#AskDok: Paano maiwasan ang bad breath kapag naka-pustiso?

#AskDok: Paano maiwasan ang bad breath kapag naka-pustiso?

Narito ang paraan ng tamang paglilinis ng pustiso para makaiwas sa bad breath.

Pustiso na nagdudulot ng bad breath? Maiiwasan iyan! Narito ang mga dapat gawin, ayon sa prosthodontist at orthodontist na si Dr. Aimee Yang-Co na nakausap namin sa launch ng Polident Cleansing Tablet.

Pustiso at bad breath

Ayon kay Dr. Aimee Yang-Co, ang pangunahing dahilan kung bakit nagdudulot ng bad breath ang pustiso ay kapag hindi ito nalilinisan ng maayos. Ito rin daw ang dahilan kung bakit madali itong nasisira o nababasag. Kaya naman para maiwasan ito ay dapat nalilinisan ng maayos ang mga pustiso na patuloy na magbibigay ng magandang ngiti mo.

bad breath at pustiso

Image from Freepik

Tamang paraan para maiwasan ang bad breath dahil sa pustiso

1. Pag-gamit ng denture adhesive.

Ang maliliit na piraso ng pagkain na ating kinakain ay maaring maiwan sa pustiso na pinagsisimulan ng bad breath. At isang paraan para maiwasang ma-trapped ang mga food particles na ito sa iyong pustiso ay kailangang maayos ang pagkakadikit nito sa iyong gums o gilagid.

Kaya naman malaking tulong ang mga dental adhesive para masiguradong nakakapit ng maayos ang pustiso.

Hindi mo lang mai-enjoy ang pagkain mo sa pamamagitan nito, mababawasan rin ang tiyansa mong magka-bad breath.

2. Paglilinis ng pustiso araw-araw.

Ang mga pustiso ay dapat nililinis at least once a day. Ngunit hindi dapat gumamit ng toothpaste o dishwashing liquid dahil ito ay maaring makadulot ng scratches sa pustiso na puwedeng pagsimulan ng plaque build-up.

Ang payo ni Dr. Aimee Yang-Co ay gumamit ng mga denture cleanser tablet o cleaning agent na para talaga sa pustiso.

Una ay ibabad ang pustiso sa dental cleanser tablet. Ang cleanser tablet ay papatayin ang 99.9% ng odor-causing bacteria sa pustiso.

Sunod ay brushin ang natitirang dumi sa iyong ngipin gamit ang soft bristle denture brush.

Isang tip ni Dr. Aimee Yang-Co sa tuwing maglilinis ng pustiso ay siguraduhing nakatapat ito sa isang palanggana na may tubig. Ito ay para sa kung sakaling aksidenteng malaglag ito ay hindi agad mababasag.

Matapos mababad at ma-brushan ay saka banlawan ang pustiso sa running water o umaagos na tubig.

3. Tanggalin ang pustiso bago matulog.

Para maiwasang pamahayan ng bacteria ay dapat tanggalin ang pustiso bago matulog. Ito rin ay para mabigyan ng pahinga ang iyong bibig at gilagid.

4. Pumunta sa dentista para sa regular check-up.

Para matingnan at ma-check ang kondisyon ng iyong pustiso ay dapat bumisita sa dentista kada anim na buwan. Ito ay para masigurong ayos ang fit ng pustiso at hindi magdudulot ng discomfort sa may suot nito.

Ilan pang paalala sa pag-aalaga ng pustiso

Panatilihing moist ang pustiso kapag hindi ito suot upang hindi matuyo o mabago ang hugis o sukat nito.

Kapag hindi suot ang pustiso, ito ay dapat nakababad sa denture cleanser soaking solution o sa tubig. Ngunit, kung may metal attachments ang pustiso ay iwasang ilagay ito sa soaking solution dahil baka mag-tarnish o mangalawang at dumumi.

 

Source: Mayo Clinic, Web MD, My Denture Care

Basahin: AskDok: Ligtas bang magpabunot ng ngipin ang buntis?

May tanong kay, Dok? I-post ang tanong sa aming libreng online community app! I-download ang theAsianparent app dito.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner