X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#TAPTalks: Princess Velasco, may nakakatuwang paraan para mapatigil sa pagsuso ang kaniyang anak!

6 min read
#TAPTalks: Princess Velasco, may nakakatuwang paraan para mapatigil sa pagsuso ang kaniyang anak!

Nagbabalak na itigil na sa pag-bebreastfeed ang iyong anak? Narito ang ilang tips na makakatulong sayo.

Princess Velasco inaming mahirap i-wean o itigil sa pag-brebreastfeed ang kaniyang anak. Pero para sa kaligtasan ng kaniyang pangatlong pagbubuntis ay kinailangan niya itong gawin. Narito kung paano niya ito naisagawa gamit ang isang nakakatuwang paraan.

princess velasco

Image from Princess Velasco

Princess Velasco 3rd pregnancy

Surprise ECQ baby, ganito kung tawagin ni Princess Velasco ang kaniyang pangatlong pagbubuntis. Dahil bilang isang babae na may PCOS at endometriosis hindi niya akalaing mabubuntis siya agad muli. Sa katunayan, ayon kay Princess sa nauna niyang dalawang pagbubuntis ay kinailangan niya pang uminom ng fertility medicines para ito ay maging possible. Magkaganoon pa man very happy pa rin si Princess sa kaniyang 3rd baby. Lalo na’t ito ay isang girl na matagal na nilang inaasam ng kaniyang mister.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Princess Velasco (@princessvelasco)

Pero tulad ng nauna niyang mga pagbubuntis, siya ngayon ay naka-schedule CS na rin sa panganganak sa kaniyang bunso. Ito ay dahil lubhang napakadelikado na para sa kaniya ang mag-labour dulot ng mga komplikasyon sa pagbubuntis at panganganak na nauna niyang naranasan.

Kondisyon ng kaniyang pagbubuntis

Kuwento ni Princess, kinailangan niyang i-CS sa kaniyang panganay dahil sa ito ay malaki masyado. Habang sa kaniyang pangalawang anak naman ay nakaranas siya ng gestational diabetes at tulad ng kaniyang panganay ay malaki rin ito. Dagdag pa niya sa sobrang laki nga umano nito ay nabuka ang old CS scar niya na hindi niya namamalayan. Dahilan upang sa pagbubuntis niyang ito ay hindi na siya papayagang mag-labour pa at i-deretso CS na.

“When I was being cut open medyo delikado. Bumuka na pala ‘yung old CS scar ko. Dahil nagko-contract na pala ako the night before hindi ko alam.”

Ito ang pag-aalala ni Princess sa tagpo noong ipinapanganak niya ang kaniyang pangalawang anak. Isa rin ito sa mga dahilan na nagtulak sa kaniya upang itigil na ang pagpapasuso sa ngayon ay dalawang taong gulang niya ng anak. Dahil paliwanag ng doktor ang nipple stimulation na dulot ng pagpapasuso ay maaaring magdulot ng contractions sa kaniyang tiyan. Ito’y napakadelikado para sa kaniyang pagbubuntis na maaring mauwi muli sa pagbubukas ng kaniyang old CS scar.

Princess Velasco’s tip on weaning a baby from breastfeeding

princess velasco

Image from Princess Velasco

BASAHIN:

6 na pagkain na dapat kainin ng bagong panganak

#TAPTalks: Aicelle Santos-Zambrano: “Wear your stretch marks proudly”

#TAPTalks: Ryza Cenon, nagbahagi ng struggles niya bilang new mom

Kaya naman mahirap at mabigat man sa kaniyang kalooban ay kinailangang itigil ni Princess ang pagpapasuso sa kaniyang pangalawang anak. Dahil maliban sa dala nitong peligro sa kaniyang pagdadalang-tao, hindi niya rin inimumungkahi ang tandem feeding o pagpapadede ng sabay sa kaniyang toddler at upcoming baby number 3.

“I have 2 friends na kakapanganak palang hindi nag-wean. Parang sabi nila medyo mahirap pala ‘yung tandem feeding. Kasi nagre-regress ‘yung baby daw lalong mas nagiging clingy, mas lalong naging demanding. As a mom iniiisip ko baga madaganan rin ‘yung baby ganoon.”

Ito ang pahayag pa ni Princess sa aming panayam.

Kaya naman tulad ng ginawa niya sa kaniyang panganay na si Kobe ay sinubukan rin ni Princess na i-apply sa kaniyang pangalawang anak na si Milo ang kaniyang weaning strategy. Sa pamamagitan ng pagpapanggap na may sugat ang kaniyang mga nipples at paglalagay ng band-aid sa mga ito.

Her weaning strategy

“Milo sorry super ouchie na dede ni Mommy may sugat. Tapos sabi niya “Can I see sugat?”. Talagang titingnan niya, tse-check niya. Siguro mga 2 days o 3 days meron akong band-aid sa dede ko kasi ini-inspect niya. Meron siyang surprise inspection during the day. So parang kapag nakita niya na meron hindi siya dumedede.”

Ang weaning strategy niyang ito ay successful din sa kaniyang pangalawang anak. Simula nitong November 4 ay hindi na ito dumedede at natuto ng uminom ng kaniyang gatas sa baso. Isang bagay na nagbigay ng magkahalong lungkot at saya na pakiramdam sa acoustic singer.

“Kapag na-wean mo na sila ikaw naman ‘yung malulungkot pagkatapos. Ay hindi siya dumede ‘di na siya baby. Big boy na siya.”

Pero magkaganoon man, ayon kay Princess ginagawa niya naman ito para sa ikakabubuti ng lahat. Para sa kapakanan ng kaniyang pagbubuntis at pamilya.

Pagpapatigil sa pagpapasuso sa iyong anak

princess velasco

Image from Princess Velasco

Ayon sa American pediatrician at parenting book author na si Dr. William Sears, walang tamang oras kung kailan dapat tigilan ng isang ina ang pagpapasuso sa kaniyang anak. Maliban nalang kung may mga pagkakataon na kailangan itong gawin tulad ng kaso ni Princess. Pero ang pagpapatigil sa pagsuso o weaning sa mga bata ay hindi madali. Ngunit may mga paraan na maaring subukang gawin upang ito ay maging possible. Para magawa nga ito ay narito ang mga tips na makakatulong sayo.

Mga tips sa para unti-unting mapatigil sa pagsuso ang iyong anak

  • I-breastfeed lang ang iyong anak kapag gusto ninya at huwag i-offer sa kaniya ito. Sa ganitong paraan ay dahan-dahan mong naii-introduce sa kaniya ang weaning process.
  • Baguhin ang iyong routine. Iwasan o alisin na ang mga nursing chair sa inyong bahay o subukang pasusuin ang iyong anak ng nakatayo. Paraan rin ito upang unti-unti mong ma-introduce ang weaning process sa ‘yong sarili at sa iyong anak.
  • Sa oras na gusto niyang dumede o siya ay nagugutom, alukin siya ng inumin o pagkain. O magsagawa ng distractions tulad ng pagdadala sa kaniya sa park sa mga nakasanayang nursing time niya.
  • Paiksiin ang nursing time niya. Gawin ito sa pamamagitan ng nakakatuwang paraan. Tulad ng matatapos ang kaniyang pagsuso matapos ang isang kanta o kaya sa pamamagitan ng bilang hanggang 20. Makakatulong ito sa weaning transition niya.
  • Kung nasanay naman ang iyong anak na sumuso sa gabi bago matulog ay mabuting ihiwalay na muna siya ng higaan sa ‘yo. O kaya naman ay itabi siya sa kaniyang kapatid. Makakatulong din ang mga distractions tulad ng pagbabasa ng bedtime stories para hindi siya sumuso at makatulog siya.
  • Imbes na pasusuin siya ay halikan o yakapin siya para maparamdam parin sa kaniya ang iyong pagmamahal.

 

Source:

La Leche League International

Partner Stories
Care for a ‘VacationPass?'
Care for a ‘VacationPass?'
Share the Shack: Give the gift of Shack to a frontliner
Share the Shack: Give the gift of Shack to a frontliner
Summer’s on Us: Escape with Samsung’s TV and Soundbar bundles
Summer’s on Us: Escape with Samsung’s TV and Soundbar bundles
Unstoppable You: EasySoft releases inspiring short film
Unstoppable You: EasySoft releases inspiring short film

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • #TAPTalks: Princess Velasco, may nakakatuwang paraan para mapatigil sa pagsuso ang kaniyang anak!
Share:
  • 10 Times Princess Diana showed us she was just like a regular mom

    10 Times Princess Diana showed us she was just like a regular mom

  • Bilingual lessons for the two-year-old Princess Charlotte

    Bilingual lessons for the two-year-old Princess Charlotte

  • Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

    Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 10 Times Princess Diana showed us she was just like a regular mom

    10 Times Princess Diana showed us she was just like a regular mom

  • Bilingual lessons for the two-year-old Princess Charlotte

    Bilingual lessons for the two-year-old Princess Charlotte

  • Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

    Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.