5 quiet sex positions na perfect kapag natutulog na si baby

lead image

Gamit ang mga quiet sex positions na ito, siguradong hindi magigising si baby habang kayo ni mister ay nag-eenjoy sa inyong intimacy .

Hindi maitatanggi na para sa mga bagong magulang, mahirap ang maghanap ng panahon para magsex. Ito ay dahil madalas laging nakatutok kay baby ang mga mag-asawa, at nakakatakot rin na masyadong mag-ingay kapag nagse-sex. Kaya't heto ang 5 mga quiet sex positions na siguradong magugustuhan ninyong mag-asawa, at hindi makakaabala sa pagtulog ni baby.

Quiet sex positions para sa mga mag-asawa 

1. Spooning

Sa spooning position ay parehas kayong nakatagilid sa kama, at si mister ay nasa likod mo. Sa ganitong posisyon siya papasok, at puwede mong makontrol ang lalim pati bilis ng pagpasok niya.

Ang maganda sa position na ito ay hindi kinakailangan na bumangon o kaya ay magpaikot-ikot kayo sa kama. Kaya't tahimik ang posisyon na ito, at madaling gawin kahit natutulog pa si baby.

2. Lazy Man

Sa Lazy Man position, nakaupo sa kama si mister, at ang likod niya ay nakasandal sa pader o kaya sa headboard ng kama. Pagkatapos, papatong ka sa taas niya at ikaw ang gagalaw para sa inyong dalawa. Kaya ito tinatawag na Lazy Man ay dahil ikaw ang gagawa ng trabaho para sa inyong dalawa.

Tahimik rin ang posisyon na ito, dahil puwedeng gumalaw ka lang back and forth at hindi kinakailangan ng iba pang posisyon para masarapan kayong dalawa.

3. Squat Kneeling

Ang Squat Kneeling position ay malapit sa Lazy Man position. Ngunit ang pinagkaiba ay naka-bend ang tuhod ni mister na parang siya ay nakasquat. Maganda ito dahil hindi kinakailangan mag-thrust gaano ni mister para parehas kayong masarapan. Kaya hindi rin kayo masyadong mag-iingay habang nagsesex.

4. Face Off

Ang Face Off ay variation rin ng Squat Kneeling. Pero sa halip na nakaupo sa kama, nakaupo si mister sa gilid ng upuan o kaya sa gilid ng kama, habang ikaw naman ay nakapatong sa kaniya. 

Maganda ang posisyon na ito dahil puwedeng i-masahe ni mister ang iyong nipples, para sa added na stimulation. Mas may kontrol ka rin sa paggalaw, at mas mabilis ang pagkakaroon mo ng orgasm sa posisyon na ito.

5. Missionary

Ito ang pinaka "traditional" na position pagdating sa sex, pero ito rin ang pinakastraightforward at effective pagdating sa quiet sex positions. Hindi ninyo kailangan masyadong gumalaw sa missionary position, dahil kaunting pag-thrust lang ang kailangang gawin ni mister para masarapan kayong dalawa.

Bukod dito, hindi rin ito sobrang intense, kaya't siguradong hindi kayo gaanong mag-iingay sa missionary position.

 

Photo from: Designed by Jcomp / Freepik

Source: Women's Health

Basahin: 5 sex positions na perfect para sa mga new parents

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner