Ramon Tulfo nagdalamhati sa pagpanaw ng apo na biktima ng depression
Labis ang dalamhati ni Ramon Tulfo sa sinapit ng kaniyang panganay na apo na si Ramonito. Aniya, nasawi ito sa suicide dahil sa depression. / Lead Image mula sa Facebook page ni Ramon Tulfo
Hindi napigilan ni Ramon “Mon” Tulfo na ipahayag sa social media ang kaniyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kaniya umanong eldest grandson na si Ramon Enrique o Ramonito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Apo ni Ramon Tulfo pumanaw dahil sa depression
- Paano makakatulong ang mga magulang para maiwasan ang suicide sa anak?
Apo ni Ramon Tulfo pumanaw dahil sa depression
Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Ramon Tulfo ang lungkot at pagkabigla na nararamdaman dahil sa pagpanaw ng kaniyang apo na si Ramonito.
Aniya, biktima ng depression ang kaniyang apo at kung nakausap man lang sana niya ito tungkol sa mga nagpapabigat sa loob nito ay marahil napigilan niya itong gawin ang hindi inaasahang gawin.
“Had Ramon Enrique (Ramonito), my eldest grandson, talked to me, he wouldn’t have done the unspeakable,” aniya. “I could have talked him out of it because I probably know what he felt inside.”
Saad pa ng TV host, kinitil ng apo ang sariling buhay at natagpuan ang katawan nito sa isang hotel room. May iniwan pa umanong suicide note ang 26-anyos na apo.
Paano makakatulong ang mga magulang kontra suicide
Bukas at maunawaing komunikasyon
Makinig nang walang paghusga. Hayaan silang magpahayag ng kanilang nararamdaman. Ipaalala sa kanila na okay lang magkwento kahit tungkol sa mabibigat na bagay.
Suporta sa emosyonal na kalusugan
Bigyan ng oras ang anak – maglaan ng family time para iparamdam na hindi sila nag-iisa. Tulungan silang kilalanin ang kanilang emosyon, lalo na kapag nakakaramdam ng galit, lungkot, o pagkalito.
Pagkilala sa mga babala ng depresyon
Pansinin ang pagbabago sa gawi tulad ng pagkawala ng interes sa mga bagay na dati nilang gusto, hirap sa pagtulog, o pagbabago sa pagkain. Makipag-usap agad kapag may napansin na senyales, tulad ng pagbanggit ng pagod sa buhay o pag-ayaw makipag-ugnayan.
Pero tandaan din na hindi lahat ng taong depressed ay nagpapakita ng mga ganitong senyales. Mayroong ilan na masaya ang ipinapakitang panlabas pero nahihirapan na pala sa pinagdaraanan. Kaya mahalaga na madalas kumustahin ang inyong mga anak, gaano man kasaya o kalungkot ang mood na ipinapakita nito sa inyo.
Pagbigay ng access sa tamang tulong
Huwag matakot maghanap ng professional help, tulad ng mga psychologist, guidance counselor, o therapist. Ipakilala sa kanila ang mental health resources tulad ng hotlines o support groups.
Pagbawas ng stress sa loob ng tahanan
Iwasan ang labis na presyon sa akademiko o extracurricular activities. Maging sensitibo sa mga salita at iwasang makapanakit ng damdamin kahit biro. Mahalaga rin na iwasan ang pagsisigawan ng mag-asawa sa harap ng kanilang mga anak. Kung mayroong hindi pagkakaunawaan ay pag-usapan nang mahinahon.
Paglinang ng positibong kapaligiran
Hikayatin ang pagkakaroon ng healthy friendships at suporta mula sa mga kaibigan. At I-promote ang self-care activities tulad ng pag-eehersisyo, hobby, o nature activities.
Alamin ang mga trigger
Kilalanin kung ano ang maaaring magdulot ng bigat sa kanilang kalooban, tulad ng pambu-bully, relasyon, o social media pressure. Tulungan silang magkaroon ng healthy boundaries sa internet at social media.
Ipaalala na hindi sila nag-iisa
Ipaalam na may mga taong handang tumulong—mula sa pamilya, kaibigan, at eksperto. At gawing malinaw na hindi sila pabigat, at mahalaga ang kanilang presensya sa pamilya.
Ang maagang pagtugon at pagtanggap sa nararamdaman ng anak ay susi para makaiwas sa mga sitwasyong maaaring humantong sa suicide. Malaki ang gampanin ng mga magulang para ma-manage nang maayos ng kanilang mga anak ang depresyon at makaligtas mula sa banta ng pagkitil sa sariling buhay.
Narito ang mga mental health crisis hotline na maaaring tawagan:
In Touch: Crisis Line
(02) 893-7603 (Landline)
0919-056-0709 (Smart)
0917-800-1123 (Globe)
0922-893-8944 (Smart)
Hopeline
(02) 804-4673 (Landline)
0917-558-4673 (Globe)
0918-873-4673 (Smart)
Tawag Paglaum – Centro Bisaya
0966-467-9626 (Globe and TM)
0939-936-5433 and 0939-937-5433 (Smart/Sun/TNT)
NCMH Crisis Hotline
(02) 1553 (Luzon landline)
0917-899-8727 (Globe)
0908-639-2672 (Smart)
NFG Mindstrong
(02) 8737 (Landline)
0918-873-4673 (Smart)
0917-558-4673 (Globe and TM)
Rapha Helpline
0977-652-0230 (Globe)
0961-718-2654 (Viber on Monday)
0961-718-2655 (Viber on Tuesday and Thursday)
0961-718-2658 (Viber on Wednesday and Friday)