Bago ang pasukan sa school, tinutulungan ko na maging advanced ang learning ng aking anak na babae na apat na taong gulang na.
Para hindi na siya mahirapan sa school, sa pamamagitan ng bawat litrato,numero, guhit at letra sa kanyang notebook ay itinuturo ko sakanya kung ano-ano ba ang tawag sa mga ito.
Ito ay upang maging pamilyar na siya sa mga ito bago pa man siya mag-aral sa pasukan ng kaniyang paaralan.
Bawat pagtuturo ko sa kanya sa kada isang larawan, numero, guhit at letra kung ano ba ang pangalan at itsura nito, lubos naman niyang natatandaan upang mabilis niyang mamemorya ang lahat ng mga ito.
Pagkatapos kong maituro lahat ng bawat larawan, numero, guhit at letra, tinatanong ka naman siya pabalik tungkol sa mga tawag dito.
At sa pamamagitan ng aking pamamaraan ng pagturo nang mahinahon at paulit-ulit, kanya naman itong natatandaan ng mahusay at mas mabilis.
Bukod pa dito, mabilis siyang makatanda at makasagot sa bawat na itatanong ko sa kanya. Kaya nman bilang magulang, lubos na masaya ako dahil hindi ko na kailangan mangamba dahil sa pamamagitan ng pagtuturo ko sa kanya, talaga namang mahusay na siya.
At sa back-to-school, alam kong makakaya niya kung ano man ang kanilang tatalakayin sa magiging aralin nila sa eskwelahan kasama ang kanyang mga kaklase at guro.
Panatag ako dahil sa kanyang taglay na katalinuhan at pagiging bibo at mabait na bata.
Payo ko lang sa ibang mommy, basta pagtiyagaan lang natin sila at huwag sapilitan. Dapat din ay may kasamang bonding upang malibang din sila sa pamamaraan natin ng pagtuturo sa kanila habang nasa bahay.
Ito ay upang maging advanced sila at mabilis matuto at aktibo sa bawat ituro ni teacher. Hindi na din mahihirapan si teacher sa pagtuturo sa mga anak natin sa kanilang aralin sa eskwela.
At hindi na din tayo magwo-worry habang nasa bahay tayo, naghahanda na lang ng pagkain sa kanilang pagdating galing ng eskwela.
Sabik din natin tanungin kung ano-ano ba ang kanilang naging aralin sa eskwela at kanyang natutunan at maging sa bago niyang mga kaibigan at nakuha niyang star rate mula kay teacher.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!