Pulikat: Lahat ng dapat malaman tungkol sa kondisyong ito

lead image

Paano nga ba nagkakaroon ng pulikat, at anu-ano ang mga mainam na gamot para sa kondisyong ito? Ating alamin sa article na ito.

Lahat ng tao ay nakakaranas ng pulikat, sa isa o higit pang pagkakataon. Kapag natutulog, madalas ay nagigising ka sa sobrang sakit at paninikip at paninigas ng muscles sa binti, at hindi na ito maigalaw. 

HIndi naman dapat ipag-alala dahil ito ay kadalasang biglaan, pero nawawala din kaagad at narerelax din muli ang muscles.

Ano ang sanhi ng pulikat?

Ayon sa Mayo Clinic, ang labis na paggamit ng muscles, kasama ng dehydration, at pag-upo o pagtayo nang matagal ay nagiging sanhi ng pulikat. Dagdag pa dito ang ilang mineral deficiencies, tulad ng kakulangan sa potassium. Madalas ay nangyayari ito sa gabi, lalo kung mali ang posisyon sa pagtulog. Pero karaniwan din itong nagaganap sa maghapon, lalo kung matagal na nakaupo o nakatayo, o kapag dehydrated ang katawan. Isang binti lang palagi ang pinupulikat, at karaniwang ay sa calf o likurang bahagi ng binti.

Akala ko noon ay mga buntis lang ang nakakaranas nito. Pero kapag nanuod ka ng basketball games tulad ng PBA o NBA, o kapag may nakausap kang ballerina, malalaman mong kahit sino ay pwedeng pulikatin. Paliwanag ni Grace Alvarez, RN, maraming pwedeng maging dahilan ng pagkapulikat, tulad ng gamot na iniinom, pagbubuntis, o di kaya ay hindi sapat o tamang stretching bago mag-ehersisyo o maglaro ng sports.

Paano maiibsan ang pulikat?

Stretching at masahe. Banatin ang naninigas na muscle at marahang diinan at hagurin ito para ma-relax ulit. Ibali ng bahagya ang tuhod, at ituwid ang binti na walang pulikat. Makakatulong ang paghila ng dulo ng paa (mga daliri sa paa), at paghagod din ng talampakan. Narerelax nito ang “hamstring”. Kapag sa harapang bahagi ng balakang o pulikat ng quadriceps, tumayo at tumukod sa isang silya o lamesa, at banatin ang paa nang patalikod.

Kung palaging pinupulikat, kumunsulta sa doktor at magtanong ng tamang paraan ng stretching at masahe para maibsan ang sintomas.

Dampian ng hot o cold compress. Gumamit ng bimpo na binasa ng maligamgam na tubig, o di kaya ay heating pad para sa naninigas o nainikip na muscles; o gumamit ng ice pack o bimpo na binabad sa may yelong tubig at idampi sa pulikat. Kung madalas itong nangyayari, maligo gamit ang maligamgam na tubig, at imasahe ang bahagi ng katawan na palaging pinupulikat.

Ang pulikat ay isang sintomas din ng dehydration. Kapag kulang sa tubig ang katawan, nanunuyo ang labi, naluluha ang mga mata, hindi pinagpapawisan, at pinupulikat ang mga muscles. Huli dito ay ang magkahilo at pagsusuka. Kung lahat ito ay nararamdaman, kumunsulta kaagad sa doktor.

Kumunsulta sa doktor kung labis at madalas na ang pananakit ng pulikat. Baka sintomas ito ng mas malalang sakit.

 

SOURCES: Grace Alvarez, RN, MayoClinic, Healthline

Basahin: Cramps during Pregnancy

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!