Humiga nang nakatagilid at iposisyon si mister sa likuran. Sa ganitong posisyon, ipapasok ni mister ang kaniyang ari. Gawing mabagal ang pag galaw at subukan na mag-grind habang nagtatalik. Dahil mababaw ang pagkapasok ng penis, hindi gaanong ma-e-excite masyado si mister. Puwede kayong tumagal pareho at i-enjoy ang love-making.

5. Magkatabi

Kaparehas ng spooning ang posisyon sa sex na ito ngunit magkaharap kayo. Importante na mas mababa ang bewang ni mister kaysa kay misis. Ipalupot ang isang hita sa likod ni mister para mas malapit sa isa't isa. Tuwing ipinapasok ang penis, kapitan si mister nang mahigpit at i-release tuwing inilalabas ang penis para sa mas pleasurable experience.

6. Habang nakaupo

Paupuin si mister sa upuan at pagkatapos ay upuan ang kaniyang penis upang maipasok sa vagina. Gamitin ang armrests ng upuan para suportahan ang weight ni misis. Isa itong alternatibong posisyon sa doggy style.

Dahil galing sa likuran ang pag-entra sa pwerta, hindi masyadong stimulated si mister kaya mas tatagal siya. Tandaan, gumamit ng matibay na upuan!

7. Criss-cross

Parang spooning din ito ngunit imbis na magkalapit ang mga katawan, tila nakatuwad si misis habang nakahiga at nakakapit ang mga hita niya sa mga hita ni mister. Dahil limitado ang galaw, hindi masosobrahan sa stimulation ang penis.

Mga ibang tips:

  • Pisilin ang ulo ng penis para bumagal ang ejaculation.
  • Panatilihing mababaw ang pagpasok ng penis para mas pleasurable.
  • Huwag masyadong ma-excite. Para tumagal, kailangan i-control ang mga sensation na nararamdaman para tumagal.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles galing sa artikulong ito.