Prax Yap speechless sa tanong ni Marcus: “Lalabas ba yung [sperm] para pumunta dyan?”
Nakakaaliw na video ang binahagi ni mommy Prax Yap sa social media kung saan ay nagtatanong si Marcus tungkol sa pagbuo ng baby.
Kinaaliwan ng mga netizen ang conversation ng content creator at celebrity mom na si Prax Yap at ng kaniyang anak na si Marcus. Paano ba naman, halos speechless si Mommy Prax sa huling tanong ng curious na anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Prax Yap, hindi nakasagot sa tanong ni baby Marcus tungkol sa reproduction
- Kailan dapat kausapin ang anak tungkol sa reproductive health?
‘Bata, Paano Ka Ginawa’ peg ng usapan ni Prax Yap at baby Marcus
Sa isang maikling video na ibinahagi ni Prax Yap sa social media, naging kaaliw-aliw ang usapan nila tungkol sa pagbuo ng baby.
Noong una ay sinabi lang naman ni Mommy Prax na masakit ang kaniyang puson dahil magkakaroon na pala siya ng regla. Dito na nagtanong si Marcus kung bakit nireregla ang babae. Na nauwi sa usapin ng pagbuo ng baby.
“Ano? Wala siyang ibang kasama? Wala ‘yung dun sa papa?”
“Paano magsasama yun? Diba nasa papa yung isa, yung isa nasa mama? Pano yun? Lalabas yung sa kanya para pumunta dyan? Ganun ba?” Tanong ni Marcus.
Ang nasabi lang ni Prax Yap habang tila natatawa, “Panong? Ano nga?”
View this post on Instagram
Kailan dapat kausapin ang anak tungkol sa sexual at reproductive health?
Sa panahon ngayon, mas maagang nahahantad ang mga bata sa mga adult na tema dahil sa internet at social media. Ayon sa Mayo Clinic, karamihan ng mga bata ay nakakaranas ng exposure sa pornograpiya sa edad na 13, at may ilan pa nga na nagsisimula na sa edad na 7. Kaya mahalaga na tayong mga magulang ang unang magtuturo sa ating mga anak tungkol sa sexual at reproductive health.
Ayon kay Dr. Asma J. Chattha, pediatrician sa Mayo Clinic Children’s Center, mas mabuti kung mas maaga nating kausapin ang ating mga anak tungkol sa mga paksang ito. Sa kanilang klinika, sinisimulan nila ang pag-introduce ng konsepto ng consent sa mga bata sa edad na 5 sa mga well child exams. Dito pa lang, tinuturo na sa mga bata na may karapatan silang tumanggi kapag hindi sila komportable.
Kapag umabot na ang bata sa edad na 7, unti-unti nang ipinapasok ang mga usapin tungkol sa puberty at pagbabago sa katawan. Pati na rin ang reproductive health. Mahalaga na nagsisimula na ang mga magulang na pag-usapan ang mga paksang ito sa bahay upang mas maging handa ang bata sa mga ganitong pagbabago.
Huwag hintayin na ang internet ang magturo sa kanila; simulan na ang usapan ngayon.