9 na prutas na dapat kainin ng mga pregnant mommies

lead image

Lahat naman ng prutas ay masustansiya. Pero ang 9 na ito ang makapagbibigay ng pinakamarami at pinaka-importanteng vitamins at minerals na kailangan kapag nagbubuntis.

Mahalaga ang healthy food choices para sa mga nagbubuntis, kabilang na ang mga prutas para sa buntis na maaaring makatulong sa healthy pregnancy.

Ang sabi nga ng mga nutritionists at doktor, kapag buntis ka, kumakain ka para sa dalawa kaya dapat na pag-ingatan ang anumang pumapasok sa katawan at sistema. Kapag masustansiya ang pinipiling pagkain, masisigurong makukuha ng fetus ang kailangan niyang nutrients para sa kaniyang paglaki sa sinapupunan.

May mga piling prutas na dapat kainin para sa kabuuang kalusugan ni mommy at ng hindi pa napapanganak na baby—dahil sa mga health benefits na makukuha sa mga ito. 

Bakit nga ba importanteng kumain ng mga prutas para sa buntis?

Kapag buntis, marami kang “cravings”, marami kang gustong kainin ayon sa panlasa mo sa oras na iyon. Minsan, ang mga gusto mong kainin ay hindi masustansiya—pero masarap para sa iyo kaya tuloy ang kain.

Para masigurong may makakain pa din may vitamins at minerals na kailangan kapag buntis, mainam na isali palagi ang prutas sa araw-araw. Sa ganitong paraan, makakaiwas kahit papaano sa mga matatamis na “cravings”. Karaniwan at hindi mamahaling mga prutas ang dapat na kainin.

Lahat naman ng prutas ay masustansiya. Pero ang mga sumusunod ang pinakahitik sa nutrients para sa mga pregnant mommies, bukod sa ito ang pinakamadaling hanapin. Narito ang 9 na prutas para sa buntis:

1. Mangga

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/11/1119 prutas1.jpg 9 na prutas na dapat kainin ng mga pregnant mommies

Mangga | Photo by HOTCHICKSING on Unsplash

Hilaw man o hinog, paniguradong masasagot ng mangga ang kailangang vitamin A at vitamin C, na maipapasa din kay baby, para makaiwas sa vitamin A deficiency. Ayon sa mga pag-aaral, ang Vitamin A deficiency sa mga bagong panganak na sanggol ay may kaugnayan sa lower immunity at malaki ang posibilidad na magkaron ng komplikasyon tulad ng diarrhea at respiratory infections.

Nakakatulong din ang vitamin C sa maayos na digestion para makaiwas ang mga pregnant mommies sa constipation at mga impeksiyon.

2. Oranges

Isa pang source ng vitamin C ang oranges. Mapapanatiling hydrated at makakapagbigay ng natural na proteksiyon laban sa mga sakit ang regular na pagkain ng oranges. Epektibong antioxidant din ito, na nakakatulong na maprotektahan ang   cells ng katawan. Dagdag pa dito, nakakatulong ding maka-absorb ng iron, na kailangan ng mga nagbubuntis, at nakakapagpababa ng mataas na presyon dahil sa taglay nitong potassium.

May taglay ding folate ang prutas na ito, na kailangan ng mga sanggol para maiwasang magkaron ng brain at spinal cord abnormalities.

3. Bayabas

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/11/1119 prutas2.jpg 9 na prutas na dapat kainin ng mga pregnant mommies

Bayabas | Photo by Amirul Islam on Unsplash

Vitamin E, C, iso-flavonoids, Carotenoids, Polyphenols at folate naman ang taglay ng ordinaryo, pero hitik sa sustansiya na prutas na ito, kaya’t isa ito sa pinakamahalagang kainin ng pregnant moms. Dagdag pa dito ang naitutulong nito sa digestion, na siya ring panlaban sa constipation. Para kay baby naman, napapalakas ng prutas na ito ang nervous system ng sanggol.

4. Saging

Mayaman ang prutas na ito sa vitamin C, folate, potassium, magnesium, vitamin B6 at fiber. Nakakatulong ito sa constipation, na talaga namang pahirap kapag buntis ka. Mainam din ito para maalis o mabawasan ang pagkahilo at pagsusuka sa mga unang buwan ng pagbubuntis. Ang magnesium sa saging ay tumutulong na magkaron ng balanseng fluid para mabawasan ang pagkahilo o pagsusuka. Saging ang nirerekumenda ng mga doktor na kainin sa unang trimester ng pagbubuntis.

Folate naman ang nagbibigay proteksiyon sa sanggol laban sa neural tube defects, at Vitamin B6 ang tumutulong na mapanatili ang tamang lebel ng sodium sa katawan ng nagbubuntis.

5. Avocado

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/11/1119 prutas3.jpg 9 na prutas na dapat kainin ng mga pregnant mommies

Avocado | Photo by Thought Catalog on Unsplash

May taglay na fats, pero ito ang uri ng fats na mabuti sa katawan. Dahil may taglay itong vitamins C, E, at K, monounsaturated fatty acids, fiber, B vitamins, magnesium, potassium, copper, at folate, nagbibigay ito ng energy para sa mga preggo moms, at nakakatulong sa pagkakaron ng healthy skin at brain kay baby. Para kay mommy naman, potassium ang nakakatulong na maibsan ang mga leg cramps o pulikat.

At dahil may folate at magnesium at potassium, maraming mga mommies ang nagpapatunay na nakakatulong ito na maibsan ang pagkahilo o nausea.

Mayron din itong iron na kailangan ng mga nagbubuntis.

6. Ubas

Hitik ang ubas sa fiber, vitamins C at K, folate, antioxidants, glucose, fructose, phlobaphene, galic acid, silicic acid, oxalic acid, pectin, magnesium, calcium, iron, folic acid at vitamin B1, B2, at B6

Napapatibay ng mga bitaminang ito ang immune system ni mommy at baby, at nagbibigay proteksiyon din laban sa mga impeksiyon.

7. Mansanas

Lahat ng mahahalagang nutrients na kailangan ng iyong lumalaking baby sa tiyan ay taglay ng prutas na ito: vitamins A, E, D at C, zinc, fiber at potassium. Sa regular na pagkain ng mansanas habang buntis, natutulungang mapalakas ang immune system ng bata, lalo na laban sa hika at allergies.

8. Anumang uri ng Berries

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/11/1119 prutas4.jpg 9 na prutas na dapat kainin ng mga pregnant mommies

Strawberries | Photo by Hal Gatewood on Unsplash

Strawberry, raspberry, blueberry, ang ilang karaniwang uri ng berries na sagana sa vitamin C, healthy carbohydrates, antioxidants, fiber at folate. Marami din itong taglay na tubig na kailangan ng pregnant mommies at kanilang babies para hindi ma-dehydrate.

Carbohydrates ang nagbibigay ng kinakailangang energy ng mga nagbubuntis. Dagdag pa dito, mabilis itong dumadaloy at napupunta sa placenta para mabigya ng sapat na nutrients ang sanggol sa sinapupunan.

Imbis na donuts, cake, o kakanin ang meryendahin, bakit hindi na lang berries ang kainin para healthy carbs ang makuha?

9. Pakwan

Mayaman sa Vitamins A, C, at B6, fiber, magnesium at potassium ang prutas na ito. Makaiiwas ang mga pregnant mommies sa heart burn, at pamamanas ng kamay at paa (oedema) at naiibsan ang muscle cramps.

Gaano karaming prutas para sa buntis ang dapat kainin?

Payo ng mga nutritionists ng Medical News Today, sa payo ni Natalie Olsen, RD, LD, ACSM EP-C, nasa 5 portions ng sariwang prutas at gulay ang dapat na kinakain ng mga nagbubuntis. Wala rin namang masama sa mga delata at frozen na prutas, pero mas mainam na ang sariwa. Ayon sa The American Pregnancy Association, gawing 2 hanggang 4 na servings ng prutas ang kailangan ng katawan, lalo kung buntis.

Ang isang serving ng prutas ay isang prutas na kasinlaki ng bola ng tennis, o isang tasa ng hiniwa-hiwang prutas.

Sapat na nutrisyon para sa mag-ina ang naibibigay ng prutas at gulay. Dagdag pa dito na bumababa ang panganib na dala ng ilang sakit at defects para sa baby, at gayundin kay mommy.

Pregnant mommies, dapat iwasan ang mga sumusunod:

  • Nakaboteng at delatang juice, dahil ang fruit juice ay mataas ang sugar content
  • Pagkain nang labis-labis, kahit pa prutas ito
  • Sweetened na dried fruits
  • Papaya, dahil ito ay may latex, na sanhi ng uterine contraction—at labor—nang wala sa panahon. Iwasan ito sa last trimester.
  • Black grapes, lalo sa unang trimester, dahil nagpapainit ito ng katawan, na makasasama sa sanggol.
  • Pinya, dahil may taglay itong bromelain, na nagpapalambot sa cervix at maaaring maging sanhi ng early labor.
  • Dates, katulad din ng pinya.

Paalala:

  • Ugaliing mahugasan nang mabuti ang prutas bago kainin, kahit pa nakalagay na “pre-washed” ito.
  • Tanggalin ang mga bahagi ng prutas na may bugbog o “pasa”, dahil ito ang pinamamahayan ng mga bacteria.
  • Kung iinom ng fresh fruit juice, piliin ang pasteurized o pinakuluang fruit juice.
  • Ilagay sa refrigerator ang mga sariwang gulay, at huwag itatabi sa hilaw na karne.

Kumunsulta sa doktor kung may tanong o ikinababahala, na may kinalaman sa kondisyon bilang buntis.

Basahin: Bawal nga ba ang talong sa buntis?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!