Ang tanong ng ating mommies, pwede ba ang tokwa sa buntis?
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang tofu?
- Pwede ba ang tokwa sa buntis?
- Health benefits ng tokwa
- Epekto ng labis na pagkain ng tofu sa buntis
Ano ang tofu?
Mahalaga sa pagbubuntis ang magkaroon ng masustansyang pagkain. Karamihan, hindi nila sinasama ang itlog o karne sa kanilang diet. Ngunit ‘wag mag-alala, kung ayaw mong magkaroon ng karne sa iyong diet, maaaring gawing alternatibo ang pagkain ng tofu.
Marami itong dala-dalang benepisyo sa buntis. Ito ay may low calorie, walang cholesterol at may magandang kalidad ng protina. Gluten-free rin ito!
Ang tofu ay gawa sa soymilk at kilalang pagkain sa East at Southeast Asia. Ang curds mula sa soymilk ay ginagawang gelatinous white blocks na ang tawag ay tofu. Isa sa kagandahan ng tofu, maaari mo itong ilagay sa maraming uri ng putahe katulad ng soup, salad o kahit na sa iyong smoothies!
Bilang alternatibo sa karne, maaaring gamitin ang silken tofu sa iyong diet dahil ito ang pinakamalapit ang texture sa karne. Habang ang pinaka common naman ay ang firm tofu na kadalasang stir-fry.
BASAHIN:
#AskDok: 5 pagkain na ipinagbabawal sa buntis
4 na pagkain na DAPAT kinakain ng buntis
STUDY: Pag-inom ng kape ng buntis, maaaring makaapekto sa unborn child
Pwede ba ang tokwa sa buntis?
Kadalasan, ang isang block ng hard tofu ay may bigat na 122 grams, mayroon din itong:
- 177 calories
- 5.36 g carbohydrate
- 2.19 g fat
- 15.57 g protein
- 421 mg calcium
- 65 magnesium
- 3.35 mg iron
- 282 mg phosphorus
- 178 mg potassium
- 2 mg zinc
- 27 micrograms (mcg) ng folate
Lahat ng sustansyang ito ay may benepisyo sa paglaki at development ng fetus.
Halimabawa, ang mataas na calcium ay nakakatulong sa development ng buto at ngipin ni baby. Habang ang high concentration ng folate, iron, zinc, at trace minerals ay importante naman sa pisikal at cognitive growth ni baby.
Dagdag pa rito, ang tofu ay nakakapigil ng premature delivery. Ayon sa pag-aaral, ang plant-based diet sa pagbubuntis ay nakakapagpababa ng risk ng preterm labor.
Hindi lang natatapos diyan ang lahat. Nakakatulong din ito sa sakit ng puso. Ang saponins na nasa tofu ay nakakapagpabuti ng blood cholesterol at nakakapagpataas ng paglabas ng fecal bile acids at neutral sterols. Dahil dito, napapababa nito ang risk ng pagkakaroon ng heart disease.

Iba pang health benefits ng tofu:
- Hair growth: May magandang kontribusyon ang tofu sa buhok. Napapaganda nito ang tubo at pagiging healthy ng buhok ng isang babae dahil sa minerals at vitamins na mayroon ito.
- Nakakatulong sa menopause symptoms: Ang tofu ay mayroong isoflavone na may pagkakatulad sa oestrogen kaya naman makakatulong ito para mabawasan ang sintomas ng menopausal hot flashes.
- Nakakabuti para sa balat. Napapanatili ng tofu ang elasticity ng balat. Kaya naman nakakatulong ito sa pagpapabata ng balat.
- Napipigilan ang cancer. Matatagpuan ang iba’t ibang compound sa tofu katulad ng isoflavonoids (genistein, daidzein, glycitein) at saponins. Ito ang nagdadala ng reactive oxygen species (ROS).
- Nakakatulong para mabawasan ang timbang. Napipigilan nito kahit papaano ang pagkakaroon ng obesity. May ibang component na matatagpuan sa tofu na siyang nakabawas ng plasma lipids at taba sa liver oadipose tissue. Sapagkat ito ay low calorie, hindi ito nakakapagpataba.
Epekto ng labis na pagkain ng tofu sa buntis
Marami ang benepisyong taglay ang pagkain ng tofu sa mga buntis ngunit kailangang tandaan na in moderation pa rin dapat ang pag-consume nito.
Ang trypsin inhibitor na matatagpuan sa tokwa ay nakakaapekto sa protein digestion at maaaring pagmulan ng pancreatic disorder o gastrointestinal disorder. Kasama rito ang nausea, diarrhea at constipation. Narito naman ang iba pang side effects:
- Dahil ito ay gawa sa soy, maaaring pagmulan ito ng mataas na lebel ng aluminium na nakukuha rin kapag ito ay hinuhugasan sa aluminium tanks. Ang aluminium ay maaaring maging sanhi ngneurological problems sa utak ng fetus.
- Ang Isoflavones na makikita sa tofu ay nakakapagpahina ng oestrogen. At ang labis na pagkain ng tofu ay may delikadong dulot sa hormones ng babae at lalaki.
- Ang phytoestrogen na makikita sa soy ay nakakapgdulot ng komplikasyon katulad ng gynecomastia. Bukod pa rito, pwede pa nitong maapektuhan ang fertility.
Mahalaga talaga sa isang buntis ang healthy diet. Kasama rito ang sariwang pagkain at hindi pagkain ng processed foods. Kung nais mong idagdagsa iyong diet ang tofu, siguraduhin lang na ito ay mainit. Dahil ang pre-cooked tofu ay maaaring makontamina ng bacteria pagkatapos maluto.
Inaabiso rin ang mga buntis na magpakunsulta sa kanilang doktor kung gaano kadami ang maaaring kainin na tofu. Ang sikreto sa magandang diet ng buntis ay ang pagkakaroon ng balanseng meal na hindi sosobra o magkukulang.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!